Chapter IV

873 69 3
                                    

"mabuti pa ay dito muna tayo magpalipas ng gabi.." wika ni anton at nilapag niya ang mga piraso ng kahoy.

"sige.. necromancer ang mga kalaban natin kaya naman mas malakas sila sa gabi.." sagot ni arkisha.

lumikha si anton ng apoy gamit ang magic at nilabas ang mga ilang kagamitan at pagkain mula sa kaniyang Spatial Storage.

pinaghatin nila anton at arkisha ang pagbabantay at pinili ni anton na siya muna ang magbantay at pinatulog na si arkisha.

nang makasiguro si anton na tulog na talaga si arkisha ay ipinikit ni anton ang kaniyang mga mata.

"hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko na makita ang mga skills ko, kaya naman hindi ko alam kung may naglevel up ba sa mga skill ko sa loob ng apat na buwan.." wika ni anton ng ipikit niya ang kaniyang mga mata.

apat na buwan na ang nakakalipas simula ng makalaban ni anton si Liu ye at mamatay, sa loob ng apat na buwang iyon ay walang ginawa si anton kundi ang magsanay habang minamanage ang Ethereum.

'siguradong wala pa sa mundong ito si liu ye dahil alam ko na agad niya akong hahanapin sa oras na makabalik siya dito kaya naman wala akong sasayangin na oras..' sa isip ni anton at sinimulan niyang kontrolin ang mana sa paligid.

nang magawang makontrol ni anton ang mana sa paligid ay sinubukan naman niyang palawakin ang kaniyang nasasakupan, dati at hanggang ilang metro lang ang kayang kontrolin ni anton pero sa loob ng apat na buwan na pagsasanay ay nagawa niya itong mapalawak ng ilang kilometro.

pinakalma ni anton ang kaniyang isipan at unti unti niyang ikinalat sa kapaligiran ang kaniyang presensya. "Gods Eye!" wika ni anton at sabay dilat ng kaniyang mga mata.

ito ang sinasanay ni anton, sinusubukan niyang pagsamahin ang Mana Perception, Magic Eye at Tracking. gamit ang mana perception ay papalawakin ni anton ang kaniyang mana detection ng ilang kilometro at sabay na pagsasamahin sa Magic Eye. ang resulta ay kaya niyang makita o madetect ang kahit na sino o kahit na anong bagay sa layo ng ilang kilometro. kaya tinawag niya itong Gods Eye, tila monitor ng CCTV camera ang kaniyang paningin at kitang kita niya ang paligid sa kahit na anong direksyon o angolo.

sa pagkakataong ito ay mas pinalawak pa ni anton ang kaniyang nakikita, at dito ay nahanap ni anton ang direksyon ng Toaz, ang kapitolyo ng Elven Kingdom ang tahanan ni Arkisha.

nakita ni anton ang posisyon ng mga necromancer, limang necromancer ang nakapalibot sa higanteng puno at ang mga necromancer na ito ay tila abala sa pagdarasal. sa tapat ng puno ay may maliit na rebulto ng isang demonyo at mga mata nito ay nagliliwanag.

"hindi ko alam ang mga plano nila pero hindi ko hahayan na magtagumpay kayo! accelerate!" wika ni anton at tumayo sa kaniyang kinauupuan.

ang magic na accelerate ay isa sa mga bagong imbentong magic ni anton, tulad ng pangalan nito ay kaya nito pabilisin ang oras ng isang bagay o kilos. halimbawa gamit ang accelerate ay magagawang pabilisin ni anton ang kaniyang pagtakbo ng hindi tumataas ang kaniyang bilis.

sa kasamaang palad ay malakas itong kumunsumo ng mana kaya hindi ito basta basta ginagamit ni anton.

sa llloob ng ilang segundo ay nakarating si anton sa Toaz, nagulat pa ang mga necromancer ng biglang sumulpot si anton.

"s-sino ka?!" bulalas ng isa sa mga necromancer ng biglang sumulpot si anton.

"ako ang tatapos sa buhay niyo.." sagot ni anton at bakas ang ngiti sa kaniyang labi.

"nagpapatawa ka ba? kami ang mga necromancer mga tagasunod ni zepin, ang diyos ng kadiliman! binigyan niya kami ng kapangyarihan ng pagiging imortal!" wika pa ng isang necromancer at biglang tumawa ng malakas.

Imperium: Legend of Anton (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon