9. Greatest Mischief

6K 171 26
                                    


Sampung minuto lang yata ang biyahe nina Charisse at Nathan ay narating kaagad nila ang bahay ng Lola Awit niya. Gulat na gulat ang matanda nang makita sila nito. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Nathan.

Nilapitan na lang niya ito. Nagmano siya sa lola niya. Pagkatapos ay niyapos at hinalikan ito. “Kumusta na po kayo, Lola?”

“Mabuti naman, apo. Akala ko ba, noon pang katapusan ka magbabakasyon dito? Bakit ngayon ka lang?”

Bago pa siya makasagot ay lumapit din dito si Nathan at nagmano.

“Hindi ba’t si Nathan ito?”

“Opo, siya nga.”

“At magkasama kayo?” tanong nitong takang-taka.

“Ikakasal na kami, Lola,” nakangiting sagot niya. Nagtataka siya kung bakit ganoon ang reaksiyon ng lola niya nang makita na magkasama sila ni Nathan.

Sa puntong iyon, naupo na ang lola niya sa rocking chair na nasa balkonahe ng bahay nito. Para bang hindi na ito makatatagal nang nakatayo dahil sa narinig sa kanya. Lalo tuloy siyang nagtaka. Sa tingin niya, parang napaka-absurd para dito na ikakasal na sila ni Nathan.

Binalingan nito si Nathan. “Ano’ng ginawa mo sa apo ko?”

“Lola,” sansala niya. “Mahal namin ang isa’t isa.”

“Nagpapatawa ka ba, Charisse?”

Nagpapatulong na tumingin siya kay Nathan. Nakayuko naman ito habang hinahaplos ang batok.

“Aba’y numero uno mong kaaway ang lalaking ito mula noong maliliit pa kayo hanggang sa magdalaga ka. Paano nangyari na naging nobyo mo ito at magpapakasal pa kayo ngayon?”

“Lola, kahit naman lagi kaming magkaaway ni Charisse noona, front lang namin 'yon,” salo ni Nathan. “Pareho lang naming itinatago dati ang totoong feelings namin para sa isa’t isa. Kaya nga nang hindi na kami makatiis, 'yon, inilabas na namin. Nagmamahalan po kami, Lola. Mahal na mahal ko ang apo n’yo. Kaya nga po pakakasalan ko siya.”

Umiling ang lola niya, tila hindi pa rin makapaniwala. “Bueno, ito lang ang masasabi ko, lalaki. Kapag pinaiyak mo ang apo ko, malilintikan ka sa akin.”

Nilapitan ito ni Nathan at inakbayan. “Makakaasa po kayo na paliligayahin ko si Charisse at hindi paiiyakin. Imbitado po kayo sa kasal namin. Ipasusundo ko na lang po kayo rito sa Lucban.”

Nang mapagsolo sila ni Nathan ay inilibot niya ito sa bahay ng mga kapatid ng mommy niya. Kahit ang mga iyon ay tila nagtataka kung paano naging magnobyo silang dalawa.

“I wonder kung ano pa ang pinaggagawa mo sa akin dati kaya gano’n na lang mag-react sa 'yo ang mga kamag-anak ko,” kantiyaw niya kay Nathan nang pabalik na sila sa bahay ng lola niya. 

“Alam lang siguro nila kung gaano mo ako ka-hate noon.”
Napaisip siya sa sinabi nito. Sobra naman yata siyang nag-react noon sa mga pambubuska nito. Lumalabas na masyado niyang dinibdib ang mga iyon kung ganito ang alam ng mga kamag-anak niya.

Nang mapadaan sila sa kalyeng malapit sa wet market ng bayan ay niyaya niyang magpunta roon si Nathan. “Bumili tayo ng longganisang Lucban. Specialty nila 'yon dito.”

Nagtungo nga sila roon. Bumili sila ng maipapa-salubong sa mga daratnan nila sa Maynila.

Habang nasa palengke sila ay biglang tumunog ang cellphone ni Nathan. Seryoso ang mukha nito habang sumasagot. “I’m sorry but it’s over...” Humakbang ito palayo sa kanya.

Braveheart Series 14 Nathan Evangelista (Chief Of Mischief) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon