Chapter 1

8.5K 280 27
                                    


   "Hello, Onyx, where are you, hijo?" bungad ng tinig ng isang ginang sa cellphone. Umiiling na sinagot ito ng binata habang nasa kaniyang opisina at pinag-aaralan ang bagong mga ebidensiyang nakalap ng NBI. Kahapon pa niya natanggap ang brown envelop na iyon at ngayon lang siya nagkapanahon para tingnan ang mga iyon.
 

"Hello, ma! I'm still in the office. Bakit?" aniya na medyo naiirita ang boses.

    "Aren't you checking your watch? Gabi na at nandiyan ka pa sa trabaho?" Nabanaag niya sa boses ng kaniyang ina ang pagka-paranoid. Sa totoo lang kasi kahit nasa late 30's na siya, masyado pa ring pakialamera ang kaniyang ina sa kanilang pribadong buhay magkapatid. Ang tanging hindi lang kayang pakialaman ng nito ay ang kanilang buhay pag-ibig. Anyway, wala naman siyang bahagi na ganiyan sa buhay. It's only Jade had. Busy siya sa kaniyang career at sports. Ang babae sa kaniya ay pampalipas oras lamang.

      "Ma, I need to overtime. May bagong kasong dumating sa opisina."

"You need to come home. Dumating si Sophia from States and she's here." Ang tinutukoy ng kaniyang ina ay ang childhood crush niya noon at kapitbahay nila sa probinsiya. Halos sampung taon na ang lumipas mula noong huli niyang makita ito. Kinuha kasi ito ng ina niyang nagtatrabaho sa America bilang nurse at doon na pinag-aral. She was his first girlfriend, his first kiss and his first romance. Hayskul pa lamang sila noon ay may namamagitan na sa kanila. He took her virginity the night before she flew outside the country.

Sandaling napatigil si Onyx sa pinaggagawa dahil sa narinig.

"Tell her that I couldn't come. I need to finish this matter tonight."

Napakatagal na ng panahon na lumipas at hindi niya alam kung may nararamdaman pa siya sa babaeng iyon. All he knew i
was that it's a mere childhood feeling. Ngayong matanda na siya, mas naging malawak na ang pananaw niya sa buhay at wala pa sa bokubolaryo niya ang tunay na kahulugan ng relasyon.

"Pero kanina pa siya naghihintay sayo dito!"

"Ma, please ikaw ng bahala diyan. Magmemeeting pa kami. Bye!" mabilis niyang pinindot ang end call button at ini-off iyon. Ayaw niyang maabala sa kaniyang mga gawain ngayon. Bago pa lang siya napromote sa puwesto at kailangan niyang maipakita sa mga director na karapatdapat talaga siya d'on.

Eksaktong alas-7 ng gabi, nagtungo ang mga piling kawani sa conference room ng PDEA National Headquarters. Naroon ang mga director at heads ng iba't ibang dibisyon ng PNP na bahagi rin sa gagawing operasyon. Isang napakahalagang pagpupulong ang gagawin nila ngayon kasama ang NBI dahil napangalanan na ang mga personahe sa likod ng malaking drug factory sa Cebu. Confidential at ekslusibo ang pagpupulong na iyon kaya piling taong lang ang imbitado at isa si Onyx sa mga iyon.

           Nang makaupo na ang lahat ay nagsimula na ang pagpupulong. Ang nanguna sa talakayan ay ang general director ng NBI na si retired brigader general Crisostomo Sandoval. Ayon dito, isang malaking shabu laboratory ang nakumpirma sa kabundukan ng Southern Cebu. Ang buong paniniwala ng mga tagaroon ay isa 'yung abandonadong minahan. Ngunit nadiskobre ng isang NBI agent na nakadestino doon ngayon na iyon pala ay isang pagawaan. Noong una ay hindi pa nila alam kung anong paggawaan iyon hanggang sa napag-alaman nilang shabu pala ang ginagawa doon pagkalipas ng ilang buwang pagmamanman.

        Habang nagsasalita ang matanda bagamat maawtoridad pa rin na lalake ay nakikita nilang lahat sa powerpoint presentation nito ang sinasabing shabu laboratory. May mga larawan din ng mga shabu paraphernalia at mga hinihinalang pakete ng ecstasy. Pagkatapos n'on ay sumunod ang presentation ng limang taong nagpapalakad sa laboratoryong iyon.

"This man named Justino Hermoso Alarcon. Isa siya sa mga business tycoon ng Cebu. He owned corporate hotels and real estate business. Ngunit ang lahat ng iyon ay frontal lamang dahil ang totoo niyang pinagkukunang yaman ay ang illegal na negosyong y'on."

Against You (Action-Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon