22 Sa Di Inaasahan

426 6 0
                                    

Sa hindi ko inaasahan
Tayo'y biglang nagmahalan
Sa maling panahon
Tayo'y nasaktan at nakaahon

Ngayon ko lang nalaman
Ang lahat ng iyong nararamdaman
Lahat ng ating pinagdaanan
Ay ating sinikap na malagpasan

Di ko inaasahan
Na ang mga tuksohan
Ay magiging dahilan
Kung bakit tumatag ang ating pagmamahalan

Salamat dahil ika'y aking nakilala
Alam kong marami akong nagawang mga sala
Pero ako'y lagi mong pinapatawad
Di ko inakalang ika'y aking masasagad

Tayo'y nasaktan
Mga puso'y nahihirapan
Dahil sa maling pagkakaintindihan
Baka ito na ang aking kinakatakutan at ito'y ang ating hangganan

Nung nakilala kita , ako'y napagbago mo
Ugali at pati ang paniniwala ko
Nabago ang lahat ng dahil sa'yo
Sana ay maalala mo ang lahat ng ito

Sana ay wag mong kalimutan
Lahat ng ating pinaghirapan
Simula ng tayo'y bata pa
Hanggang ngayon na tayo'y matanda na

Magkalayo man ang ating mga puso
Sana ay huwag kang magpadala sa mga tukso
Na maaring maging isang rason
Kung bakit ang pag-iibigan natin ay tuluyan ng malason

Lahat ng ating mga kulitan
Sana lahat ng ito ay iyong ingatan
Mga ala-ala na kailangang alagaan
Para sa maliwanag na kinabukasan

Written & Edited by : Edrelle Caparas
Inspired by : JaVy & Mr.Like
Date : August 18 2018


Mga Tula Na Para Sa Iyo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon