Sobrang bagsak na ang katawan ko sa sobrang pagod. Alas dose na kami nakauwi. I'm so tired! Pero sobrang saya, hindi ko makakalimutan ang araw na ito.
"Love matutulog ka na?" nagulat ako nung biglang sumulpot sa unahan ko si Ashton.
"Yas Love! Bakit?"
"Wala lang. Matulog ka na nga kasi may pupuntahan tayo bukas." ha? saan?
"Huwag ka ng magtanong pa basta surprise yun." natawa siya at biglang naglaho.
"Ashton naman! Ang daya talagaaaa!" hays may pa-surprise surprise pa. Pero I can't wait for tomorrow, ano kayang sinasabi ni Ashton?
Ipinikit ko na ang mata ko at natulog na.
Kinabukasan...
"Loveeeee wake up na!" nabulabog ako sa paulit-ulit na pagtawag sa akin ni Ashton kaya napabangon ako ng wala sa oras.
"Inaantok pa ako eh." sabi ko sakanya at tinawanan lang ako.
Tumungo na ako sa banyo para maghilamos at magmumog. Pagkatapos ay pumunta na ako sa kusina at nakasunod sa akin si Ashton.
Kinuha ko ang cereals ko at fresh milk na nasa ref. Umupo ako at tahimik na kumain.
Napansin kong nakatitig si Ashton sa akin at ngumingiti-ngiti pa. Tiningnan ko kung may muta ako o panis na laway pero wala naman.
"Hoy Love bat ka nakatingin sa akin?" sabi ko sakanya habang nakakunot ang noo.
"Bakit bawal bang tingnan ang napakaGANDA kong Girlfriend? Hmm?" shocks! Umagang-umaga Ashton, pinapapula mo ang cheeks ko. Aish! Inirapan ko na lang siya.
"Love kung patirahin ko na ulit dito sina Tita Miranda? I mean maayos naman na kami. What do you think?" pag-iiba ko ng usapan namin.
"Hmm as long as hindi awkward na sa'yo then okay lang. Ikaw naman ang makakapagdesisyon niyan, if feeling mo hindi ka magiging kumportable then huwag. Pero for me Love, maganda yung may kasama ka dito." well, tama naman siya. Pero dahil nga naayos na namin yung away namin noon nina Tita Miranda at Drea, I think magiging okay naman na ang lahat.
"...Lalo na at mawawala na ako. Kailangan mo ng makakasama dito." bigla akong nalungkot sa sinabi ni Ashton. Pinilit kong ngumiti.
"Uhm sige, sasabihan ko sila. Nga pala, diba sabi mo may pupuntahan tayo? Ginising-gising mo ako ng maaga tapos nganga lang?" hanggang maaari gusto kong iwasan ang topic na yun, yung mawawala na siya chu chu. Hindi pa siya mawawala, matagal-tagal pa siya Keesh. Fighting lang!
"Ay oo nga. So kailangan natin ng kotse mo." sabi niya.
Nag-ayos na ako sa taas at pagkatapos ko ay bumaba na agad ako at kinandado ang bahay bago sumakay sa kotse.
Liningon ko si Ashton na nakaupo na dito sa front seat. "Saan ba kasi tayo pupunta?"
"Basta ako human waze mo ngayon. Ituturo ko na lang sa'yo kung saan." well siguraduhin talaga niya na mage-enjoy ako dito. Balak ko pa naman sana na maghapon lang sa bahay at nakahilata lang sa kama habang nagpapatugtog ng music. Yah, that's how my summer looks like back then.
Ilang oras rin ang byahe namin. Ngayon lang ako nakapunta dito sa tagal ko na dito sa lugar namin.
Kung sobrang City style ang lugar namin dito naman probinsya life ang itsura dahil andaming ilog na malilinis ang nadadaanan namin. Tapos andami ding mga puno sa paligid. Hindi mo akalain na katabi lang nito yung siyudad.
BINABASA MO ANG
Ghost Of You (Completed)
ParanormalI'm Keesh Genova, isang babaeng may third eye. May nakilala akong isang napakagwapo na multo na nagpatulong sa akin sa naiwanan niyang misyon dito sa mundo. Minsan mapapasabi na lang ako, "Bakit pa siya namatay?" oo alam mo na siguro. Pero bago ang...