Nakatayo ngayon si Andrius sa harap ng pinto ng isang maliit na bahay.Hindi niya alam pero kinakabahan siya.
Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na ngayon lang toh. This is just a one time only. Pinagbibigyan lang niya si Avah dahil makulit ito at sa isang araw ay napalapit na ang loob niya sa bata.
Hindi niya alam kung anong nasa batang iyon at di siya makatanggi. He hates blind dates at wala siyang planong pumasok sa isang relasyon at kahit pilitin man siya ay di siya pumapayag pero isang tingin lang ng batang iyon ay nadadala na siya.
She got him wrapped around her little fingers.
Inayos niya ang buhok at damit tsaka kumatok sa pinto.
Naghintay siya ng ilang segundo pero walang sumasagot.
Nilingon niya si Avah na nasa loob ng kotse niya pero sumenyas lang ito na ipagpatuloy lang ang ginagawa niya.
Muli naman siyang kumatok at nagsimula ng mainip ng marinig niya ang boses mula sa loob.
"Sandali lang! Putspa naman oh, sarap ng tulog eh." rinig niya mula sa kabila ng pinto
Biglang bumilis ang kabog ng dibdib niya nang marinig ang boses nito. Isang tinig na sa loob ng siyam na taon ay naririnig niya lang sa kanyang panaginip na tuwing maalala ay maghahatid ng kirot sa dibdib ngunit sa kabila nito'y di maitatangging hinahanap hanap parin niya.
"Kung kayo yung mga batang bumalik para mangangaroling sa kalagitnaan ng taon, magsimula na kayong tumakbo dahil ibibitin ko talaga kayo patiwarik gamit ng christmas lights--"
Saktong pagbukas ng pinto ay sabay silang napasingap ng makaharap ang isa't isa.
Ang kanina pa niyang mahigpit na hinahawakang bulaklak ay nabitawan at nalaglag sa sahig.
"Andrius?/ Sienna?" sabay nilang bulalas.
Before he could even recover from shock ay agad siyang pinagsarhan ng pinto nito.
Ilang minuto din siyang walang kibo at nakatitig sa pintong pinagsarhan siya. Unti unti niyang nilingon si Avah na ngayo'y nasa likod na niya at nakangisi.
"She's your mama?" di niya makapaniwalang bulalas at tumango lang ito.
Halo halo ang nararamdaman niya kaya wala nalang siyang ibang nagawa kundi mapahilamos ng mukha.
Nine years...nine fucking years then why now?
Sa tingin niya pinaglalaruan lang siya ng tadhana or was it this mischievous little girl, pero imposible naman yata iyon.
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.
Siyam na taon kinimkim niya ang galit para sa babaeng bigla nalang siyang iniwan na walang paalam at ngayon malalaman niyang may anak na ito?
The woman left him with a broken heart, siyam na taon niya itong pilit inaayos but still finds himself crying himself to sleep whenever he remembers her. How can he fix his broken heart when a piece still remains with her.
Hindi niya alam kung anong mararamdaman ngayon. Lungkot? Saya? Kaba? Pagsisi? Marami, pero ni isa don ay wala na siyang makapang galit. Parang iyong galit na nararamdaman niya sa makalipas na siyam na taon ay naglaho na parang bula.
Napatingin siya kay Avah.
Nakabungisngis parin itong nakatingin sa kanya.
"Does your mom even know where you were today?" tanong niya
Nagtaka siya, she doesn't seem like she's aware na nawawala ang anak niya.
"Hindi po, wag mo pong sabihin kay mama. Kasama ko po kasi muna sina lalamamsi at lolopapsi."
BINABASA MO ANG
Mischievous Avah (Short Story)
Historia Corta"Mister, you're so handsome and bagay kayo ng mama ko. I want you to be my daddy. I want a baby sister. Marry my mama and make one for me please." Andrius Ferrer is a business tycoon. Iyong tipong masungit at palaging nakasimangot. Siya iyong boss n...