Chapter 14

4.6K 248 11
                                    

Iminulat ni Caroline ang kaniyang mga mata. Naroon pa rin siya sa silid na iyon. Iginala niya ang kaniyang paningin sa buong silid at doon niya nakita si Onyx na naka-wheelchair. Nakatulog yata ito habang binabantayan siya. Tinitigan niya ang binata ng mabuti.

"I love her. I knew it. I'm damn sure about it."

Naglalaro sa kaniyang alaala ang narinig niyang sinabi nito kaninang umaga. She heard it clearly and her heart was bothered. Hindi niya alam kung paano magreact dito dahil sa kaniyang nalaman.

It was so unbelievable that a man like him will fall unto her. He's a womanizer after all. Well, hindi naman siya bobo para magpapaniwala agad rito. It might just be his hallucination.

"How are you?" Napapitlag ang dalaga nang marinig nagsalita ang binata. Mabilis siyang pumikit ngunit nahuli na siya nito.

"I'm okay." matipid niyang sagot at nag-iwas ng tingin.

"I would like to tell you that I'm not mad about what you'd done."

"Paano ako napunta dito?"

"Dinala kita rito dahil malubha ang tama mo." Hindi niya alam kung bakit pero parang hinaplos ang puso ni Caroline sa narinig. Kahit ganoon katigas ang kaniyang damdamin minsan, takot pa rin naman siyang mamatay.

V Akala nga niya, hindi na siya mabubuhay pa. She was quite happy but bothered. She can't deny the fact that Onyx disturbed her peace within. Nangangamba siya dahil baka manganib naman ang kaniyang puso.

"Bakit hindi mo na lang ako hinayaang mamatay?"

"I couldn't allow that. Alam kong mabuti kang tao, Caroline. I'm here to help you get out from that hell. Just let me be."

"Hindi na ako makakalabas sa mundong ginagalawan ko, Onyx."

"No! Akala mo lang 'yon."

"Kung aalis ako, hindi na ako sisikatan ng araw. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin."

"That's the reason why I'm here." Ngumiti ng mapakla ang dalaga at tumingin sa mga mata ng binata.

"Heto ka na naman. You're flirting me again."

"Yeah! Tama ka. I keep on flirting to you but you still never give in. Napakahard-to-get mo eh."

"Tss...I am not acting as a hard-to-get kind Onyx. Nasanay ka lang na madaling makuha ang mga naging babae mo kaya ganiyan ka makapagreact." She smirked.

"Kaya nga eh sa kakaflirt ko sayo tuluyan na akong bumagsak." Tumawa ng marahan si Caroline. Ang corny kasi ng sinabi nito. Hindi naman bagay sa mukha. Ang sagwa pakinggan. Ang baduy!

Kumunot lang ang noo ng binata. He felt a relief within her smile.

"How are you going to help me?" maya-mayay tanong ng dalaga pagkaraan ng ilang sandaling katahimikan.

"I will make you a state witness. Walang makakagalaw sayo basta may witness protection order ka."

"That's a silly idea Onyx. Hindi mo ba alam na ang ilang senador ay protector nila? Oh, common. They're still going to hunt me. Papatayin pa rin nila ako."

"Over my dead body." mabilis nitong komento.

"Hindi mo alam ang kaya nilang gawin."

"Hindi rin nila alam ang kaya kong gawin."

"Masyado kang bilib sa sarili mo alam mo ba yon?" Hindi sumagot ang binata sa halip ay dahan-dahan itong tumayo at lumapit sa kaniya. Buong akala ni Caroline ay uupo lang ito sa tabi niya ngunit naalarma siya nang dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kaniya.

Against You (Action-Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon