Chapter 5: Yggdrasil
nasilaw si arkisha sa liwanag na nagmumula sa araw na naging dahilan upang mapabalikwas siya mula sa kaniyang kinahihigaan.
"uhmmm.. umaga na pala.. u-umaga?!" agad na bumangon si arkisha at dito ay nakita niya si anton na nagluluto.
"anton! kala ko ba hati tayo sa toka ng pagbabantay bakit sinolo mo lang ang pagbabantay?!" sigaw ni arkisha.
naglagay si anton sa mankok ng kaniyang niluluto at inabot ito kay arkisha.
"salamat.." wika ni arkisha.
"masarap ang tulog mo kaya hindi na kita ginising pa.. at tinapos ko na din ang ilang trabaho upang makabalik agad tayo sa Ethereum.." wika ni anton at sabay higot ng sabaw sa mankok.
humigop din si arkisha ng sabaw subalit biglang kumulot ang kaniyang mukha ng matikman niya ang pagkain na inihain sa kaniya.
"waaaah! a-ano to?! bakit sobrang asim?!" wika ni arkisha.
"ah ito ba? sinigang na baboy tawag dito, paborito ko itong pagkain matagal ko na din itong hindi natitikman kaya naman naisipan kong manghuli ng baboy-ramo at manguha ng ilang halaman.." ngumiti si anton at masayang kinain ang pagkain na nasa mankok.
"hindi ko maintindihan kung paano mo nagustihan ito eh sobrang asim naman nito.." wika ni arkisha.
"wag ka na magreklamo pa! kung ayaw mo edi ako kakain!"
akma na sanang aabutin ni anton ang mankok ngunit bigla itong inilayo ni arkisha.
"sinabi ko bang ayaw ko?!" wika ni arkisha.
"at tyaka luto mo ito.. k-kaya n-naman dapat lang na ubusin ko to.." mahinang sambit ni arkisha.
"hmmm? ano yun?" hindi masyadong narinig ni anton ang sinambit ni arkisha dahil halos pabulong lang niya itong winika.
biglang namula ang mukha ni arkisha.
"huh?! wala naman akong sinasabi! nababaliw ka na!"pagkatapos nilang kumain ay agad silang umalis at tumungo sa Toaz.
pagdating sa Toaz ay dito lang nakita ni anton ang tunay na itsura nito, nung pumarito siya sa Toaz ay gabi nun at natatakpan ng mga ulap ang buwan kaya naman sobrang dilim ng paligid at hindi niya napansin ang tinataglay na ganda ng buong lugar.
ang Toaz ay napapalibutan ng mga malalaking puno, at sa mga punong ito itinayo ang mga gusali at bahay ng mga elf na yari naman sa mga marmol.
kitang kita sa bawat gusali at bahay ang sining at panahon na ginugol dito ng mga elf, sa mga rebulto at sculpture na pinagtuunan ng pansin.
"ang ganda ng tanawin.." yan ang salitang unang pumasok sa isip ni anton subalit ang mga salitang iyan ay hindi na nababagay sa estado ng Toaz ngayon.
lahat ng mga puno na nakapalibot dito ang patay na, pati ang pinaka malaking puno sa gitna ng siyudad ay malapit na ding mamatay.
nakita ni arkisha ang ilang bangkay ng mga necromancer at tumingin siya kay anton at bakas sa kaniyang mga mata ang pagtatanong.
"naisip ko kagabi na malaki ang tiyansa na mahuli tayo kung hindi tayo agad tutungo sa lugar na ito, subalit naisip ko din na delikado kalaban ang mga necromancer sa gabi kaya naman naka buo ako ng plano na tutungo ako sa Toaz ng magisa.." wika ni anton.
totoo ang sinabi ni anton na ayaw niya lang mapahamak si arkisha, subalit may isa pa siyang dahil at yun ay ayaw niyang malaman ni arkisha na nagmula siya sa ibang mundo at marami siyang mga katanungan sa necromancer na ayaw niyang malaman ni arkisha.
BINABASA MO ANG
Imperium: Legend of Anton (Season 2)
FantasyContinuation of Emprium: Legend of Anton (Season 2) - Si Anton ay 25 years old, matapos mamatay sa isang aksidente ay nagtupuan nalamang niya ang kaniyang sarili na nasa isang lugar na nababalot ng liwanag (White Room) at sa lugar din ito ay nakila...