Chapter 8

5.1K 216 11
                                    

Napamulagat ang mata ni Caroline nang biglang kumambyo ng mainbela ang binata at binalikan siya. She heaved a sigh. Mas lalo na niyang nakita ang guwapo nitong mukha ngayon. Yeah! Aminado siyang guwapo nga ito. At iyon ang nagpapakulo sa dugo niya. She's certain that he's a manwhore at nilalandi siya nito. Napataas ang kilay ng dalaga nang huminto ito sa tapat niya. HIndi niya matantiya kung ano ang tumatakbo ngayon sa isip ng lokong ito. Noong una kasi gusto siyang patayin nito. Nitong huli naman nilang pagkikita sa party ni Lei ay basta-basta na lang siya nitong hinalikan, binastos at kulang na lang ay babuyin. INamin na niya rito na siya si Einstein pero wala naman itong ginawa. He's so unpredictable. Sinubukan niyang tingnan kung ano ang problema ng kaniyang sasakyan.

"Oh, ba't ka bumalik? By the way, kailan mo ba talaga ako huhulihin?" iritadong tanong ng dalaga sabay pahid sa pawis na nasa noo nito. Imbes na i-entertain ang binata muli itong yumukod at tiningnan ang makina ng sasakyan.

" Gusto ko lang klaruhin na hindi kita sinusundan. Teka, alam mo bang magaling akong driver-"

"Driver sa kama sabihin mo." dugtong ni Caroline na hindi man lang lumingon. Tumawa si Onyx. Parang tinubuan ng sungay ang dalaga. Talagang tama nga siya na manyakis ito. Bwesit sa buhay!

"Grabe ka naman. Magaling akong magmotor at may alam din ako sa pag-aayos niyan. Tulungan na kita." Bumaba ito at lumapit sa kaniya. Nag-squat ito sa tabi niya at sinipat ang makina ng motor nito.

"Hindi tayo magkaibigan. magkaaway tayo." matigas na wika ni Caroline at tumayo.

"IKaw ang pinakamagandang kaaway ko. Alam mo ba yun?" Napangisi ng mapakla ang dalaga. Heto na, minamanyak na naman siya nito. Saglit niyang tinapunan ng tingin ito at napamulagat siya nang mahuli siya nito at kinindatan bigla. Napailing na lang siya at umikit ang eyeballs. Ilang babae na kaya ang nadale nito? Tumayo na ulit ito. HInawakan kaagad ni Caroline ang manibela ng motor at sinimulan na itong itulak paabante. Walang paalam siyang nagpatiuna rito. Wala siyang paki.

"Oh, tsk!" Napailing si Onyx dahilsa katigasan nito at hindi man lang yata na-hook sa charm niya. Pinilit na nga lang niya ang sarili na magpa-cool effect dito, hindi pa umobra.

"Kaya mo ba talaga yan? Sigurado ka? Baka magkakalyo yang kamay mo." nakangiting wika ng binata nang maabutan niya ito at nakipagsabayan sa takbo.

"Get lost!" bulyaw na Caroline.

"Okay" Halatang namula ang kaniyang mukha dahil sa pagkapahiya. Napayuko siya at napakagat-labi na lang. Hinablot nito ng walang paalam ang kamay ng dalaga at humugot ng ballpen sa bulsa nito.

"How dare you!" Nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil muntik na siyang mawalan ng balanse.

"In case na kailangan mo ng tulong. JUst call me and I'll be there." nakangising wika nito habang sinusulat sa palad ng dalaga ang kaniyang numero. KInindatan niya ulit ito bago humarurot papalayo. Naiwan na lang doon sa daan ang dalaga. Naimbyerna siya sa ginawa ng manyakis na 'yun. Confident naman siyang nagpatuloy kahit sa loob-loob niya ay simula ng lumukob ulit ang kaniynag takot lalo pa't papalapit na siya sa malaking balete. Marami pa naman siyang narinig noon na kuwento tungkol sa daan na ito. Tuwing magdidilim na raw doon ay wala ng dumadaan d'on dahil marami daw ang nagpapakita na mga lamang lupa na naging dahilan ng maraming aksidente.

Tagaktak na ang pawis ni Caroline habang tulak-tulak ang kaniyang scooter. Npakadilim na sa paligid. Napatayo bigla ang kaniyang mga balahibo dahil biglang umihip ang malamig na hangin. Napalunok siya ng sunod-sunod at tumigil muna. Mabilis niyang hinagilap ang kaniyang cellphone sa bulsa at nanginginig na idinayal ang numero ni Onyx. Napakagat-labi siya ng matagal ito bago sumagot.

"Hello..." tinig ng binata ang bumungad sa kabilang linya.

"Please tulungan mo ko." iritadong wika niya. Yung tonong hindi naman nagmamakaawa. Halos pabulyaw na nga eh. Narinig niyang tumawa ang binata sa kabilang linya.

Against You (Action-Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon