Chapter 18: I Like You

322 8 0
                                    

"Welcome back Keesh!" nagulat ako sa nadatnan ko pagpasok ko sa room. Sabay-sabay nila yan binanggit.

Natuwa ako. Alam mo close ko naman pala silang lahat. Nag-sorry din sila sa akin kasi wala silang lakas na loob na kausapin ako. Pero naiintindihan ko naman kasi ako naman yung lumayo sakanila.

Akala siguro nila may galit ako sa kanila kaya umiwas na lang rin sila.

"Thank You." sabi ko at nakipag-group hug ako sa kanila.

"Ay oh dumada-moves si Lino." natawa ako sa sinabi nung mga kaklase ko kasi naman yakap na yakap sa akin si Lino jusko.

So ngayon wala kaming klase kasi kailangan naming asikasuhin yung final project namin para tuloy-tuloy na ang paggawa namin sa aming thesis.

Dahil Mass Communication student kami, gagawa kami ng full movie so mahigit isang oras ang dapat naming gawin.

Kami ni Lino ang bida sa film namin. Mabuti na ngang siya ang partner ko para walang ilangan.

"I Like You." sabi niya tapos umarte ako na kinikilig. So ayun love story ang ginagawa namin. Bigla kong nakita si Ashton na mukhang galit. Ano na naman kayang problema nun?

"Guys I think we need a break." um-agree naman silang lahat. Kaya may 30 mins break kami para kumain at magpahinga na rin sandali.

"Tara sa canteen, my treat!" sabi sa akin ni Lino sabay akbay, tiningnan ko si Ashton at nag-walk out na siya. Mukhang alam ko na kung bakit siya nagagalit.

"Uhm sige susunod ako, may pupuntahan lang ako." segway ko sa sinabi ni Lino.

"Ahh sige hintayin na lang kita dun." salamat naman at pumayag siya. Agad ko sinundan kung saan pumunta si Ashton at andito na kami ngayon sa may Eco Park. Nakita kong nakaupo si Ashton at nakatanaw sa ilog.

"Hoy!" liningon niya ako pero halatang nagtatampo pa din siya kasi hindi man lang niya ako pinansin.

"Ashton naman. Kausapin mo na ako." pero hindi pa din niya ako kinikibo. Nakakainis talaga itong lalaking ito.

"Loveeee?" nilingon niya na ako, sa wakas!

"Ano ba? Bakit bigla ka na lang nagwa-walk out. At nagtatampo ka ba sa akin?"

"Eh kasi naman, narinig ko lang naman na sinabihan ka nung lalaki na yun ng I Like You." ipinaliwanag ko sakanya na para lang yun sa ginagawa naming movie.

"Kailangan ba talaga siya ang ka-partner mo?" tumango ako at napa-buntong hininga na lang siya.

"Kasi naman mukhang may gusto talaga sa'yo yung Lino na yun. Napapansin ko na ang tagal niyang tumitig sa'yo tapos ngingiti pa, kung ako talaga buhay pa nabugbog ko na yun!" asus nagseselos pala ang aking boyfriend na ito.

"Huwag ka ng magselos okay? Ikaw lang ang gusto ko oh let me rephrase that, ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang ang nag-iisa sa puso ko wala ng iba, kaya hindi mo kailangang mag-alala na may ipapalit ako sa'yo." sabi niya. Napangiti siya sa sinabi ko.

"Pero alam mo Love kapag nawala na ako sa mundo at tuluyan na akong kuhanin ng liwanag, gusto kitang maging masaya. Okay lang naman na magmahal ka ng iba." hindi ko ata kayang magmahal ng iba. Hindi ko alam kung saan ako makakakita ng katulad niyang lalaki. Nag-iisa lang kasi siya kaya wala ng tulad niya ang magmamahal sa akin ng ganito.

Pilit akong ngumiti.

Nagpaalam muna ako sakanya kasi kailangan kong siputin si Lino. Gusto niya sanang sumama kaso sabi ko huwag na, buti nga at hindi na nagtampo pa.

Ghost Of You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon