Chapter II

908 70 1
                                    

Chapter 2: Lordship part II

si tobi o mas kilalang tobi ang dakilang minero, tinawag siyang dakilang minero dahil sa kaniyang murang edad ay marami na siyang alam sa mga uri ng bato at metal at mabilis niyang natutunton at nahahanap ang mga iron vein, gold vein o silver vein.

mula sa minahan ay masayang naglalakad sa industrial district si tobi kasama ang kaniyang mga katrabaho patungo sa kanilang bahay, masaya sila dahil natanggap nila ang kanilang sahod at kinabukasan ay ika-pitong araw kung saan ay may libreng araw silang pahinga.

nuon nung alipin pa siya ay imposibleng magkaroon siya ng araw ng pahinga sapagkat kailangan pa niya bayaran ang nagmamayari sa kaniya kapalit sa araw na masasayang, pero ngayon libre na itong ibinibigay sa kanila.

tumingin si tobi sa kaniyang mga katrabaho na masayang nagtatawanan at biglang may sumaga sa kaniyang isipan.

Di tulad nuon ang mga taong ito ay isa lamang hamak na mga alipin na kailangan pang magpakahirap sa trabaho upang makatanggap lamang ng isang pirasong tinapay, at ang tinapay na ito ay hindi mo pa maituturing na pagkain dahil sa sobrang tigas at kung minsan ay may mga piraso pa ng bato o insekto na nakahalo sa tinapay.

ngayon na nakatira sila at isa ng ganap na mamamayan ng Ethereum hindi na nila kailangan pa magpakahirap magtrabaho para lamang sa isang pirasong tinapay, lahat ng mga mamamayan ay pinalaya na ni anton sa pagiging alipin at lahat ng kanilang paghihirap ay natutumbasan at nababayaran na ng pilak sa tamang halaga. kaya naman ay hindi na nila kinakailangan pang maglimos para sa kanilang makakain araw araw.

ang apat na pirasong pilak na kanilang natatanggap kada ika anim na araw ng pagtatrabaho ay sobra sobra para sa kanilang pamilya, kung dati ay isang pangarap lamang ang makatikim ng karne ngayon ay malaya na silang nakakain kahit kailan pa man nila naisin, at dahil mura lang din ang mga bilihin sa Ethereum nakakapagtabi at ipon pa sila ng salapi na maari nilang ibili ng sarili nilang tirahan.

sa Agriculture District at Industrial District ay may mga residential street. any residential street ay nahahati sa dalawang klase ang rent at owned. sa mga bagong dating sa Ethereum lahat sila ay tumitira sa rent na kailangan nilang bayaran ng dalawang pilak kada ika-30 na araw, maliit lang ito subalit yari naman ito sa bato kaya komportableng tirhan hindintulad ng dating tirahan ng mga alipin na yari sa dayami.

ang owned naman nagkakahalaga ng 4 na pirasong ginto.. kung iisipin imposible itong mabili ng katulad ni tobi subalit dahil sa tinatawag na Over Time ay mas malaki ang tinatanggap ni tobi na sahod kaya naman sa loob ng ilang buwan ay nagkaroon si tobi ng sarili niyang bahay.

"tobi kamusta ang bago mong bahay?" wika ni biol na katrabaho ni tobi.

"17 ka na tobi hindi ba? nasa tamang edad ka na para magasawa.. kaya ka ba bumili ng bahay para sa pagahahanda?" dugtong pa ni biol na naging dahilan ng tawanan ng kanilang grupo.

subalit biglang natigil ang kanilang tawanan ng biglang may humarang na dalawang lalaki sa kanilang harapan.

"tobi, ang dakilang minero ipinapatawag ka ni panginoong anton.."

[kasalukuyan]

biglang naisip ni tobi kung gaano kalawak ang industrial district. "p-panginoon baka nagkamali ka lang ng napili.." wika ni tobi.

"wag ka magalala sasailalim ka muna sa pagaaral at ang magtuturo sayo ay leila.. at ang magtuturo naman sayo at magsasanay sa pagmamanage ay si borav kaya wag ka magalala.." wika ni anton at wala ng nagawa pa si tobi kundi ang tanggapin ang kaniyang kapalaran.

tumingin si anton sa mga taong nasa loob ng conference room bago muling magsalita.

"alam kong alam niyo na bukas ay tutungo kami ni arkisha sa elven region.. kaya naman ay magiiwan ako ng assignment dahil mawawala ako ng matagal na panahon.." wika ni anton at inabot niya sa lahat ang piraso ng papeles na may mga nakaguhit.

"kamangha mangha.." wika ni gothen, tulad ng inaasahan ni anton sa isang dwarf na kilala ang kanilang ang lahi bilang mahuhusay na craftsman.

"yan ay tinatawag na Steam Engine.. ito ay pinapagana ng kumukulong tubig tulad ng pangalan nitong steam, gamit ang init na nagmumula sa kumukulong tubig ay lilikha ito ng enerhiya na magpapagana sa makina.." paliwanag ni anton.

"masyadong komplikado ang mga piyesa.. pero hindi naman ito imposibleng gawin.. at ano naman ang gamit nito?" pagtataka ni gothen.

ngumiti si anton bago pa man siya magsalita "simple lang.. sa pamamagitan nito ay mas lalong mpapadali at mapapabilis ang mga mabibigat na trabaho.. gamit ito maaari itong gamitin sa pagtutulak, paghila o pagsipsip kaya naman angkop itong gamitin sa mga minahan.. sa ngayon.." wika ni anton.

"sa ngayon? may iba p ba itong maaaring paggamitan?" gulat at pagtataka ni borav.

"ou.. pero kahit ipaliwanag ko ay imposible niyo itong maintindihan kaya naman sa minahan muna natin ito gagamitin.. at ang pangalawa tignan niyo sa likuran ng papel.." wika ni anton.

pinagmasdan ng grupo ang nakaguhit sa likod ng papel at dahil dito ay binalot sila ng katahimikan.

"parang wala namang gamit ang bagay na ito.. isang tubo na bakal at may hawakan na kahoy?" wika ni arkisha.

"siguro sandata? pero gawa lang ito sa kahoy at ang ibang parte ay bakal.. at ang isang ito ay tila mas pinalaking bersyon lang.." pagtataka ni arthur.

"subalit.. miski goblin ay hindi masasaktan sa ganitong bagay.." biglang tumawa si arkisha.

"hindi.. mali ka.." wika ni gothen.

nagulat si arkisha sa sinabi ni gothen.

"base sa design at itsura nito isa itong sandata na kasintulad ng crossbow.." wila ni gothen.

"tama ka gothen isa nga itong uri ng sandata.. ang tawag dito ay Revolving Rifle.." wika ni anton at sabay ngiti.

"R-Revolving ano? pero paano ito naging sandata?" tanong ni borav

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"R-Revolving ano? pero paano ito naging sandata?" tanong ni borav.

"simple lang.. ang tawag dito ay bullet, ito ang pinaka mahalaga sa sandatang ito.. tulad ng pana katumbas ito ng palaso.. ang tawag dito ay Cylinder dito ay inilalagay ang mga bullet.. ito ang gatilyo, pipindutin mo lang ito at itong hammer sa likuran ang papalo sa bullet at boom! ang ang dulo ng bullet ay tatalsik at ito ang tatama sa nais mong patamaan.." wika ni anton, nakatingin lang ang lahat kay anton at nakanganga..

tumayo si anton at muli itong ipinaliwanag sa mas madetalyeng paraan at idinemo din niya kung paano ito gamitin.

"kung ganun ang gunpowder na nasa loob ng bullet ay sasabog at ang pagsabog ang magbibigay ng lakas sa matulos na parte ng bullet.." wika ni gothen habang patango tango pa ito.

"pero sa pagkakataong ito ay ibang klaseng Steam Engine, Cannon at Revolving Rifle ang gusto kong gawin mo.. imbis na bullet ay gusto kong gamitin mo ay Magic.." wika ni anton.

itutuloy..

Imperium: Legend of Anton (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon