Hindi man maging tayo
Sana ay malaman mo
Na kahit kailan ay nandito lang ako
Umiiyak habang ika'y nasa isip koDahil ikaw lang ang nasa isip ko palagi
Ang mga pinako ko'y di mababali
Sana ay iyong mapansin , ang lahat ng ito
Upang ang puso ko'y di matuluyang maging batoMaraming nagtataka , bakit ikaw
Kasi ikaw ang nagbibigay ng ilaw
Sa aking buhay na kay dilim
Pag-ibig kong ito ay ang aking nagiisang lihimMarami sila , pero pinili kita
Dahil kabaitan mo ang aking nakikita
At hindi ang iyong itsura
Katulad ng ibaTotoo ba lahat ng sinabi mo ?
O para lang mapasaya mo lang ako ?
Sana ay matanong ko sa iyo ang mga ito
Ngunit walang oras para makapagsabi ng totoo sa'yoNoong tayo'y bata pa , alam kong mamahalin na kita
Pero di ko alam na pang habang buhay na pala
Sana ay masabi lahat ng gustong sabihin
Pero hanggang kailan ko matatandaan ang salitang " Sa iyo , pa rin "Kung naala mo pa , noong tayo'y bata pa
Ika'y aking niligawan
At ikaw lamang ang nagiisa kong papa
Pinangako kong mamahalin kita ng walang hangganInspired by : TheColdOne
Written & Edited by : Edrelle Caparas
Date : July 22 2018
BINABASA MO ANG
Mga Tula Na Para Sa Iyo
Şiir" 𝚆𝚊𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚝𝚊𝚔𝚘𝚝 𝚜𝚞𝚖𝚞𝚐𝚊𝚕 𝚊𝚝 𝚖𝚊𝚐𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕 , 𝚖𝚊𝚝𝚊𝚔𝚘𝚝 𝚔𝚊 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚍𝚒 𝚖𝚘 𝚜𝚒𝚗𝚞𝚜𝚞𝚋𝚞𝚔𝚊𝚗 "