Sorry sa Late update sobrang sakit talaga ng ngipin ko 😔
______________________________________"k-kasinungalingan!!" wika ni rix.
nabalot ng pagkagulat ang buong paligid dahil sa sinabi ni anton.
"alam naman nating lahat na ilang libong taon na hindi nagpaparamdam si Atlas sa mga ispirito! at ang sabi ng ibang ispirito ay marahil patay na siya!" dugtong pa ni rix.
tumayo si rix at lalapit na sana kay antong bigla siyang pinigilan pinigilan ni Lienora.
"Rix tumigil ka.. baka magalit natin ang Diyos na si Atlas dahil sabi ng mga ispirito ay hindi siya nagsisinungaling.." wika ni Lienora.
nabigla naman si Rix sa kaniyang narinig at wala na siyang nagawa pa kundi ang umupo.
"ngayon bata maaari mo bang sabihin kung paano kayo nagkakilala ni atlas? at ano ang dahilan kung baket gusto niyang papuntahin ka sa lugar na ito.." wika ni faeler.
tumungin si anton sa paligid na tila ba nagaalangan siyang magsalita at naunawaan naman ito ng dalawang matanda.
"nauunawaan ko.." wika ni faeler at ipinatong nito ang kaniyang kamay sa ibabaw ng balikat ni lienora.
pumikit si lienora at ilang sandali ay nakarinig si anton ng tinig subalit sa pagkakataong ito ang tinig na ito ay nasa kaniyang isipan lamang.
'maaari ka na ngayon magsalita bata..' wika ni faeler.
'telepathy?' nakatitig lang si anton sa dalawang matanda.
'tama ka..' wika ni faeler.
'ang sabi saakin ni atlas nagsimulang maglaho ang kaniyang kapangyarihan simula ng mawalan ng tiwala at pananampalataya sa kaniya ang laht ng nilalang at kasabay nito ang unti unting paghina ng kaniyang kapangyarihan, at dito'y natuklasan niya ang mga grupo o kulto na pilit na winawasak ang kapangyarihan niya upang hindi tuluyang maglaho ay nagtago si atlas sa ibang mundo at dito niya ako nakita at dinala sa mundong ito upang pigilan ang mga kulto ng necromancer.. pinapunta ako dito ni atlas upang maghanap ng kaalaman ukol sa demon lord at sa mga necromancer na ito at upang iligtas ang yggdrasil at natitira pang mga elf..' wika ni anton sabay ngiti.
'ngayon ay malinaw na ang lahat kung bakit siya biglang naglaho.. sa kaso ng yggdrasil.. bukod sa Toaz ay may natitira pang dalawang City ng mga elf, ang City of Dawn ng Moon Elf at ang Night City ng Black Elf pinagpaplanuhan namin na magmigrate sa isa sa mga city na ito dahil alam namin na hindi na magtatagal ang yggdrasil..' wika ni faeler.
'kung yan ang inyong napagpasiyahan ay wala na akong magagawa pa.. pero paano ang yggdrasil? hindi kayo mabubuhay ng wala ito..' wika ni anton.
'wag ka magalala ang bawat city ng mga elf ay may tagiisang yggdrasil..' wika ni faeler.
ilang sandali pa at natapos na din ang pagpupulong.
napagpasiyahan ni arkisha at roland na samahan ang natitira pang wood elf patungo sa City of Dawn ng Moon elf.
subalit ayon kay arkisha ay may kakaunting problem.
ang wood ang may pinaka mababang antas sa kanilang lahi at ang Moon Elf ang pinaka mataas, ang Moon Elf ay mas kilala ding Pure Elf o Pure Blood Elf kaya naman mas di hamak na mas makapangyarihan sila.
kinabukasan ay umalis na ang kanilang grupo at tumungo na sa City of Dawn at makalipas ng ilang araw na paglalakbay at nakarating din sila.
hindi pa sila kaagad nakapasok sa loob ng City of Dawn at nagantay lang sa labas nito at ang tanging nakapadok lang sa loob ay si Elder Faeler at Elder Lienora.
ang dalawang elder ay nagkaroon ng pagpupulong ng mga elder ng Dawn City, at makalipas ng ilang araw ay natapos din ang pagpupulong at malayang tinanggap ang mga Wood Elf.
"sigurado ka anak?" wika ni King Riley at gilid ng mga mata nito ay makikita ang mga bubutil na luha.
"opo ama.. gustuhin ko man na sumama saiyo ay hindi maaari dahil nagaantay sa aking pagbabalik ang iba nating kababayan sa Ethereum.." wika ni arkisha at niyakap ang kaniyang ama.
"huwag ka pong magalala king riley ako po ang bahala sa iyong anak at poprotektahan ko siya.. kung kinakailangan niyo ng tulong lagi pong bukas ang Ethereum sa inyo.." wila ni anton at ilang sandali pa ay umalis na sila ni arkisha.
muling naglakbay si anton at arkisha pabalik sa Ethereum.
pagdating sa Ethereum ay nabigla si anton at arkisha sa laki ng pinagbago nito.
tapos na ang ikalawang pader ng Ethereum at sa taas nito ay hindi mo maisip kung ano nga ba ang nasa loob nh Ethereum.
pagpasok sa tarangkahan ay makikita ang organisadong mga gusali na nakalera at pantay pantay na maykakasunod.
napagkasunduan namin ni gothen na pagpasok sa tarangkahan ay mga pamilihan, bar, restaurant at kung ano ano pa ang unang makikita ng mga tao.
sinalubong si anton at arkisha ng masasayang pagbati mula sa kanilang pagbabalik.
agad naman tumungo si anton sa kaniyang opisina at tumawag ng pulong.
ilang sandali ay dumating na sa opisina niya sina; Borav, Gothen, Arthur, Arkisha, Leila, Tobi at Loi.
"maligayang pagbabalik panginoon.." bati ng lahat maliban lang kay arkisha at umupo na silang lahat.
"borav anong balita?" wika ni anton.
"sangayon ay epektibo ang propaganda natin na 'magsikap, para sa masaganang pamumuhay' malaki ang naging epekto nito lalo na sa mga tao na isinilang na alipin, sa paraan na ito ay nagkakaroon sila ng pagkakataon upang mapaganda ang kanilang pamumuhay.." wika ni borav at napatango ang lahat sa kaniyanh sinabi.
"tumaataas din ang bilang ng mga taong nakakabili ng sarili nilang tirahan kaya iniisip ko paano kung lahat ng mamamayan ay may sarili ng tirahan? at may sapat na ipon upang tustusan ang kanilang mga sarili, edi mawawalan na din sila ng dahilan upang magtrabaho.." wika ni borav at sumang ayon naman ang lahat sa kaniyang mga sinabi.
"huwag ka magalala tungkol sa bagay na iyan ay may naisip na akong sulusyon bago ko pa man isagawa ang ptopagandang iyan.. leila?" wika ni anton at tumingi kay leila.
tumayo si leila at nagsimula ng magsalita. "lahat ng matatanda ay nasa kalgitnaan na ng kanilang lesson at tulad po ng plano ay nagsagawa ako ng simpleng pagsusulit upang malaman kung sino ang nakakasabay at hindi nakakasabay sa aming lesson at mapagtuunan ko ng pansin ang mga taong ito.. sa ngayon hindi pa tapos ang ilang building na tinatayo para sa paaralan kaya naman nasa 500 katao lang kaya naming turuan at bukod pa dito ay kakaunti lang kaming guto at nais ko pa pong humingi ng mga tao na makakatulong sa amin.." wika ni leila at muli ng umupo tumango naman si roland.
"borav nais kong tulungan mo si leila na makahanap ng taong may kakayahang magturo.." wika ni anton at tumingin kay borav.
"masusunod panginoon.." wika ni borav at sabay yuko.
"gothen at arthur kamusta na ang assignment niyo?" wika ni anton at nabaling naman ang kaniyang atensyon sa direksyon ni gothen at arthut.
tumayo si gothen at umakyat sa lamesa.
"panginoon tagumpay ang iyong pinapagawa subalit, may ilang bagay lang akong binago.. ayon sa sinabi mo ang orihinal na revolver ay ginagamitan ng gunpowder, at nais mong baguhin namin ito at gumawa ng sariling bersyon ng revolver imbis na gunpowder ang gagamitin ay magic stones at mana.. dahil kakaunti lang ang alam naming mga dwarf sa magic stone humingi kami ng tulong sa mga elf, nung una ay nag-inscribed kami ng [Explosion] spell sa magic stone at ito ang ginawa naming bala
subalit nang pinagana na ang revolver gamit ang mana ay bigla itong sumabog at ilang beses pa itong nangyari.." wika ni gothen at bakasa sa kaniyang mukha ang hiya nagantay lang si anton ng susunod pang sasabihin ni gothen."kaya naman imbis na ang magic stone ang gawing bala ginawa namin na ang magic stone ang gawing revolver.." wika ni gothen at biglang pumasok sa isip ni anton ang dahilan.
[Itutuloy..]
BINABASA MO ANG
Imperium: Legend of Anton (Season 2)
FantasyContinuation of Emprium: Legend of Anton (Season 2) - Si Anton ay 25 years old, matapos mamatay sa isang aksidente ay nagtupuan nalamang niya ang kaniyang sarili na nasa isang lugar na nababalot ng liwanag (White Room) at sa lugar din ito ay nakila...