Kita ko ang gulat na reaksyon ni Ashton nung makita ako. Bakit parang gulat na gulat ata siya?
Nakita ko yung kotse na muntikan na akong mabangga kanina. Kainis ito! Papatayin ba naman ako.
Nagulat ako nung dumadami na ang mga tao dito sa kinatatayuan ko.
"Naku! Kawawa naman yung babae!"
"Tumawag kayo ng ambulansya!"
Ano daw? Bakit kailangang tumawag ng ambulansya?
'Pag lingon ko nakita ko ang sarili ko na nakahandusay. Nanlaki ang mata ko na makita ang sarili ko na duguan.
Tiningnan ko ang kamay ko at na-realize ko na kaluluwa na ako. Napatingin ako kay Ashton na gulat na gulat sa nangyari.
Agad niyang nilapitan ang katawan ko saka ibinaling ang tingin sa akin.
"Keesh, kailangan mong bumalik sa katawan mo ngayon na!" utos niya sa akin. Pero nginitian ko lang siya kaya nilapitan niya ako at hinawakan ang mga kamay ko.
"Love please, balik ka na. Hindi mo pa oras. May pag-asa pa." umiling ako. Ayaw ko na mabuhay, wala rin namang dahilan ako para mabuhay diba? Wala na yung mga mahal ko sa buhay kaya susunod na lang rin ako sakanila.
"Sasama na ako sa'yo. Ayoko na, sumusuko na ako." sabi ko sakanya. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Hindi mo pa oras Keesh. Please bumalik ka na, hindi ka pwedeng mamatay. Gusto mo ba maalala yung masasayang oras mo kasama mga magulang mo at ako? Pwes balik ka na sa katawan mo?" nahirapan tuloy ako. Gusto kong maalala ang mga nangyari sa akin noon pero gusto ko rin na sumama kay Ashton at tuluyan ng lisanin ang mundo.
"Isipin mo Keesh, paano na yung bahay niyo? Narinig ko ibebenta na daw yun ng Tita mo dahil malaki ang utang niya dahil sa kakasugal. Yung kumpanya na pinagpaguran ng Daddy mo, iiwan mo lang sa Tita mo? Alam mo bang unti-unti na itong bumabagsak? Keesh please, make your parents proud. Para sa kanila at para sa akin, bumalik ka na." napaluha ako sa sinabi ni Ashton. Tama siya, kailangan ko pang lumaban. May misyon pa ako sa mundong ito.
Nakita ko na nagsilapitan yung mga multo sa akin. Parang naaalala ko sila ah. Tama, sila yung mga tinulungan ko noon.
"Ate bumalik ka na, madami pang umaasa sa'yo. Madami ka pang matutulungan tulad namin. Masaya na kami Ate, salamat sa'yo." sabi nung isa sa mga natulungan ko at sabay-sabay nila akong niyakap at sabay-sabay din sila naglaho.
Maliban sa dalawang tao na nakangiti sa akin ngayon. Dahan-dahan silang lumapit sa akin at na-realize ko na sina Mom at Dad pala ang kaharap ko ngayon.
Agad ko sila sinalubong ng yakap at napahagulgol ako. Natupad na ang hiling ko na makita man lang sila.
"Anak patawad kung hindi kami nakapagpaalam ng maayos sa'yo." sabi ni Dad. Hindi ko in-expect na mangyayari sa araw na ito ang mga hinihiling ko.
"Lagi mong tatandaan na, mahal na mahal ka namin anak. Palagi lang kaming nakasubaybay sa'yo mula sa taas." sabi naman ni Mommy.
"Laban lang nak! Huwag kang panghihinaan ng loob." niyakap ko ulit sila ng napakahigpit.
"Promise ko po sainyo, magiging okay rin ang lahat. Babawiin ko ang lahat ng atin at lalaban po ako gaya ng sabi niyo. Mahal na mahal ko po kayo." at unti-unti na silang naglaho.
Napaluhod ako at napahagulgol. Kahit kaunting oras lang ang pagtatagpo namin ng mga magulang ko sobrang saya ko kasi nasabi ko sakanila na mahal na mahal ko sila.
Siguro binigyan ako ng mga dahilan ni God para ipagpatuloy ko pa ang buhay ko.
"Tama ka, kailangan ko pang mabuhay." sabi ko kay Ashton at nginitian niya ako saka yumakap. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala niya ako sa may katawan ko na nasa loob na ng ambulansya ngayon.
BINABASA MO ANG
Ghost Of You (Completed)
ParanormalI'm Keesh Genova, isang babaeng may third eye. May nakilala akong isang napakagwapo na multo na nagpatulong sa akin sa naiwanan niyang misyon dito sa mundo. Minsan mapapasabi na lang ako, "Bakit pa siya namatay?" oo alam mo na siguro. Pero bago ang...