Ang aga aga sira na yung araw ko. Paano ba naman kahapon, matapos lapastanganin ng bwiset na yun ang labi ko, pinalabahan niya sakin ang damit niya. Bwiset ang hudyo! Ang daming katulong sa bahay pero ako pa ang pinaglaba! At habang nagdedebate kami dahil may kasalanan din naman siya sa akin, INAKIT PA AKO! Sinasabi niyang tutal naman daw parehas nadumihan yung damit namin, bakit hindi ko rin hubarin ang damit ko? Pero kung ayaw ko naman daw ay siya na lang ang mag huhubad sa akin! Bastos talaga ang bwiset! Pero sinong niloko niya? Malamang hindi ako! Dahil hindi ako madadala sa pang aasar niya. Mabuti na lang din at hindi na niya ako hinalikan pa nang magtalo kami dahil baka naihampas ko sa ulo niya yung malaking vase sa bahay nila. Pero dahil isa talaga siyang nabubuhay na kulugo. Kahit ngayong umaga ay binibwiset niya parin ako! Maluwag na yata ang turnilyo ng isang yun, samantalang napakasuplado niya nung una!
"Isn't it too early for you to frown like that?"
"Ay nako, Ron. Yung bwiset mong kaibigan ayaw akong tantanan! Sinisira niya ang napakaganda at peaceful kong pamumuhay dito sa planetang Earth!"
"Bakit? Saang planeta ka pa ba nakatira at dito ka lang sa earth naninirahan ng tahimik?"
"Sa planeta ng mga Dyosa. Oh, ayan nanaman siya! Jusko, Ron. Ilayo layo mo ako sa lalaking yan baka isakay ko na yan sa kariton at ipadala sa ibang planeta!"
Hindi na matigil sa kakatawa si Ron sa tabi ko. Habang hindi rin matanggal tanggal ang kunot sa noo ko. Tumataas ang altapresyon ko sa dalawang ito! Kaya naman iniwan ko na si Ron bago pa man makalapit ang hudyo sa aming dalawa.
Sunod sunod ang kamalasan ko ngayong nagdaang araw, hindi ko alam kung anong meron pero sawang sawa na ako. Naulanan pa ako kahapon pag uwi ko sa apartment at para akong basang sisiw noon! Idagdag mo pa ang sira ulong hudyo at baliw kong kaibigan. Sumasakit na ang ulo ko at gusto ko na lang umuwi at magpahinga. Pero hindi, may trabaho pa akong kailangang puntahan kaya heto ako't naglalakad papunta sa restaurant na pinagtatrabahuan ko.
Isang pamilyar na sasakyan ang tumigil sa gilid ko at dahil masakit ang ulo ko, pinagsawalang bahala ko na lang ito. Malay ko ba kung sino ang sakay nun.
"Kendi!"
Kaagad kong nilingon kung saan nanggaling ang boses na naging dahilan para mahilo ako ng bahagya.
"Okay ka lang?" Kaagad lumapit si Ron sa akin dahil napaupo na ako sa sidewalk. Hindi ko siya nakikita ng maayos dahil blurry na ang paningin ko pero kilala ko ang boses niya kaya sigurado akong si Ron iyon.
"Sure ka ba? You don't look okay to me.."
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil sobrang sakit ng ulo ko at pakiramdam ko wala na akong lakas.
"Manang naman eh! Wag ka ngang maingay, magigising na siya sa ingay natin!"
"Ay pasensya ka na iho.. pero, hindi mo ba talaga siya gerlpren?"
"Manang.."
May mga boses akong naririnig pero hindi ko kayang imulat ang mga mata ko kaya naman hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin.
Nagising ako na magaan na ang pakiramdam. Dahil siguro sa ulan kahapon kaya sumakit ng sobra ang ulo ko.
"Mabuti naman at gising ka na."
Kaagad akong lumingon sa gilid kung saan nakaupo si Ron sa isang couch.
"Teka, anong ginagawa mo sa.." inilibot ko ang mata ko sa paligid at napagtantong hindi ko ito kwarto! "..this isn't my room! Nasaan ako!? And my clothes!"
"Kumalma ka, Kendi. You're inside my room at ang mga damit mo ay nakay manang dahil basang basa ka ng pawis kanina kaya napagdesisyunan kong papalitan ka ng damit kay manang Lourdes."
"A-anong oras na?"
"It's already past midnight kaya kung ako sayo ay matutulog na lang ulit ako. Mamayang umaga na kita ihahatid sa bahay mo. Wait, may klase ka ba ng Saturday?"
"Wala, weekdays lang ang schedule ko."
"Good. Ihahatid na kita mamayang umaga. Sa ngayon, matulog ka na."
"Teka, ano bang nangyari? Bakit hindi ko maalala na nakarating ako sa bahay mo?"
"Aaah. Kasi nawalan ka ng malay kanina. Sobrang taas ng lagnat mo and since wala akong idea kung saan ka nakatira dito na lang kita dinala sa bahay ko."
"Uhm, okay. Thank you, Ron."
"Sus, maliit na bagay."
Mahihiga na sana siya sa isang mahabang sofa sa kwarto niya ng may nagbukas ng pinto.
"Iho! Anong ginagawa mo rito?"
"Manang, bakit gising pa po kayo? At isa pa, kwarto ko po ito. Saan niyo ako ineexpect na matulog?"
"Ikaw na bata ka, may iba namang kwarto rito sa bahay niyo ay ba't hindi ka roon matulog? Alam mo ba noong kapanahunan ko ay bawal matulog ng magkasama ang binata't dalaga lalo na't hindi pa naman kayo mag asawa at magkasintahan pa lamang kayo!"
"Manang, hindi ko nga po siya girlfriend."
"Isa pa iyan! Hindi mo naman kasintahan ay magsasama kayo sa iisang silid? Nako, yang mga edad ninyo ay madaling matukso! Ay kung matukso nga kayo? Ay mabuti pang pakasalan mo na itong dalagang ito!"
"Tsk! Si manang naman eh. Parang hindi niyo ako kilala, hindi ko naman po magagawa yang sinasabi niyo."
"Alam kong napakabait mong bata pero iho, mga bata pa kayo. Hindi maganda sa mata ng ibang tao na matutulog kayo sa iisang silid. Hala sige, tumayo ka na diyan at lumipat ka ng ibang silid."
Walang nagawa si Ron kung hindi lumabas ng kwarto. Si manang naman ay binigyan ako ng malapad ng ngiti bago tuluyang lumabas ng silid.
BINABASA MO ANG
He's a Bad Boy
Romance(Temporarily on hold) Editing What happens when a snobbish jerk with a very rough attitude grew in love with a simple girl who's living with her younger sister and a mother with a rough attitude towards her?