Chapter 15

4.7K 248 3
                                    

         
  May bongga po akong promo update haha...

I hope you drop your comments para maibsan naman pagod ko. Haha

Anyway, salamat sa mga naghihintay

Fb: Ress Butterflay i-add niyo ko para kuwentuhan tayo

  --+-+++----------------------

       Maagang bumangon si Onyx nang umagang iyon. Halos magdamag siyang hindi nakatulog dahil balisa siya. Iniisip niya kasi kung paano sila ngayon magtatago pansamantala ng dalaga habang pinaplano ang susunod na hakbang na gagawin. Dumagdag pa sa problema niya ang mga taong gumambala rito kamakailan lang doon sa ospital.


          Sigurado siyang may kinalaman yon sa droga. Hanggat hindi niya naidudulong sa husgado si Caroline upang tumistigo kaban sa malalaking sindikato ng droga sa bansa, hindi siya aalis sa tabi nito. Sumagi na rin sa isip niya ang magresign sa trabaho kung iyon ang mas nakakabuti upang maging pokus siya sa kaniyang adhikain para rito.

Nang gabing iyon, hirap din siyang apulahin ang init na nagniningas sa kaniyang kaibuturan. Seeing Caroline sleeping with him under one roof was the greatest temptation ever in his life. He didn’t do something except for staring at her the entire night.


Medyo mataas na ang araw nang siya’y lumabas. Kaagad siyang dumiretso sa ilog na malapit doon at habang siya’y papunta ay dumaan siya sa malaking uno ng kawayan. Pumutol siya ng isang sanga n’on at tinulisan ang dulo. Minsan na kasi siyng nakahuli ng isdang tabang n’on nang ipinagawa niya pa ang maliit na kubo.



        Ang lagaslas ng tubig ay naririnig na niya pagkalipas ng halos sampung minutong paglalakad senyales na malapit na siya. Pagkarating niya doon ay hinubad niya ang kaniyang suot na tshirt at itinali iyon palibot sa kaniyang katawan kung saan naroon ang naghihilom niyang sugat. Dala ang matulis na kawayan, mabilis siyang lumukso at sumisid  sa malalim na bahagi ng ilog.

             Napangiti siya nang makita ang iilang mga isda na naroon dahil sa linaw ng tubig. Paroo’t parito siya habang sinusundan ang mga isda sabay asinta sa isa sa mga ito. Pumaimbabaw siya sandali para lumanghap ng hangin pagkatapos ay sumisid ulit. Wala pang limang minuto ay nakahuli na rin siya sa wakas ng medyo may kalakihang isdang tabang. Kaagad siyang umahon at hinampas ng bato ang ulo nito upang hindi na lumukso. Pagkatapos non ay balik sisid ulit siya. Hindi niya napansin ang isang bulto na ilang sandali na palang nakamasid sa kaniya sa di- kalayuan.


Sa muli niyang pag-ahon ay may nakuha na naman siyang isda. Medyo maliit nga lang kumpara doon sa una niyang nahuli. Umahon siya sa ilog at hubad na naglakad patungo sa batuhan. Humihingal siya ng sobra.


“Magandang umaga…” Napalingonn si Onyx sa pinanggalingan ng tinig. Sumalubong sa kaniyang paningin ang nakangiting si Caroline na dahan-dahang naglalakad papunta sa kaniya.

“Magandang umaga rin, paano mo ba ako natunton dito?” nakangiting tanong ng binata sabay hakbang upang alalayan ang dalaga.

“Instinct lang.”

“Ang talas talaga niyang utak mo.”

“Hindi naman.” Sabay silang umupong dalawa doon sa batuhan at napamasid sa linaw ng tubig.

“Paano mo nalaman ang lugar na ito? I mean, taga-Cebu ka ba?” maya-maya’y tanong ni Caroline. Biglang naagaw ang attensiyon nito nang makita ang dalawang isdang huli niya. Labis itong natuwa at nagalak.

“Huli mo to?” Tumango lang si Onyx at ngumiti.

“Wow, ang galing naman. Tinamaan mo talaga sila gamit lang nito? Grabe ka ah.” Hinawakan nito sandali ang kawayan.

Against You (Action-Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon