Note: Ito po ay Season 2 na.. sa mga hindi po nakakaalam o first time mabasa ito maaari niyo pong mabasa ang season 1 just search "Imperium: Legend of Anton (Season 1)". para mas lalo niyo pong maintindihan ang takbo ng kwento. salamat ^^
______________________________________Chapter 1: Lordship part I
Mula sa bintana ng kaniyang opisina ay pinapanuod ni Anton ang mga taong nagdaraan sa Malaking Tulay mula sa Agriculture District at Industrial District, ang taong ito ay abala sa kani kanilang trabaho na itinalaga dahil sa bagong propaganda na ipinatupad ni anton.
"panginoon nasa conference room na ang mga opisyal na inatasan mo at nagaantay na din ang mga taong pinatawag mo.." wika ni borav.
"mabuti naman.. sabihin mo susunod na ako.." wika ni anton at hinarap si borav.
paglabas ni borav mula sa opisina ni anton ay sumunod na din si anton at tumungo sa conference room.
sa loob ng conference room ay naanduon na si barov, gothen, arkisha, tobi, leila, loi at arthur. nang pumasok si anton sa conference room ay agad nilang binati si anton.
umupo si anton at nagsiupo na din silang lahat.
"nais ko munang ipaalam na nais na may bago tayong miyembro.. arkisha.. tobi.. loi.. at leila.." pagkawika ni anton ng mga pangalan ay agad na tumayo ang taong mayari ng pangalan.
binati nilang lahat ang mga bagong opisyal at tumingin si anton kay barov at agad na tumango si barov at tumayo.
"ako si borav kanang kamay ni panginoong Anton at ako din ang punong kalihim ng Ethereum.. ayon sa report ko mas lumalaki ang bilang ng mga refugee mula sa iba't ibang bayan at ang karamihan sa kanila ay mula sa Elven Region at Verssilla Kingdom kung patuloy parin ang paglaki ng populasyon ng Ethereum sa susunod na buwan hindi kakayanin pa ng Ethereum ang lumalaking demand sa pagkain.." wika ni borav at umupo na ang matanda matapos nitong magsalita.
tumingin si Anton sa direksyon si Arthur at tumugon naman si arthur kay anton.
"ang Ethereum ay binubuo na ng apat na lahi, Human, Elf, Dwarf at beastman kaya naman dahil dito madalas ang mga mamamayan ay nagkakaroon ng maliit na di magkakaunawaan at madalas nauuwi na sa gulo.. yung una ay kaya pa namin kontrolin subalit kung lalo pang lalaki ang bilang ng mga mamamayan ay baka hindi na namin makontrol ang alitan ng magkakabilang panig.." wika ni arthur at pagkaupong pagkaupo ay agad na tumayo si gothen subalit hindi siya sa sahig tumayo kundi sa kaniyang kinauupuan.
"wala naman kaming problema sa construction at pagtatayo ng mga panibagong bahay sa katunayan ay kaya namin sumabay sa paglaki ng populasyon.." wika ni gothen ng punong puno ng pagmamayabang.
nagisip muna si anton bago siya magumpisang magsalita.
"sa problema sa pagkain.. itatalaga ko si arkisha bilang pinuno ng Agriculture Department at bilang kumakatawan na din sa mga elf.. dahil mas madami kang alam sa mga halaman at kaya mong gumamit ng spirit summong na maaaring makatulong sa mga pananim.. ikaw na ang bahalang pumili sa mga magiging tauhan mo at magsama ka na din ng kakatawan sa mga beastman dahil alam kong maaaring makatulong sila sa pagpaparami ng mga alagang hayop.. sa ngayon ito lang ang maaaring paraan upang matugunan ang problema natin sa pagkain.." wika ni anton at inabot kay arkisha ang ilang mga papeles.
"leila ay itinatalaga kita bilang isang pinuno ng Department of Education.." wika ni anton at inabot ni anton kay leila ang mga papeles.
"d-department of education?" pagtataka ni leila.
"ayon kay borav bukod sa kaniya ay marunong kang sumulat at bumasa at bukod pa dito ay nakapagaral ka sa Verssilla Academy?" sagot ni anton.
"t-tama nga panginoon.." wika ni leila.
"kaya naman nais kong magtayo ng paaralan sa Ethereum.." wika ni anton na ikinagulat naman ng mga miyembro ng conference room.
"s-subalit panginoon! hindi kakayanin ng mga mamamayan ng Ethereum ang bayad sa paaralan at tanging mga aristokrat lang ang mga nakakapagaral.." wika ni borav..
"wag ka magalala borav.. gagawin kong libre ang pagaaral.. gothen nais kong magtayo ka ng paaralan.." wika ni anton at tumingin kay gothen. "leila ang unang magiging estudyante mo ay ang mga matatanda tuturuan mo sila ng tamang pagsulat, pagbabasa at pagbibilang.. ayokonh maging mangmang ang aking mamamayan.. bukod pa dito ay ituturo niyo din ang kasaysayan pero sa pagkakataong ito ay babaguhin natin ang kasaysayan.." wika ni anton at ngumiti.
"b-baguhin?" pagtataka ni borav.
"tama.. sa paraan nito ay mababago ang pananaw at paniniwala ng mga tao.. ang una natin tuturuan ay ang matatanda sumunod ay ang mga kabataan.. ang pagtuturo ay tatagal ng tatlong buwan at magsasagawa tayo ng pagsusulit upang malaman natin kung may natutunan ba sila.. kaya naman barov ikaw ang itinatalaga ko upang gumawa ng aklat na ukol sa bagong kasaysayan at kumuha ka din ng mga guro na makakatulong kay leila sa iba't ibang lahi.." wika ni anton.
"tatawagin natin itong primary education at kapag karamihan sa mamamayan ng Ethereum ay tapos na sa primary education magtatayo ng Training Center kung saan huhubog sa mga talento o abilidad na tinataglay nila.. ang mga Training Center na itatayo ay Magic School, Construction School, Teaching School at marami pa.. sa paraang ito ay magkakaroon tayo ng trabahador na may natatanging talento.." wika ni anton na naging dahilan upang ikagulat ng lahat.
ang unang layunin ni anton sa pagtatayo ng school ay upang mapalawak ang kaisipan ng kaniyang mamamayan at maunawaan ang ibang lahi sa paraang ito ay mababawasan ang alitan ng magkabilang lahi. at ang pangalawa ay upang ilunsad ang Professionalism.. sa era na ito ay hindi pa laganap ang Professionalism pero sa modern age ang Professionalism ang importanteng bagay sa kahit ano mang aspeto dahil dito ay naiilabas at mas naifofocus ng isang indibidwal ang kaniyang kakayahan at sa paraang ito ay mas lalong mas nagiging prodoktibo at epektibo ang isang indibidwal sa iisang larangan.
"loi simula ngayon ikaw na ang pinuno nh Department of Security.." wika ni anton.
"s-security? ipagpatawad mo panginoon subalit ngayon ko lamang narinig ang ganitong salita.." wika ni loi na bakas sa kaniyang mukha ang pagtataka.
si loi ay isa sa mga kumalaban sa goblin ng takhain ng mga halimaw na ito na atakihin ang kororo village, nagpakita si loi ng kakaibang malasakit sa iba ng subukan niyang ibuwis ang sariling buhay upang iligtas ang isang bata, malasakit at pagmamahal sa kapwa ang pinakamahalagang katangian ng isang pulis. kaya naman nirekuminda siya ni Arthur.
"Department of Security.. ibigsabihin ikaw ang mamumuno o ang departamento mo ang mangangalaga sa kaayusan at sekyuridad ng mga mamamayan ng Ethereum.." sagot ni anton.
nagulat si loi sa winika ni anton.
"subalit.. panginoon hindi po ba trabaho ni Arthur yun?" pagtataka ni loi.
"malaki ang pagkakaiba ng trabaho niyong dalawa.. si Arthur ay sa military.. kung may mananakop o may kalaban ang Ethereum ang grupo ni arthur ang kikilos.. kadalasan sa labas ng Ethereum ang karamihan sa kanilang mga hawak.. hindi tulad ng sayo loi.. ang responsibilidad mo ay panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa loob ng Ethereum.." wika ni anton at dito ay naunawaan ni loi ang pagkakaiba ng trabaho nila ni Arthur.
"tobi.." wika ni anton at tumingin siya kay tobi..
"simula ngayon ay ikaw na ang mamumuno sa Industrial District.." wika ni anton na ikinagulat ni tobi at lahat ng nasa loob ng conference room.
itutuloy..
BINABASA MO ANG
Imperium: Legend of Anton (Season 2)
FantasyContinuation of Emprium: Legend of Anton (Season 2) - Si Anton ay 25 years old, matapos mamatay sa isang aksidente ay nagtupuan nalamang niya ang kaniyang sarili na nasa isang lugar na nababalot ng liwanag (White Room) at sa lugar din ito ay nakila...