Magpakailanman
Sa ngayon ay wala na akong inspirasyon
Dahil ang puso ko ay wala ng emosyon
Dati ikaw lang ang laman ng aking puso
Ngayon ay wala na pati ang aking pulsoDati laging tumutulo ang aking luha
Sa aking mata na sa'yo lamang lumuha
Ngayon ay puno ng sakit at kalungkutan
Na ayaw na nilang maiwan at masaktanDati'y hinahanap ka sa bawat sandali
Kahit alam kong pag-ibig ko sayo'y mali
Ngayon ay gustong-gusto ka ng palayain
Dahil ang pag-ibig ko ay sa iyo parinDati'y sobrang takot akong pakawalan ka
Dahil alam kong tuluyan kang mawawala
Ngayon ay handa na akong ika'y lumisan
Dahil nasa puso naman kita kailanmanWritten & Edited by : Edrelle P Caparas
Inspired by : TheColdOne
Date : June 7 2018
BINABASA MO ANG
Mga Tula Na Para Sa Iyo
Poetry" 𝚆𝚊𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚝𝚊𝚔𝚘𝚝 𝚜𝚞𝚖𝚞𝚐𝚊𝚕 𝚊𝚝 𝚖𝚊𝚐𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕 , 𝚖𝚊𝚝𝚊𝚔𝚘𝚝 𝚔𝚊 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚍𝚒 𝚖𝚘 𝚜𝚒𝚗𝚞𝚜𝚞𝚋𝚞𝚔𝚊𝚗 "