Prologue

3.7K 187 25
                                    

Kunot-noong binabasa ni Andrius ang gabundok bundok na mga papeles na nakapatong sa kanyang desk habang ina-outlinan ang mga gusto niyang iparevise o ipatanggal. Paulit-ulit na niyang pinapaalala sa sekretarya niya na i-backread ang mga ito para finalized na bago makapunta sa kanya pero mukhang landi lang naman ang inaatupag nito. Looks like he have to find another secretary soon, dahil sisesantehin na niya ito.

"This is bullshit." aniya sa sarili at minarkahan ng malaking ekis ang isang parte ng business plan na iprinopose sa kanya dahil wala namang puwang iyon.

Narinig niyang bumukas-sara ang pinto kaya napahawak nalang siya sa sentido niya.

"Miss Carreon, I fucking told you not to disturb me. Who the fuck----"

"Bad po ang magmura."

Bigla siyang napataas ng tingin ng marinig niya ang isang maliit na boses sa loob ng kanyang opisina.

"What?!" gulat niyang bulalas.

"Masama po iyong magmura. Ang sabi ni Mama ay di daw tinatanggap sa heaven ang mga nagmumura tsaka iyong mga di din nagtootoothbrush every night. Kaya ako nagtotoothbrush every gabi kasi gusto ni Papa Jesus iyong girl na malinis ang ngipin. ."

"What?" di niya makapaniwalang bulalas.

How the hell did this kid get in here.

Nasa harap ito ng desk niya na ngayon ay nakapameywang. As much as he finds her really cute, he had no time to deal with lost kids. At asan na ba iyong tatanga niyang sekretarya bakit niya ito pinapasok sa opisina niya?

"You know mister, bingi ka na ba? Kaedad mo na siguro si Lolopapsi ko, bingi rin iyon eh pati narin si Lalamamsi. Pero sa tingin ko di ka pa matanda eh kasi wala ka pang gray na hair. Baka sick ka lang. Malapit naman ang ospital dito, pwede mong ipagamot---"

"How did you get in here kid?" putol niya sa matabil na bata na ngayon ay napalabi nalang.

"Hindi po kid ang name ko. My name is Avah. Mavah dapat iyong nickname ko pero magtutunog siyang MAVA-ho. So Avah nalang, yung real name ko kasi Maria Alicia Victoria Andriette Hu—"

Napailing nalang si Andrius at pinutol ang sinasabi ng bata. He really have no time for this. Marami pa siyang tatapusing papeles. May meeting pa siya with the board mamaya at kailangan niyang matapos ito sa lalong madaling panahon.

"Listen Avie, where did you come from naligaw ka ba? I'll call my secretary to bring you back to your mom."

Napalabi naman ang bata at nakapameywang pa.

"It's Avah mister, hindi Avie, kakasabi ko lang eh. May kakilala akong Avie. I don't like her kasi sobra niyang maarte. Small palang siya pero naglilipstick na siya. Diba nakakasama iyon kasi magbabrown iyong lips mo tapos..."

Napahinto siya at nag-isip.

"Alam niyo po ba iyong lasa ng lipstick?" tanong niya.

Napamasahe naman siya sa sentido niya.

"Look, little girl. I'm really busy right now. So why don't we find your mama, I'll call my secretary and she will take you to your mama."

Tumayo siya sa swivel chair niya at nilapitan ang bata para kunin ang kamay. Sa halip na tanggapin ng bata ang kamay niya ay di niya ito pinansin at hinubad iyong backpack niya at may kinuhang lapis na may design na pakpak ng paru-paro atsaka notepad na barbie dito.

Tumatango pa ito habang nakatingin sa notepad niya at parang may chinechekan. She looks adorable at hindi mapigilan ni Andrius na mapatitig sa bata.

She looked up at him and smiled widely na para bang may binabalak.

"Mister, you're so handsome and bagay kayo ng mama ko. I want you to be my daddy. I want a baby sister. Marry my mama and make one for me please."

. ...

lels. La lang, ang kyut kasi nung pic kaya ginawan ko ng story.

-GX

Mischievous Avah (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon