Prologue

11.8K 279 17
                                    

Alas kuwatro y media na ng hapon ng makalabas si Caroline ng PRC. Sa araw na ito niya kinuha sa tanggapan ang kaniyang lisensiya. Isang buwan na mula ng maipublish ang resulta ng Chemical Engineering Board Examination at isa siya sa mga mapalad na nakapasa no'n. Matagal bago niya kinuha ang kaniyang lisensiya dahil naging abala siya sa pagtatrabaho bilang call center agent. Kahit na tungkol sa siyensya ang kursong natapos niya, magaling pa din siya sa mga language subjects. Noong nag-aaral pa siya ay aktibo siyang sumasali sa mga literary contests at mapalad na palaging nananalo. Kaya pagkatapos mismo ng graduation ay kaagad siyang nag-apply bilang call center agent. Dahil na din sa Magna Cum Laude siya at napakafluent magsalita ay natanggap kaagad siya sa trabaho. Nang mga araw na iyon ay naghahanda pa siya sa nalalapit na licensure examination.

Ngayon ay nagbunga na ang lahat ng pagsusumikap niya. Ulilang lubos na si Caroline dahil namatay sa aksidente ang kaniyang mga magulang noong hayskul pa siya. Dahil sa nag-iisang anak lamang, wala siyang halos karamay sa mga pasakit na pasan niya sa buhay. Hanggang sa inalok siya ng kanilang kapitbahay na si Don Hermoso, may-ari ng isang pharmaceutical company, na maging working student nila. Nakita ng matanda ang kaniyang angking katalinuhan at kasipagan kaya siya pinag-aral nito hanggang sa makatapos siya ng kolehiyo. Proud na proud ang don sa kaniyang narating ngayon at malaki rin ang utang na loob niya dito. Kaya bilang ganti, balak niyang magtrabaho sa kompanya nito sa loob ng isang taon.

"Hay sa wakas, licensed engineer na talaga tayo, Line." bulalas ng best friend niya at kaklase na si Bianca nang makalapit siya dito. Nauna kasi ito magprocess sa kaniya kanina kaya pinaghintay niya ito sa labas para sabay na silang umuwi.

"Oo nga Bianca, hay... after five years...eto na talaga sa wakas." Natatawang wika niya sabay halik sa plastic na lisensiya.

"100% na Sana ang happiness ko eh pero parang na-maynusan ng 10% dahil tingnan mo ang picture ko dito oh...grrr..Hindi man lang inedit." nayayamot kunwari na sabi ng kaniyang kaibigan sabay turo sa 1x1 picture nito sa lisensiya. Kaagad niyang hinablot iyon at di niya mapigilang hindi matawa, nakapaitim kasi ni Bianca doon. Morena ito ngunit parang naging negrita na sa larawan nito.

"So, sinabi mo ngang napakapangit ko?" Sarkastikong wika nito habang tumatawa siya. Natatawa siya umiiling.


Kasalukuyan na silang pumapara ng taxi para magpahatid sa isang restaurant. They deserve a little feast for their success. Wala pang limang minuto ay may taxi nang lumapit sa kanila at sumakay sila doon. Nagpahatid sila sa isang Medyo classy na kainan. Minsan lang naman sila kumakain sa mga ganoong klaseng restaurant. Pagkaraan ng labinlimang minuto ay nakarating na rin sila sa wakas sa pupuntahan. Kaagad silang umorder ng seafoods at dessert.

"Bilisan ninyo konti please gutom na kasi kami." reminder ni Bianca sa waiter na kumuha ng order nila bago umalis.

"Ten minutes po ma'am."

"Ah, okay lang." Ani Carol pagkatapos at umalis na ang lalaki. Maya-maya at kinindatan siya ng kaibigan.

"Psst! Ang guwapo ng waiter noh?"bulong ni Bianca.

" Hingan mo na ng number." Suhestiyon niya rito.

"Ay ayoko! I don't wanna be cheap."

"Pero type mo?" Nakataas ang kilay niyang tanong na sinabayan pa ng paniningkit ng mga mata.

"Medyo... Macho kasi eh." Napahagikhik pa ito dahilan upang matawa siya.

"Ewan ko sayo Bianca, may suspetsa na talaga ako na Hindi kana virgin." Ngumising wika niya.

"Hala grabe naman to."

Against You (Action-Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon