4. Ligaw-Pamilya

6.5K 179 19
                                    

Hindi malaman ni Charisse kung tatakbong papasok o bubuksan ang kanilang gate nang matanaw niyang patungo roon sina Nathan at Pal.

Natetensiyon na naman siya sa muling paghaharap nila ng kababata. Noong isang araw na makipanood ito ng DVD sa kanila, bago ito umalis ay hinalikan nito ang dulo ng daliri niya, pagkatapos ay inilapat iyon sa pisngi niya. Bago pa siya makapag-react ay walang paalam na lumabas na ito ng video library.

Hindi niya lubos-maisip kung ano talaga ang totoo. Hanggang ngayon ay ayaw niyang maniwala na may interes sa kanya si Nathan bilang isang babae. Ayaw niyang isipin na totoong may gusto ito sa kanya. She found it absurd.

Paano ba naman niyang hindi maiisip iyon? Mula pagkabata ay alaga na siyang inisin at gawan ng kalokohan ni Nathan. Imposible naman yata na kung mahal niya ang isang tao ay gugustuhin niya na gawan siya ng mga bagay na ikapapahiya niya at ikagagalit.

Wala siyang nakikitang logic doon.
Iisa lang ang nakikita niyang posibilidad kaya nagpapakita ng interes sa kanya si Nathan. He was yet to do the greatest mischief he could ever think of to blow her brains out. Kung paano nito gagawin iyon ay hindi pa niya alam.

Mabuti nang ngayon pa lang ay aware na siya sa posibilidad. Dahil gagawin din niya ang lahat, huwag lang siyang mahulog sa bitag nito.

“Hi, Charisse!” Si Pal ang bumati sa kanya. Higit itong matangkad kaysa kay Nathan kaya mula sa ibabaw ng iron gate ay natatanaw nito ang nasa loob ng bakuran.

Ngumiti rin siya rito at pinagbuksan ng gate ang mga ito. “Hi. Napasyal kayo. May problema ba?”

“Wala naman,” sagot ni Pal. “Gusto lang kitang makausap.”

“Tungkol saan?” Giniyahan niya ang mga ito papasok sa kabahayan. Nag-iisip siya habang naglalakad sila. Hindi pa rin kaya ito nadismaya sa mga nakita nitong almost violent reactions niya kay Nathan noong unang magpunta ang mga ito roon? Magpapaalam na kaya itong manligaw sa kanya? Grabe, matutuloy na yata ang kilig niya!

“Natatandaan mo ba 'yong sinabi ko sa 'yo na puwede kang commercial model?”

Napangiti siya. “Nagpapatawa ka na naman, eh.”

“Seryoso ako, Charisse. May hinahanap kaming model para sa commercial ng isang brand ng teens cologne. Palagay ko, malaki ang potential mong maging endorser n’on.”

“So, natuloy ka pala talaga sa ad agency na 'yon?

“Oo. Mukha namang maganda ang trabaho kaya pumayag na rin ako. Ano, magta-try ka na?”

“May stage fright ako. Hindi ako puwede riyan.”

“Magagawan naman ng paraan 'yon. Ang importante, makita muna namin kung maganda pa ring lalabas ang mukha mo sa VTR. Kung papayag ka, bukas ng umaga ay sasamahan kita sa office namin.”

“Naku, eh...”

“Subukan mo lang. Wala namang mawawala sa 'yo kung magta-try ka, 'di ba? Ano’ng malay mo, bukod sa pagiging pharmacist mo, maging sideline mo pa ang pagko-commercial model.”

“Hindi ko nga alam kung makakahanap pa ako ng trabaho sa propesyong tinapos ko.”

“Kaya nga. Habang wala ka pang trabaho, subukan mo kung pupuwede ka sa sinasabi ko.”

Napansin niya na sa buong panahong naroroon sa kanila ang dalawa ay halos hindi nagsasalita si Nathan. Bagay na labis niyang ipinagtataka. Hindi naman ito dating ganoon.  

“Okay, sige, susubukan ko.”

“Good. Di, paano, dadaanan na lang kita rito bukas?”

“Anong oras ba?”

Braveheart Series 14 Nathan Evangelista (Chief Of Mischief) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon