Dumarami na ang mga pumapasok na customer kaya naman hindi kami magkanda ugaga sa gagawin. Kahit na ang sakit sakit na ng paa ko ay patuloy parin ako sa pagkuha ng order at pagseserve. Pero natigilan ako ng may pumigil sa braso ko.
"You're starving me. Bakit ang tagal ng order ko?" Kunot noo niyang singhal sa akin but I did not focus on his forehead, mas napansin ko ang pagpout niya. Slight movement of his lips lang yon! Parang hindi sinasadya na magpout siya pero BAKIT ANG GWAPO NG DATING SAKIN?! Naghahallucinate na yata ako sa sobrang pagod!
"Are you listening?" Singhal niyang muli. Nako, pasalamat ka talagang kulugo ka dahil pogi--este.. customer ka ngayon!
"I'm really sorry. Balikan ko na lang po kayo later, kunin ko lang po yung order nung isang customer then I'll check kung okay na po yung order niyo. Is that okay, sir?"
"No." Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa braso ko. "You go check if my order is done then you can get your other customer's order."
"But--"
"Gusto mo bang ireklamo kita sa manager ng restaurant na ito?"
Sinamaan ko siya ng tingin. At sinigurado kong nakita niya iyon bago muling bumalik ang ngiti sa labi ko.
"Okay, I'll do what you've said. Excuse me, Sir." I harshly pulled my arm away from him bago ko siya tinalikuran. Kainis talaga ang kulugong yun! Kapag naubos talaga yung pasensya ko ay mahahampas ko siya ng bakya, makikita niya!
Nang maibigay ko ang order ng mahal na hari ay kaagad kong nilapitan ang ibang customer. At sa kasamaang palad ay may isang mayabang na customer ang tumawag sa akin.
"Hoy, halika rito. Bakit hindi mo kinukuha ang order ko ha?"
"Pasensya na po, sir. Ano po bang order niyo?"
"Katulad nung kanya!" Sigaw niya sabay turo kay.. sungit?! Ba't di ko manlang napansin na nasa iisang table lang sila? At kelan pa dumating ang mayabang na customer na ito?
"Okay po. Yun lang po ba?"
Tumango lang siya habang nakatingin sa manyak na kulugong si JP. Hindi kaya bading ang mayabang na ito? Grabe kasi makatingin kay JP eh. Parang ano.. uhm.
"Ano pang ginagawa mo jan? Alis!" Sigaw niya sa akin ng mapansin na nakatayo parin ako sa harap nila. Kaagad naman akong umalis ng makahingi ng pasensya. Sorry na. Eh sa nacurious ako eh.
Pasado alas nuebe na at malapit na akong mag out. Compare kanin na sobrang dami ng customer, ngayon ay medyo nabawasan na. Kaya naman nagkameron ako ng pagkakataon na makapaglinis ng mga mesa. Tulong na rin sa mga katrabaho ko na kagaya ko ay pagod na pagod na.
"Hoy, miss waitress na kumuha ng order ko kanina! Halika rito." Tawag nung mayabang na customer na nakatingin sa gawi ko.
"Ako po?"
"Yes! You stupid.. bilis!"
Kaagad akong lumapit kahit na nanggigigil na akong sakalin siya. Aba! Sinong nagbigay sa kanya ng karapatan na tawagin akong stupid!? Kung sakalin ko kaya siya ng matauhan siya!?
"I want another bottle of this wine."
"Sir, kanina pa po kayong nag-iinom. I don't think makakauwi pa kayo kung iinom po ulit kayo."
Feeling niya yata kasi ay juice yung iniinom niya. Jusmiyo.
"Wala akong pakialam! Now go and get me another bottle!" Bulyaw niya sa akin. Medyo naka agaw pansin ang pagsigaw niyang iyon. Kaagad akong lumingon kay sungit para matulungan niya ako pero tinitigan niya lang ako. At doon ko napansin na medyo mapula ang pisngi niya.
"Uminom ka rin ba?" Tanong ko sa kanya. Kaagad naman siyang tumango at may kasama pang pout! Aaaah! Bakit ang cute na ang pogi ng tingin ko sa kanya ngayon?!
"I had no choice."
"Kaya mo pa bang mag drive?"
Tumango lang siya habang nakatingin sa akin at may kasama nanamang pout! Susmiyo! Malapit ko na siyang itago sa bag sa ka-cute-an niya ngayon kung hindi ko lang alam ang ugali niya!
"Teka nga, teka.. bakit ang lambing mo sa kanya? Ha? Ang unfair mo naman eh! Ba't sakin di ka naman ganyan?!" Sigaw nung mayabang na lalaki.
"Bakit? Magakakilala ba kayo?" Tanong naman kaagad ni sungit.
"Hindi! Pero kahit na! Hoy, stupid. Akin na yung hinihingi ko!"
"Ayoko nga! Alas dies na, ibig sabihin time ko na para mag out. Kaya kayo, magsi-uwi narin kayo!"
"Ayoko! Bakit ako makikinig sayo? Eh stupid ka! Stupid!"
"Hoy! Isa pang stupid mo sasakalin na talaga kita!"
"Ishtuuuuupid!"
Alam niyo yung gigil na gigil ka na pero pilit mong pinipigilan yung sarili mo sa kung ano mang pwede mong gawin? Kasi ganung ganun yung sitwasyon ko ngayon eh.
"Gusto mo bang basagin ko itong mga boteng ito sa ulo mo? Ha?"
"Hindi. Eto na nga oh. Stop na ako. Stop na." Sabi niya sabay tungo.
"Oh siya, magbill out na kayo at nang makauwi narin kayo."
Nang makitang tumango ito ay naglakad na ako papalapit sa counter.
"Pare, kaya mo pa bang magdrive? Ako kasi hindi na eh." Rinig kong tanong nung mayabang kay sungit pero hindi sumagot si sungit kaya naman napalingon ako at nakitang naka-ubob na ito sa lamesa habang yung mayabang naman ay nakatungo na.
Jusko. Sakit talaga sa ulo ang mga walangya!
"Hoy, mayabang. Eto na yung bill niyo."
Kaagad niyang binuklat iyon at naglabas ng pera.
"Oh ayan na. Shoopi! Panira ka sa tulog ko."
"Mister, hindi ka dapat natutulog dito! Umuwi na nga kayo! Tss." Tinalikuran ko sila para iabot sa counter ang bayad at kaagad silang binalikan doon sa table.
"Sungit, may driver ba kayo? Magpasundo ka na lang kaya? Feeling ko kasi hindi mo na kayang magdrive pa."
Inalog alog ko yung balikat niya dahil naka ubob parin siya.
"Call him, then."
"At bakit naman ako? Excuse me, wala akong number ng driver mo at wala rin akong pantawag!"
"Tsk!" Kaagad niyang ibinangon ang sarili at kinuha ang cellphone sa bulsa bago ibinigay sa akin at muling umobob.
"Uh.. passcode?"
"Tsk!" Kahit nakaubob ay hinablot niya sa kamay ko ang cellphone niya at iniscan ang daliri.
Oh edi sige. Ikaw na! Ikaw na ang dakilang tamad! Isa ka talagang kulugo! Sarap mong iuntog sa pader at baka mabawasan ang pagkabwiset ko sayo. Hmp!
(Note: CHAPTERS AFTER THIS ARE YET TO BE EDITED. EXPECT CHILDISH STORY LINE. LOL.)

BINABASA MO ANG
He's a Bad Boy
Romance(Temporarily on hold) Editing What happens when a snobbish jerk with a very rough attitude grew in love with a simple girl who's living with her younger sister and a mother with a rough attitude towards her?