Akala ko , ika'y isang tao na nanggaling sa langit
Pero , isa ka rin pala sa mga taong nagbigay sakit
Pinilit kong makalimutan ang aking mga nakaraan
Pero ang pag-ibig na pinangako mo dati'y nasaanNasaan ka sa mga panahon na kinakailangan kita
Ang tsismis ay kumalat pati ang masamang mga balita
Madami sa mga tanong ko'y di nabigyan ng kasagutan
Dahil ika'y kanilang tinago't ika'y biglang lumisanDati ay wala akong maisip na tula para sa'yo
Dahil kahit ikaw ay malapit , sadyang ika'y malayo
Kahit anong aking gawin ay tuluyan kang lumalayo
Ngayon ako ay sobrang namamanhid ng dahil sa iyoUna , sinabi mo na ako ay tunay mong mamahalin
Na kahit ako'y sobra ng layo , ay iyong tatakbuhin
Pero ako'y nabigo sa lahat ng iyong pinangako
Ngayon ay handa na akong ibaon sa lupa ang pakoSalamat sa limang araw na pinuno ng kasiyahan
Ang mga dating kalungkutan ay napunta na sa hangganan
Sana ika'y makatagpo ng taong ika'y mamahalin din
Upang lahat ng mga tao sa mundo ay maging masiyahinWritten & Edited by : Edrelle P Caparas
Inspired by : MyOldBaby
Date : June 11 2018
BINABASA MO ANG
Mga Tula Na Para Sa Iyo
Poesia" 𝚆𝚊𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚝𝚊𝚔𝚘𝚝 𝚜𝚞𝚖𝚞𝚐𝚊𝚕 𝚊𝚝 𝚖𝚊𝚐𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕 , 𝚖𝚊𝚝𝚊𝚔𝚘𝚝 𝚔𝚊 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚍𝚒 𝚖𝚘 𝚜𝚒𝚗𝚞𝚜𝚞𝚋𝚞𝚔𝚊𝚗 "