Chapter 4

6.3K 249 32
                                    

"Caroline." tinig ni Lei ang narinig ng dalaga buhat sa kaniyang likuran kaya napalingon siya. Kumalas siya kay Alfred at nakipagbeso sa kaibigan.

"Hello Lei. Kanina pa kita hinahanap."

"Sorry, I welcomed the guest and visitors eh."

"Okay lang."

"So, nakilala mo na pala ang brother ko." Isang mapanudyong ngiti ang sumilay sa labi ni Lei. Naroon lang dalawang binata at kapuwa nakatingin sa kanilang dalawa.

"I met her a while ago. Hindi mo man lang binanggit sa akin na may napakaganda ka palang kaibigan." nakangiting wika ni Alfred.

"Pasensiya na kayo boys but Caroline is mine. She's my asset at ayokong may mga lalaking nandidistorbo sa kaniya." mataray nitong wika na bahagya pang pinataas ang isang kilay. Habang magkausap ang magkapatid panay lang ang titig ni Onyx kay Caroline na hindi man lang nag-abalang tumingin sa dako niya.

"By the way Caroline, huwag kang making sa mga pinagsasabi nitong loka-loka kong kapatid."

"Tama naman kasi si Lei. This time masaya ako na sa trabaho lang umiikot ang mundo ko." nakangiting wika niya sa mga ito.

"Desenteng trabaho..." sabat ni Onyx na nagpakawala ng makahulugang tingin.

"Ay oo nga pala sissy, this is my friend Onyx. I invited him here para hindi ako ma-bored." pakilala ni Alfred sa binata sa kaniyang kapatid na muntik na niyang makalimutan.

"Oh, nice to meet you, Onyx." pormal na wika ni Lei pagkatapos ay nagdaop ang mga palad ng dalawa. Si Caroline naman ay patay malisya lang sa mga nangyayari sa paligid.

"Okay, let's go there. Nasa VIP seats kayo. Let's enjoy the night." masiglang wika ng fashion designer. Naging hudyat iyon upang magpatuloy sila patungo sa pinakakabisera ng kasiyahan. This time, hindi na nakakapit ang dalaga kay Alfred sa halip ay sabay itong humakbang kasama ni Lei.

"Ang ganda noh?" mahinang wika ni Alfred kay Onyx na medyo pormal na ang awra. Pinauna nila ng konti ang dalawang dalaga sa paglalakad at mabagal lang silang humakbang. Hindi nagkomento ang binata sa halip ay nanahimik lang.

"I plan to court her." maya-maya'y wika ni Afred. Ang mga salitang yon ang humuli sa pansin ni Onyx. Awtomatiko siyang napalingon sa kaibigan.

"Liligawan mo pagkatapos ay ikakama?" He said it in a sarcastic tone. Kahit anong pilit na maitago ay may inis pa ring gumuhit sa tinig niya. Hindi gusto ng kaniyang pandinig ang sinabi ng kaniyang kaibigan.

"Maganda si Caroline. Actually, napakaganda I do not plan to waste her." seryosong wika ni Alfred. He didn't like his idea.

"Pakakasalan mo na agad?" iritadong tanong niya.

"Hindi naman sa ganoon. But I think she's the one. May kakaibang spark brad eh."

"Excuse me sir, do you want some wine?" Isang waiter ang biglang sumulpot sa kanilang harapan habang naglalakad at awtomatikong humagip ng isang kopita si Onyx at diretsong nilagok iyon. Eksaktong naubos niya ang laman ay umupo na sila sa mga upuang naka-reserve para sa kanila. Nagkataong ang upuan ng binata ay nasa bandang likuran ni Caroline. Dahil dito, malaya niyang napagmamasdan ang makinis nitong likuran sa suot na backless. Si Alfred naman ay napatayong muli nang makita ang kaniyang ibang mga kakilala na dumalo rin sa okasyon na iyon.

Ilang sandali ang lumipas ay nagpalinga-linga si Onyx sa paligid. Matapos iyon ay bigla siyang umupo sa bakanteng upuan sa gilid ni Caroline. Narinig niyang napasinghap ang dalaga sa pagkagulat. Mabilis itong tumayo at nagbihis ng stripe blouse. Ayaw ng dalaga na bastusin na naman ulit siya ng lalaking ito. Ilang minuto ang lumipas ay bumalik na siya sa kaniyang kinauupuan. Nabuwesit siya dahil naroon pa rin ang binata.

Against You (Action-Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon