Pinayagan kaming mag-shoot ngayon sa mall. Kaya andito kami para mag-shooting. Pero hinihintay pa namin si Lino kasi kailangan talaga niya sa mga scene na kailangan namin i-shoot ngayon.
"Andyan na siya!" announce ng isa kong kaklase at tama nga siya andito na si Lino. Nakatingin siya sa baba habang naglalakad, nakakapanibago lang kasi hindi siya nakangiti ngayon.
"Uy Lino, okay ka lang ba?" tanong ko sakanya nung palapit na siya sa amin.
"Ahh oo n-naman." pero mukhang hindi naman. Napansin kong may benda ang kamao niya.
"Napano yan?" tanong sa kanya at itinago niya ang kamay niya sa likod niya. Pero it's too late kasi nakita ko na.
"Ahh wala, naisuntok ko lang sa salamin sa kwarto ko kahapon." wala lang yun sakanya? Bakit naman niya naisuntok yung kamao niya dun sa salamin? May problema siguro siya.
Naka-ilang take kami kasi hindi nakaka-focus si Lino.
"Lino last na ito, matatapos na tayo. Editing na lang oh, please." sabi nung director namin. Hinawakan ko ang kamay niya at napatingin siya sa akin.
"After nito, samahan mo ako." kumunot ang noo niya.
"Saan?"
"Basta. After the shoot."
Buti naman at ginalingan na ni Lino. Natapos agad kami.
"Pack up na tayo guys! Thank you, editing na lang tayo at tapos na rin tayo." sarap sa ears. Agad ko hinila si Lino, as promise sasamahan niya ako.
Tumigil kami sa arcade station.
"Arcade? Anong ginagawa natin dito?" tanong niya.
"Ano pa eh di maglalaro! Tara na!" agad ko siya hinila papunta sa loob. Bumili na ako ng mga tokens, myghad na-miss ko maglaro dito!
Naglaro na nga kami, halos lahat ng laro dito nilaro na namin hanggang sa mapagod na kami and time na para umuwi.
"Keesh." tinawag ako ni Lino at nilingon ko siya.
"Hmm?"
"Salamat."
"Para saan?"
"Sa pagpapasaya sa akin ngayon." mukha ngang may problema siya pero I'm glad na nakatulong man lang ako sa pagbawas man lang sa kalungkutan na nararamdaman niya.
"Uhm ano hatid na kita?" tumango ako.
Nasa kotse na niya ako at sobrang tahimik naming dalawa.
"Keesh, paano kung may nagawa sa'yong napakalaking mali ang isang tao at bumawi siya sa'yo, mapapatawad mo ba siya?" tanong niya sa kawalan.
"Uhm depende siguro. Kasi alam mo hindi madaling magpatawad ng tao kapag yung ginawa niya sa'yo ay binago ang sarili mong buhay. Pero alam kong lilipas din ang lahat, darating ang panahon na mapapatawad ko din siya kasi sino ba naman ako diba? Kung ang Diyos nga nakakapagpatawad ako pa kaya?" bakas ang mapait niyang ngiti. Naging tahimik ulit kami parehas buong byahe hanggang sa makarating na kami sa bahay ko.
"Thank you Lino." sabi ko. Hinawakan niya ang braso ko bago ako umalis. Nilingon ko siya. Mukhang may gusto siyang sabihin sa akin.
"G-Goodbye and thank you." sabi niya sabay ngiti. Napangiti na lang rin ako saka siya umalis na.
Pagpasok ko sa bahay ay patay-sindi ang ilaw. Tapos may bumagsak na gamit.
"Sino yan? Kung sino ka mang multo ka lumabas ka na, kung gusto mo ng tulong ko huwag ka ng manakot diyan para magpapansin." hindi naman uubra ang pananakot nila, asus sanay na sanay na ako. Sa dami ko ng nakita at natulungang mga patay hindi na ako natatakot.
BINABASA MO ANG
Ghost Of You (Completed)
ParanormalI'm Keesh Genova, isang babaeng may third eye. May nakilala akong isang napakagwapo na multo na nagpatulong sa akin sa naiwanan niyang misyon dito sa mundo. Minsan mapapasabi na lang ako, "Bakit pa siya namatay?" oo alam mo na siguro. Pero bago ang...