26 Huli Na Ang Lahat

356 4 0
                                    

Huli na ang lahat
Wala na akong magagawa pang tama at sapat
Kinalimutan mo na ang lahat , kaya ano pa ang aking magagawa ?
Kakalimutan nalang kita dahil alam kong ika'y wala na at sawa

Huli na ang tulang nababasa niyo
Na tungkol sa lungkot at sakripisyo
Na aking ginawa para sa taong mahal ko
Ngayun ay wala na at naglaho

Sana ay maging masaya na siya
Dahil kanyang malalasap na ang pagiging malaya
Sana ay malaman mo na minahal kita ng sobra
Minahal ng sobra ngayon ay wala ng natira

Masakit sa akin na makita ka pang muli
Pero baka yun na ang ating huli
Kaya ika'y aking yayakapin ng mahipit
Sa panaginip na kasama ka habang tayo'y magkalapit

Inspired by : December 10
Date : August 27 2018
Written & Edited by : Edrelle P Caparas

Mga Tula Na Para Sa Iyo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon