eleven // pjm's

59 6 1
                                    

napaka-kulit talaga nung gagong yun. maka-asta kala mo mas matanda siya sa akin.

Nakita ko naman si Jungkook papalapit sa akin.

"Pandak, tara na." tumayo na ako at naunang maglakad.

Sabi ng okay kang ako. Bwiset talaga, tangina.

"Alam kong bwiset ka na sa akin. Pero Jimin, kung nakita mo lang kanina habang nagda-dry run tayo halos mahimatay ka na."

"Please lang naman. Alagaan mo sarili mo. Okay?"

Napatigil naman ako sa paglakad.

"O-oh bakit? Nahihilo ka ba? May masakit?" nagaalalang tanong niya sa akin. At inalalayan ang dalawa kong balikat.

"O-okay lang ako." sabi ko. At inayos ang pagakakatayo ko.

Nagpatuloy lang kami sa paglakad papuntang clinic. At habang nasa corridor kami, lahat nang nadadaanan naming studyante ay nagsisimulang magsibulungan.

"President Park! Pinapapunta kayo ng Principal sa Office." salubong sa akin ni Mei. "Sige. Salamat, Mei." sabi ko at ngumiti.

Humarap naman ako kay Jimin. "Mauna na muna ako Jungkook. Okay lang talaga ko." sabi ko.

Nagulat naman ako nang pigilan niya ko at hinarang ang isa niyang braso sa dadaanan ko.

"T-tabi."

"Hindi." at sabay binuhat ako ng parang sako papuntang clinic.

"Gago ka! Ibaba mo ko Jeon!" pabulong na sigaw ko sa kanya. At bigla naman niyang pinali ang pwetan ko.

Napatakip naman ako ng bibig.

Shit, kink ko yun.

****

"Okay lang naman si Mr. Park. Kulang lang siya ng tulog at gutom. Mabuti na munang magpahinga siya dito. Makaidlip manlang. You should excuse him sa mga susunod niyang lectures, baka mahimatay siya pagnapagod ng sobra katawan niya." sabi nung clinic nurse kay Jungkook.

"Salamat, Ms. Shin."

Umupo naman si jungkook sa gilid ng clinic bed. "Narinig mo yun? Kulang ka daw sa tulog at gutom. Tandaan mo lagi kang mag breakfast, important meal of the day yun! Tsaka wag kang magpuyat masama yun, okay?"

Habang nagsasalita siya, nakatingin lang ako sa kanya.

Pamilyar ang mukha niya. Yung mga mata, labi, ilong.... parang nakilala ko na siya dati....

Nakaramdam naman ako ng kirot sa ulo. "Arrhhgg!" napakapit ako sa magkabilang gilid ng ulo ko.

"J-jimin? Okay ka lang?" sabi ni Jungkook.

"Kookoo-san! Dito!"

"Diminie! May sasakyan!"

Napamulat naman ako, "J-jimin?" nakita ko naman si Jungkook, mukhang alalang alala sa sitwasyon ko.

"Ayos ka lang? Matulog ka muna okay? Pupuntahan ko muna sa office si Principal Jung." sabi niya at umalis.

****

Nagising naman ako sa clinic room pa din. Mukhang napahaba idlip ko. Tiningnan ko naman ang orasan sa bandang taas ng pintuan.

2:51 pm.

Maaga pa naman.

Napatingin naman ako sa may bandang kaliwa ko, nakita ko si Jungkook. Tulog sa may sofa.

Ang cute niyang tingnan. Di siya cute Jimin, tandaan mo yan di siya cute. Hindi. Hindi.

Gusto ko na sana siyang gisingin pero bigla siyang onti onting dumilat kaya pinikit ko ulit mata ko at nagkunwaring tulog.

Naramdaman ko naman na may papalapit sa akin. Baka si Jungkook toh.

"Jimin... gising na. Uwian na natin." sabi niya. At mejo inalog ako.

"Mmmm." sagot ko.

Best actor award goes to.... Park Jimin! Sensya na Taehyung. Ako muna.

"Jimin..." ulit ni Jungkook.

Kaya dinilat ko ng onti yung mata ko. "H-huh? Anong oras na ba?" at kinusot pa ang kaliwang mata ko.

"10 to 3 na." sabi niya.

****

"Salamat ulit, Jungkook. Hinatid mo pa ko dito sa apartment ko. Nakakahiya." sabi ko at yumuko.

"Okay lang yun. Basta okay ka. Okay na rin ako." sabi niya ng seryoso.

"Corny mo."

"Kinilig ka naman."

"Feeling close ka na hah."

"Close naman talaga tayo hah?"

"Kelang nangyari yun?"

"Ngayon."

"Psh. Sige na uwi ka na. Mag gagabi na."

"Yieee, concern ka."

"Malamang, pag may nangyari sayong masama mamaya ako pa masisi kasi ako huling kasama mo."

"Oo na, eto na."

at nagsimula na siyang maglakad palayo.

Papasok na sana ko ng bahay,

"GOODNIGHT JIMINSSI!" rinig kong sigaw ni Jungkook.

Okay, i admi it. He's cute. Kind of...

Beautiful Angel | JikookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon