~Special Chapter~

492 13 2
                                    

After 3 years...

"Hi Ninang!!!" nagulat ako pagkagising ko ay sinalubong ako ng napakaganda kong inaanak.

"Oh asan ang Mommy at Daddy mo?" tanong ko kay Isabelle.

"Nabigay mo na ba sa Ninang mo anak yung regalo natin?" biglang sumulpot na lang sa tabi ni Isabelle ang Mommy Ishi niya at may dala pang cake si Sage.

"Happy Birthdayyyy!" sabi nila tapos iniabot sa akin ni Isabelle yung regalo nila para sa akin.

Hindi ko namalayan na birthday ko pala ngayon. Well, happy birthday to me!

"Ano gising na ba siya? Papuntahin niyo na dito." narinig kong sinabi ni Tita Miranda na nasa kitchen.

"Oh narinig mo naman siguro, tara na." sinalikop ni Ishi yung kamay niya sa braso ko at inakay ako papuntang kitchen.

"Halika na anak." sabi ni Sage kay Isabelle.

Nagulat ako sa daming pagkain na nasa lamesa. Mukhang gumising pa ng maaga si Tita para lang dito.

"Naku Tita, nag-abala pa kayo." sabi ko kay Tita at niyakap ko siya. Parang si Tita yung naging pangalawang Mommy ko, yes close na kami. Actually, hindi ko nga akalain na magkakasundo kami ni Tita kasi nga diba dati hindi kami nagkaunawaan.

"Ano ka ba naman Keesh, para ito lang. Hayaan mo na ako asikasuhin ka, wala na si Drea dito wala na akong ibang aasikasuhin kaya hayaan mo na akong ituon ang atensyon ko sa'yo kahit man lang mapagluto kita." nag-abroad nga pala si Drea, nasa New York siya ngayon at naging fashion designer siya dun. Sabi ko nga bakit hindi na lang siya magtrabaho sa kumpanya pero sabi niya pangarap daw talaga niya na makapagtrabaho sa New York.

Sinindihan ni Ishi yung kandila ng cake at itinapat sa akin.

"Make a wish na Ninang!" excited na sabi ni Isabelle. Pumikit ako at nag-wish.

"Ayan na kainan na! Happy Birthday!" natawa ako sa sinabi ni Tita Miranda. Andito lang ako sa may gilid at hindi ko maiwasang mapangiti na makita ang tinuring ko ng pamilya.

Si Ishi at Sage na mga bestfriends ko, sobrang proud ako sakanila. Kasi kahit dumating sa buhay nila si Isabelle, hindi ito naging hadlang para maging mga architects sila ngayon mga bigatin na yang dalawang yan, actually nagkaroon kami ng partnership, ini-endorse nila yung kumpanya namin sa mga clients nila.

Si Tita Miranda naman kahit na alam ko na miss na miss na niya si Drea ay atleast nakakatawa pa siya. Masaya ako na tinuring na rin niya ako na anak. Andyan siya palagi kapag kailangan ko ng makakausap, parang totoong Mommy ganun.

Wala na akong hihilingin pa. Masaya at kuntento na ako sa buhay ko ngayon. May mga nawala man pero hindi dapat tumigil ang buhay ko dun kasi tulad nito, may bago akong tinuturing na pamilya at sila ang inspirasyon ko kung bakit ako nagiging matatag sa lahat ng pagsubok na napagdaanan ko at mapagdadaanan pa.


Tumingin ako sa relo ko at late na ako sa trabaho. Kailangan ko kasi ngayon pumunta sa trabaho ng maaga dahil may magi-interview daw sa akin para ma-feature sa magazine nila, nakakahiya naman kung ma-late ako diba.

"Uhm kailangan ko ng mauna. Sorry! Ipagpatuloy niyo lang pagkain diyan, sorry talaga may naghihintay sa akin sa opisina." sabi ko sakanila.

"Hija birthday mo ngayon baka pwede namang mag-day off ka diba?" sabi ni Tita Miranda.

"Oo nga naman Keesh, aba baka bumigay na yang katawan mo kakatrabaho." sabi naman ni Ishi.

"Sorry talaga, kailangan eh. Promise mamaya babawi ako." paalis na sana ako kaso napatigil ako nung biglang sumakit na lang ulo ko at umiikot ang paningin ko. Napahawak ako sa may sofa kasi pakiramdam ko tutumba ako.

Ghost Of You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon