Matapos nilang magyakapan ay nagpaalam na si Aubrey. Marami pa raw siyang iimbitahin.
Aubrey Annadelle Realta, she was her fiance for three years.
It was planned by both their scheming parents.
They were both on their third year in college nang ireto sila sa isa't isa.
He was supposed to refuse her ng pinilit siya nitong makisama nalang.
She wanted them to pretend to love each other para mapaniwala ang parehong mga magulang nila.
Nagkaintindihan naman sila. Pareho silang may mahal na iba. He's in a relationship with Sienna and she's having this unrequited love with someone she won't let go. Nathaniel Farrales.
It was a plan for convenience, all they have to do it to pretend in front of their parents at di na sila pipilitin nitong madaliin ang kasal.
Nagmakaawa naman si Aubrey sa kanya dahil kung tatanggi siya ay irereto naman siya sa ibang lalaki at baka tuluyan na nga siyang matali sa iba. Pumayag naman siya dahil sawa na din siyang palaging ipinipilit sa kanya ang iba't ibang mga babae ng magulang niya.
They kept up their pretense until they both have their own work and were rich enough to break free from their parent's clutches.
Intensyon niyang hindi ito patagalin hanggang sa makagraduate sila but Sienna happened. He was supposed to marry her after they graduate but she just had to cheat with someone he knew.
Matapos nun, Aubrey became his best friend and his drinking buddy pero hindi siya nagsasabi ng mga problema niya dito. She was like a sister he never had, an annoying sister.
Naglakad na si Andrius papunta sa HR at kinausap ang manager. It didn't took 5 minutes dahil minadali niya ito. Avah is waiting in his office. Siguradong naiinip na ito. Ibinilin nalang niya doon sa manager ang pagbili ng icecream.
Pumasok na siya sa elevator nang makasalubong niya si Oliver. His blood boils everytime he sees him.
Nagkunwari lang siyang hindi ito nakita.
Magsasara na sana ang elevator ng hinarang ni Oliver ang kamay niya kaya bumukas ito muli. "Look dude. I know you're angry--"
"I thought I already told you to leave my building, Hudson." malamig niyang sabi dito. Napakuyom siya ng kamao.
"I know but dude, I know your holding a grudge on me, pero tang!na naman, sabihin mo kung ano yun! Hindi ako manghuhula. Iniwasan mo na ako noong college. Akala ko dahil yun sa paghihiwalay niyo ni Sienna pero putcha ano bang pinuputok ng butsi mo ha?" aniya.
Hindi napigilan ni Andrius at sinugod siya. He punched him on his cheek.
Napasalampak naman si Oliver sa sahig dahil sa lakas ng suntok nito. Mukhang ilang taong galit na kinikimkim niya ay ibinuhos niya rito
Muli na sana siyang papasok sa elevator nang di niya inasahang sugurin siya ni Oliver.
Pareho silang natumba sa sahig.
"Gago ka talaga eh. Ano bang problema mo ha?" kwinelyuhan siya nito.
Sumara na iyong elevator pero wala nang paki si Andrius dito. "You have the nerve to say that to me matapos mong patusin si Sienna. You knew she was mine pero pinatulan mo, gago." galit na giit ni Andrius tsaka itinulak ito palayo sa kanya. Nakasalampak lang sila sa sahig. If others were to see them ay talagang maguguluhan sila. The CEO and a major stockholder of the company are both sitting on the floor.
Natigilan naman si Oliver sa sinabi nito.
"All these years you hate me because you think we were cheating on you behind your back?" di makapaniwalang tanong nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mischievous Avah (Short Story)
Short Story"Mister, you're so handsome and bagay kayo ng mama ko. I want you to be my daddy. I want a baby sister. Marry my mama and make one for me please." Andrius Ferrer is a business tycoon. Iyong tipong masungit at palaging nakasimangot. Siya iyong boss n...