Mischief #3

2.1K 108 4
                                    


Masayang napalundag lundag pa si Avah nung binanggit niya ang ice cream at nauna pang lumabas sa opisina niya at sumunod naman siya.

Paulit ulit pa nitong pinindot pindot ang button sa labas ng elevator. Mukhang aliw na aliw ito sa elevator. It's probably how this girl got in his office in the first place.

Napailing nalang si Andrius at nilapitan ang bata.

"Doon tayo." sabi niya sabay turo sa private lift na para lang talaga sa kanya.

Hinawakan niya ang maliit na kamay nito.

"Ang big po ng hands niyo." sabi ni Avah.

"That's because I'm big, maliit iyong sayo kasi maliit ka pa lang." nakangiting sabi ni Andrius at piningot pa ang ilong ng ni Avah.

Pumasok na sila sa elevator at pinindot na ni Andrius ang button para sa basement kung nasaan ang underground parking lot.

"Saan po ba tayo pupunta?"

"I told you, bibili tayo ng icecream."

"Malayo po ba?"

"Hindi naman."

"Magcacar po ba tayo?"

"Yes."

"Marunong po ba kayo magdrive?"

"Yeah."

Tanong ng tanong si Avah ng kung ano ano sa kanya. For some reason he wasn't annoyed. He secretly loves children, he just doesn't have the time to deal with them.

"Ano po color ng car niyo?"

"Metallic gray."

"Ano po ba ang favourite color niyo?"

"black."

"Wrong po kayo."

Napakunot naman siya ng noo. How could he be wrong at his own favourite color.

"How so?"

"Di po color ang black, it's an absence of color."

Namangha naman siya angking talinong taglay ng bata.

Pagkalabas nila sa elevator ay dinala niya ang bata sa sasakyan niya.

"Ang cool po ng car ninyo parang sa movies po."

Pinagbuksan niya naman ng pinto ang bata tsaka pumasok na rin.

"Ice cream! Ice cream~~~ yummy yummy ice cream!" pakanta kanta pa ito habang nagmamaneho siya.

Huminto sila sa isang kilalang icecream parlor at excited na excited talaga si Avah.

"Gusto ko po iyon iyon at iyon po." turo ni Avah na may ningning sa mga mata.

He can't help but chuckle at the child's enthusiasm.

He turned to the woman behind the counter to order some ice cream pero nakatulala lang ito sa kanya.

"Miss?"

He had to snap his fingers in front of her 3 times para makuha ang atensyon nito.

"H...h..i sir! Ano...ano pong order niyo?" pautal na sabi ng babae.

Narinig naman niyang humagikgik si Avah.

Hindi niya mapigilang mapailing sa sarili. He can't deny he have charms that could make any woman flustered at his presence.

Itinuro niya nalang ang mga itinuro ni Avah at nag-order din ng sakanya.

The woman was really clumsy kaya nagsimula nang maubos ang pasensya niya. He got temper issues.

Mischievous Avah (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon