"A-a-atlas? p-pero p-paano? di ba isa kang matandang lalake na panot dahil sa katandaan? paano na naging ganiyan ka kaganda?!" gulat na wika ni anton.
napakamot nalang sa ulo si atlas.
"hindi iyon ang totoo kong anyo.. kinakailangan kong itago ang tunay kong anyo upang madala kita sa mundong ito.." wika ni atlas.
napatango nalang si anton sa sinabi ni atlas. "atlas gusto kong ipaliwanag mo ano bang nangyayari?! bakit natrap ako sa mundong to?! at kamusta na sa kabilang mundo?!" wika ni anton.
"anton hindi ako magtatagal sa anyong ito, wala na kong spaat na kapangyarihan upang panatilihin ang anyo ko.. nalalapit na ang pagkabuhay ng Demon Lord, sa kalagayan mo ngayon ay siguradong mamamatay ka lang. anton nakikiusap ako sayo iligtas mo ang mundong ito.." wika ni atlas.
"tanggapin mo ito anton, alam kong malaki ang maitutulonh nito sayo.." inabot ni atlas kay anton ang ilang piraso ng buto at unti unti ng naglaho si atlas.
"atlas sandali-" wika ni anton subalit naputol ito dahil tumambad sa kaniyang harapan ang higanting puno at napatigil siya sa tinig ni arkisha.
"ayos ka lang anton? kanina ka pa tulala.." wika ni arkisha.
"ah.. ou.. naisip ko lang kayong mga elf ang may pinaka mahabang buhay.. gusto ko sana makita ang aklatan niyo.." wika ni roland at sabay tingin sa kaniyang palad at dito'y nakita niya ang ilang piraso ng maliliit na buto.
dinala si anton ni arkisha sa malaking gusali. at tumungo sila sa underground nito dumaan din sila sa mga ilang lihim na lagusan.
"ang karunungan at kaalaman ay iningatan ng mga elf upang pakinabangan ng mga susunod na hinerasyon, at karamihan sa mga aklat sa lugar na ito ay nagiisa lang sa buong mundo, nakatala rin sa lugar na ito ang kasaysayan ng at mga mahahalagang pangyayari sa mundo.." wika ni arkisha, sabay bukas ng huling pinto.
dito ay bumungad sa harap ni anton ang napakalaking aklatan na nakita niya sa buong buhay niya.
"anong klaseng libro ba ang kailangan mo?" wika ni arkisha.
lumapit si anton sa mga libro at isa isa itong tinignan.
"libro tungkol sa Demon Lord.." mahinang wika ni anton.
nagulat naman si arkisha sa sinabi ni anton, pero inaasahan na din ni arkisha ang paglitaw ng dekon lord dahil sa paglitaw ng mga necromancer.
tumungo si anton at arkisha sa masukal na parte ng aklatan subalit, bago pa man sila makarating sa lugar ay may mga na lumipag patungo sa kanilang dinadaanan ilang sandali pa'y mga magic naman ang nagliparan patungo sa kanila.
lumikha naman ng mana shield si anton at prinotektahan si arkisha.
"magpakilala kayo!" matapos ang sunod sunod na pagataki ay isang tinig ang narinig ni anton at arkisha.
naglakad papalatit si arkisha bago magsalita. "Ako si Arkisha, Arkisha Toaz anak ni Haring Riley Toaz.."
"a-arkisha?! ikaw ba talaga yan?!" sigaw ng isang lalake mula sa kadiliman, lumabas ito upang kumpirmahin nga kung siya si arkisha.
paglabas ng lalake ay agad na napatakip ng bibig si arkisha dahil sa gulat at tila gripo ang kaniyang mga mata sa dami ng luha na umaagos sa kaniyang mga mata.
"Ama!" hindi na napigilan pa ni arkisha ang kaniyang emosyon, pagkatapos niyang sumigaw ay agad itong tumakbo patungo sa kaniyang ama at niyakap ito.
"arkisha! anak ko! Salamat sa Diyos.. kahit kailan ay hindi ako nawalan ng pagasa at alam kong buhay ka pa.." wika ni riley habang yakap yakap ang kaniyang anak.
may limang elf na lumapit kay anton at tinutukan siya nh espada at sibat at ginabayan si anton na lumuhod.
nagulat naman si arkisha sa ginawa ng ibang elf kaya naman hinarap ni arkisha ang limang elf subalit pinigilan siya ng kaniyang ama.
"anong ginagawa niyo?! kaibigan ko siya Rix! Ama!" sigaw ni arkisha.
"pero isa siyang human! at dahil sa lahi niya nawasak ang Toaz at maring elf ang namatay at nagdudusa dahil sa kanilang mga kamay!" wika ni Rix. si rix ay isang respetadong elf sa buong toaz dahil sa kaniyang husay sa larangan ng mahika at espada.
"ok lang arkisha.. rix ba kamo ang iyong pangalan? kung iyan ang ikakagaan ng inyong loob sige patyin niyo ako.. mapatay niyo man ako may mababago ba? daan daang libong sundalo ng Verssilla Kingdom ang nagaantay sa loob ng mga pader nito, nagaantay na lipunin ang lahi niyo at ubusin kayo.. bukod pa dito ay may kalaban pa kayong necromancer na unti unting pinapatay ang yggdrasil at balak buhayin ang Demon Lord.. at sa bayan na aking pinaghaharian ay may libo libong elf na nakatira.. sabihin niyo ano kaya gagawin ng mga sundalo ko kapag nalaman nilang pinatay niyo ako?" wika ni antonsabay ngiti..
"Ikaw!" sigaw ni rix sabay angat ng kaniyanh espada at akma na sanang ihahataw ito kay anton subalit agad niya itong pinigilan.
"masuwerte ka ngayon.." wika ni rix, muling binalik ni rix ang kaniyang espada sa lalagyan nito at sinenyasan ang apat na pakawalan si anton at umalis na.
"ayos ka lang ba anton? pasensya na.." pagaalala ni arkisha.
"ayos lang arkisha wag ka na magalala.." wika ni anton.
"anton at arkisha sumunod kayo, may mahalaga tayong paguusapan.." wika ni riley at ginabayan si anton at arkisha patungo sa isang silid.
pagdating sa silid ay andun na si riley at may dalawa pang matanda.
"umupo kayo anton at arkisha.. anton tulad ng iyong alam ang pangalan ko ay riley ito naman ay si rix, at siya ay si Elder Lienora at Elder Faeler. sila ang mga taga pagpayo ko.." wika ni Riley at umupo na, umupo din dila anton at arkisha.
qng unang nagsalita ay elder Faeler. "ayon kay Rix ay may mga elf sa bayan na pinaghaharian mo? naparito ka ba para sa negosasyon? kung ang kailangan mo ay kayamanan handa namin ibigay ang lahat kapalit ng buhay ng aming mga kababayan.." wika ni faeler habang hinihimas nito ang kaniyang balbas.
"nagkaka-" sigaw ni arkisha subalit agad siyang pinigilan ng kaniyang ama, wala naman nagawa si arkisha kundi ang manahimik.
"hindi namin kailangan ang inyong kayamanan.." wika ni anton.
"namin? kung ganun hindi lang nagiisa ang hari ng iyong bayan? ayos lang ba sa kanila na ikaw ang makipagnegosasyon saamin?" agad nman sumagot ang matandang babae na si Lienora.
"hindi.. ako ang namumuno subalit ang bayan ay hindi ko pagaari.. ang Ethereum ay pagaari ng mga mamamayan nito.. at parte na ng mamamayan na ito ang mga elf na nakaligtas sa digmaan.. ang Ethereum ay binubuo ng iba't ibang lahi tulad ng human, elves at dwarves at hindi kami nasa ilalim ng kapangyarihan ng Verssilla at wala akong balak magpakontrol kung kahit kanino pa man.." wika ni anton.
nakatitig naman ng masama si Rix kay anton at ang dalawang elder elf ay tila pinagmamasdan si roland at tumatango tango lang.
ilang sandali ay muling nagsalita ang dalawang elder.
"hindi nagsisinungaling ang mga ispiritu at ayon sa kanila ay totoo ang mha sinasabi mo.. ngayon nais kong marinig ang dahilan ng pagparito mo sa lugar na ito.." wika ni faeler at ngumiti.
"inutusan ako ni Atlas ang Diyos ni mafan na tumungo sa lugar na ito.." wika ni anton.
[Itutuloy..]
BINABASA MO ANG
Imperium: Legend of Anton (Season 2)
FantasyContinuation of Emprium: Legend of Anton (Season 2) - Si Anton ay 25 years old, matapos mamatay sa isang aksidente ay nagtupuan nalamang niya ang kaniyang sarili na nasa isang lugar na nababalot ng liwanag (White Room) at sa lugar din ito ay nakila...