Chapter 3

7.3K 230 6
                                    

Lumipas ang limang buwan. Nagbunga rin naman ang operasyon na ginawa ng NBI, PDEA at PNP dahil nahuli nila ang operations manager ng drug factory na iyon at ang isa pang high-valued target nila. Nanatiling nasa listahan ang nagnganagalang Einstein at ang drug lord na amo nito. Dahil sa magkasunod na operasyon, tumigil muna sila sa kanilang opensiba upang mapagplanuhang maigi ang susunod nilang entrapment operation na siguradong pupuksa sa mga ito.

Sa ngayon, naghihintay pa sila ng mga panibagoing impormasyon mula sa kanilang mga agent kung saan nagtatago ang mga ito. Sa mga panahong ito, nagfofocus muna sila sa pagsasagawa ng buy-bust operation sa mga nagkalat na drug pushers sa kalakhan.

"Brad, mabuti naman at nagkapanahon ka ulit dito." nakangiting wika ni Alfred, isang motor racer at kaibigan ni Onyx. Naroon ngayon ang binata sa kaniyang paboritong tambayan- ang Sacramento racing field.

Matalik niyang kaibigan si Alfred at nagtatrabaho din itong bilang pulis. Silang dalawa ang magka-buddy sa sports na ito. Mahigit tatlong taon na nila itong ginagawa. Nitong huli ay nagging bihira ang pagpunta ng binata dito dahil sa trabaho.

"Oo nga brad eh. Nakalimutan ko na nga yata kung paano liparin yang mga burol na yan." natatawa niyang sabi.

"Asus! Ikaw pa! Makakalimutan mo pa yatang maggirlfriend kaysa dito."Natawa siya sa tinuran ng kaibigan. Totoo kasi iyon. Mas mahal pa niya ang racing kaysa sa mga nagdaang babae sa buhay niya. He can afford to lose a woman but not a single racing game. Kahit buhay niya kaya niyang itaya sa larong ito.

"By the way brad, free kaba tonight?" maya-maya'y tanong ni Alfred. Kasalukuyan silang nagsusuot ng driving gear at helmet.

"Oo, bakit? Mambababae na naman tayo?" patawa niyang sabi.

"Gago! Huwag mo akong idamay diyan oy. Bisyo mo yan, brad. Huh! Ibahin mo ko." may himig pang pagmamalaki na wika nito.

"Ano bang napapalo mo sa paisa-isa?" nakangising baling ni Onyx sa kaniya.

"Kahit sagutin kita ng matino, Onyx hindi mo yan maiintindihan. Isa pa, nakakapagod mag-explain kapag mahuli."
Tumawa lang ito sa kaniyang narinig.

"Brad, sa pelikula lang iyang true love."

"Hindi pa naman ako nakaranas ng true love, brad. Ang ipinagkaiba ko lang sayo ay one at a time ako. Hindi tulad mo na pinagsasabay-sabay. Hay! Bilid talaga ako sa galing mong magtago ng babae. Kailan pa kaya sila magkakatagpo-tagpo?"

"Napakajudgemental mo naman, brad. By the way, what about tonight you'd mention?" pag-iiba niya sa paksa.

"My sister from Thailand will hold a party tonight at our house. Kakauwi niya lang at gusto niyang magcelebrate dahil naging matagumpay ang kaniyang career sa fashion designing doon. I want you to come and enjoy the night. Magdala ka ng chika babes mo kung gusto mo." mahabang turan nito.

"Really? Puwede akong magdala?"

"Oo pero huwag mong gawing hostel ang bahay namin. Please lang...." Naalala niya noon ang kaniyang manyakis na kaibigang ito. May dinaluhan silang dalawa na isang party at bigla na lang nawala si Onyx. Natagpuan na lang niya ito na may kaulayaw na sa kama nang mapagawi siya sa isa sa mga silid ng venue. Alam na alam niya ang kaliskis nitong kaibigan niya. Kung kani-kanino lang ito nakikipagtalik kahit hindi niya girlfriend. Siya naman gini-girlfriend niya muna ang babae bago tikman. Yun lang naman ang ipinagkaiba niya rito.

"Makikita ko lang yang Ms. Right ko. Titino ako 100%." tumatawang wika ni Onyx.

"Ang tanong kung may darating ba."

"Yun na nga eh." napakamot pa siya pagkasabi nito.

Kapuwa sila nagkahalakhakan habang halos magkasabay nilang pinasibad ang kani-kanilang motor sa racing field. Medyo nauna ng kaunti si Onyx sumunod din naman kaagad si Alfred.

Against You (Action-Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon