Malas. Sa tingin ko, may kakambal talaga akong malas. Kahapon lang ay naputikan ang damit ko. Ngayon naman, natapunan ako ng kape. Bwiset. Ano bang nagawa kong mali sa past life ko para mangyari sakin to?
"Hindi ka manlang ba magsosorry?"
Natigil ako sa pagpupunas ng damit ko dahil sa biglaang pagsasalita nung lalaking nakatapon ng kape.
"Why would I? Ikaw na nga itong nakatapon ng kape sakin, ako pa ang magsosorry?"
"At nakakasagot ka pa? Kasalanan ko bang pahara hara ka sa daanan kaya ka natapunan?"
"Mister, you don't walk in the hallway without looking where you're going. Hindi tama na kung saan saan ka tumitingin habang may hawak kang kape and now you're blaming me for bumping into you?"
"You know I wasn't looking so bakit hindi ka umiwas?"
"Blind spot yung kantong ito. How would I know you're coming?"
"How would I know you're coming too?"
Napabuga na lang ako ng hangin. Fine. We're both wrong.
"Okay, we're both wrong. So let's get this over with."
"Good, kasi inuubos mo ang oras ko. Now get me a new cup of coffee."
Kaagad tumaas ang kilay ko dahil sa narinig. Ano bang mali sa lalaking to? Hindi ba siya makakakuha ng sarili niyang kape?
"JP, you should stop."
"It's none of your business, Ron."
"I saw what happened, JP. And it's not nice of you to make her get you a new coffee. Man up, go get it yourself."
"Magkakilala kayo ng bwiset na 'to?" I asked Ron pointing the jerk.
"Hey. Don't address me like that! I have my name and it's not bwiset!"
"Well today I call you bwiset." Nginitian ko siya at ang bwiset mukhang bwiset na bwiset. HAHAHA.
"Stop it, you two."
"Kendi, you should go. Dumaan ka sa clinic para matingnan yan. And you buddy, let's go somewhere peaceful. Sumasakit ang ulo ko sa mga tao dito."
Inakbayan niya yung bwiset na lalaki bago sila tuluyang mawala sa paningin ko. At kagaya ng sinabi ni Ron, dumaan ako sa clinic para mapatingnan ang paso ko.
Tanghali na pero dahil nakalimutan kong magdala ng lunch ko, mukhang mapapasubo ang pera ko sa mahal ng tindahin sa cafeteria.
Kagaya ng inaasahan, isang sandwich at juice lang ang nabili ko. Ayoko namang gastusin yung ipon ko. Mabubusog naman siguro ako dito. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay nadulas na ako. BAKIT WALANG NAKALAGAY NA BABALA? At bakit nangalahati na yung juice ko eh hindi naman sakin natapon at hindi rin naman sa sahig?
"Gumaganti ka ba?"
Shivers. Malakas ang pakiramdam ko na delikado ang buhay ko sa tono palang ng boses niya.
"Sorry po, sorry. Hindi ko naman sinasa.." mabilis akong tumayo at tiningnan ang natapunan ko ng juice pero mukhang bad choice yun. "..dya."
Bakit sa lahat ng tao, eh yung bwiset pa? Napatunayan ko tuloy sa sarili ko na talagang malas nga ako!
Hindi siya nagsalita, imbes ay kinaladkad niya ako palabas ng cafeteria.
"Saan mo ako dadalhin!? Bitiwan mo nga ako!" Sinubukan kong pumiglas pero ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.
"Shut up and stop what you're doing cause you'll hurt yourself but I won't give a fuck."
Dahil tama siya, nagpahila na lang ako. Humahapdi narin kasi yung braso ko. Akala ko nga luluwagan niya yung pagkakahawak niya pero nagkamali ako dahil mas hinigpitan niya pa ito.
Nang makasakay kami parehas sa sasakyan niya ay kaagad akong nag explain. Baka kasi kung saan niya pa ako dalhin, mabuting andidito pa lang kami ay maayos na ang lahat ng makaalis narin ako sa sasakyan niya.
"Mister bwiset sa buhay ko, hindi ko naman sinasadya na matapunan ka ng juice. Nadulas lang ako at nagkataon na nasa likuran kita at sayo napunta yung juice."
"Wala akong pakialam sa eksplanasyon mo. You better keep silent before I shut it close myself."
"At ano namang gagawin mo aber? Lalagyan ng tape yung bibig ko? Or lalagyan mo ng super glue?"
"Nope, I have my way of shutting nosy girls' mouth."
"Okay, sabi mo eh. Pero hindi mo naman siguro ako papatayin diba? Hindi ka naman siguro killer? Hindi mo naman yun gagawin para matahimik na ako habang buhay diba?"
Ewan ko kung saan ko nakukuha yung mga ideas ko pero magaling na yung sigurado.
Sinamaan niya ako ng tingin bago hilahin ang braso ko at sinimulang halikan. HINDI BASTA PAGLAPAT NG LABI KASI GUMAGALAW ANG LABI NG HUDYO!
"Now you finally shut up."
Napatulala na lang ako kasi bwiset siya! Paano niya nagawa yun sa labi ko?! Hindi na tuloy virgin ang labi ko ng dahil sa kanya! Isa siyang.. isa siyang.. uhm, kuto! Tama. Isa siyang kuto sa lipunan! Pasalamat siya at hindi ako makareklamo dahil baka ulitin nanaman niya!
Tahimik akong nanonood ng mga establishimentong nadadaanan namin ng bigla siyang magpreno at muntik na akong mauntog!
"Ano ba! Gusto mo bang mabagok yung ulo ko!? Bigla bigla ka na lang pumempreno diyan! Marunong ka bang magmaneho!?"
Sinamaan nanaman niya ako ng tingin bago niya iniscan ang kalagayan ko ng tumigil iyon sa dibdib ko.
"Bastos! Saan ka tumitingin ha!? Bastos ka! Bastos!"
Hahampasin ko sana siya pero mabilis ang hudyo at nasangga ang kamay ko. Kaagad niya iyong hinila at dahil doon ay napalapit nanaman ang mukha ko sa kanya. That gave him a chance to kiss me again!
KAILANGAN KO NG HOLY WATER! NOW NA! Yan ang tumakbo sa isipan ko ng pakawalan niya ako.
"Next time, wear your seatbelt. Hindi yan nanjan para maging disenyo lang. And next time, learn to open your mouth so I could kiss you deeper." Kinindatan niya ako bago muling pinaandar ang sasakyan.
Bwiset ka! Hindi ka lang asungot, bastos ka pa! Pasalamat ka hindi ako makareklamo sa kabastusan mo kung hindi eh mahahalikan mo nanaman ako! MAKAKABAWI RIN AKO SAYONG BWISET KA!
BINABASA MO ANG
He's a Bad Boy
Romantizm(Temporarily on hold) Editing What happens when a snobbish jerk with a very rough attitude grew in love with a simple girl who's living with her younger sister and a mother with a rough attitude towards her?