Chapter III

940 69 1
                                    

Chapter 3: Elven Region

"hindi ako pwedeng magkamali.." wika ni rea habang abala sa kaniyang computer.

Apat na buwan na ang nakakaraan simula nang nangyari ang malaking insidente sa LEGC building, ayon sa gobyerno pakana ito ng mga terorista subalit walang maipakita ang gobyerno na ibidensya na pakana nga ito ng mga terorista.

kaya naman sa sariling paraan ay naghanap si Rea ng ibedensya ng totoong nangyari sa LEGC.

'the number you have dial is unattended or out of coverage area. please try your call later.'

sinubukan ni Rea tawagan si anton habang nakasakay sa taxi patungo sa LEGC.

"kung hindi niya sinasagot, out of coverage naman.. ilang beses ko na tinatawagan si anton pero hanggang ngayon hindi ko parin siya nakakausap.." wika ni Rea nang subukan niyang tawagan si anton at hindi parin niya ito makausap.

kaya naman nagdesisyon si rea na puntahan si anton sa kanilang tahan, dito napagalaman niya na nanggaling palang si anton sa kanila at nagmamadali kaagad itong umalis dahil kailangan daw siya ng kaniyang boss. kaya naman sinubukan ni rea habulin si anton.

"Mam sorry po pero hanggang dito nalang po tayo.. pasensya na po.." wika ng taxi driver kay rea, na naging dahilan upang ikagulat ni rea.

hindi na sila ganun kalayo sa LEGC sa katunayan nga ay nakikita na ni rea ang building nito. dahil sa gulat sa sinabi ng taxi driver ay agad na sumilip si rea sa bintana ng taxi, dito'y nakita niya ang dahilan.

bukod sa mga harang na nakalatag at mga sundalo na naka yuniporme at armado ng mga matataas na kalibre ng baril at may nakapaskil pa na off limits sa bawat harang.

nagbayad si rea sa taxi at bumaba, susubukan sana ni rea kausapin ang mga armadong sundalo, subalit mula sa direksyon ng LEGC ay biglang nagkaroon ng matinding pagsabog.

kitang kita ni rea mula sa kaniyang posisyon may kung anong bagay ang tumama sa building na lumikha ng pagsabog. hindi ganun kalakas ang pagsabog subalit nagdulot ito ng mga matitinding pinsal sa mga building na tinamaan nito.

mula sa pinanggalingan ng ng bagay na tumama sa building ay may kung anong bagay ang nakalutang, dahil sa layo at distansya ay hindi maaninag ni rea kung anong bagay ang nakalutang kaya naman sinubukan niyang ilabas ang kaniyang camera at vinideohan ang bagay na nakalutang at sinubukan niyang izoom in.

gulat na gulat si rea sa kaniyang nakita, ang bagay na nakalutang ay isang tao. at ang bagay na tumama sa gusali ay nagsimula na ding lumutang kaya naman tinapat ni rea ang kaniyang camera sa direksyon na iyon at dito nalaman din niya kung ano ang tumama sa gusali na naging dahilan ng pagsabog, isa ding tao.

"No Camera!" sigaw ng isang sundalo na armado ng mga baril at biglang hinablot nito ang camera na gamit gamit ni rea at binura lahat ng video sa camera at kinuha ang SD card ng camera at sinauli na kay rea ang camera.

at sumunod na mga nangyari ay malalakas na pagsabog at sa pagkakataong ito hindi lang isa kundi madaming pagsabog at sunod sunod. sa lakas ng pagsabog ay hanggang sa direksyon nila rea ay ramdam nila ang malakas na shockwave.

kitang kita ni rea kung paano gumuho ang mga malalaking gusali at sa huong paligid ay binalot ng usok. dagil sa mga pagsabog na ito ay wala silang nagawa pa kundi ang lumayo at lumikas.

kinabukasan nabalitaan nalang ni rea na isa si anton sa mga biktima na sinasabing pagataki ng mga terorista. hindi maipaliwanag ni rea kung ano ang kaniyang nararamdaman, nakakasiguro siya na may alam ang gobyerno subalit mas pinili nalang nila ang manahimik at itago ang tunay na nangyari.

sinubukan ni rea na magimbistiga sa tunay na nangyari ng araw na iyon, sumali siya sa iba't ibang grupo na nagsasagawa ng pagsasaliksik at pagaaral sa tunay na nangyari. at makalipas ang apat na buwan nagbunga nga ang pagiimbistiga ni rea. nakatanggap siya ng isang video, pinanuod niya ang video at nagulat siya sa kaniyang napanuod.

nung una ay tila tulad lang ito ng kaniyang nakuhang video nung araw na iyon subalit ng izoom in niya dito ay mas naliwanagan na siya. kitang kita niya na ang taonh nakalutang sa ere ay si anton.

"hindi ako maaaring magkamali.." wika ni rea.

"BOARD!" sigaw ni Liu ye.
______________________________________

Objective: Rest for 60 days.

Time-Limit: 0 day 0 hour 0 minute 0 second.
______________________________________

sa sobrang galit ni Liu ye ay tinaob niya ang kaniyang lamesa sa loob ng opisina.

60 days lang ang kaniyang rest day, subalit apat na buwan na siya nakatengga sa orihinal na mundo at hindi pa niya alam kung hanggang kailan siya mananatili sa mundong ito. lahat ay ginawa na niya, sinubukan na niyang gumamit ng sleeping pills pero wala parin itong epekto kahit halos isang buong linggo siyang natutulog.

ang mas kinaiinisan pa niya ay si anton. "nakakasiguro akong napatay ko siya at andun din ako sa araw na crinimate ang kaniyang katawan! kitang kita ko kung paano sunugin ang kaniyang katawan hanggang maging abo!! pero ano to??!!!!" sigaw ni Liu ye habang nagwawala.

sa Zeloth ma o sa Earth kapag napatay mo ang isang examinee, lahat ng kaniyang abilidad at kapangyarihan ay agad na mapupunta sa taong nakapatay. pero nung napatay niya si anton wala man lang kahit na anong bagay siyang nakuha mula kay anton.

gusto na ni Liu ye bumalik sa Zeloth upang makompirma kung talagang patay na si anton o kung hindi man ay upang malaman ang paraan na kaniyang ginawa.

makalipas ang ilang minutong pagwawala ay sinubukan pakalmahin ni Liu ye ang kaniyang sarili dahil alam niya wala siyang magagawa pa kundi ang magantay.

"kung ganun ito pala ang elven region.." wika ni anton anton habang nakasakay sa puting tigre na may pakpak, nung una ay hindi makapaniwala si anton na ang spirit summon ni arkisha na white tiger ay tutubuan ng pakpak.

dito nalaman ni anton na lahat ng wind spirit ay may natural na abilidad na makalipad.

sa harapan ni anton ang makikita ang napakalawak na kagubatan at sa gitna ng kagubatan ay makikita ang higanting puno. kapansin pansin sa higanting puno na ito na unti unti ng nauubos ang mga dahon at natutuyo na ang mga sanga. napansin din ni anton ang ilang parte ng kagubatan na unti unti na ding nakakalbo at namamatay ang mga puno.

"ou.. sa katunayan hindi ganito ang itsura ng elven region.. subalit dahil sa mga necromancer hinihigop nila ang life force ng yggdrasil!" wika ni arkisha at sa kaniyang mukha ay mababakas ang matinding galit.

itutuloy..

Imperium: Legend of Anton (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon