Thirty minutes late yung prof namin, pero dahil valid naman yung reason ng pagkalate niya ay nagpatuloy ang klase namin.
"Listen, everyone. We will ba having a paired activity. Kayo ng bahala kung anong gusto niyong topic, as long as it is related to this subject. I already have the names of each pairs. Ako na ang pumili since malaki ang possibility na magkagulo kayo. So like it or not, you and your partner should cooperate with each other. So yung pair na mababanggit ko, please sit next to each other. Sa ngayon, all of you, stand up at pumunta kayo doon sa likod."
Isa isa niyang binanggit ang mga pares at isa isa rin silang nagsi-upo. Honestly, okay lang naman sakin kung sino ang makapartner ko eh. Wag lang sana akong bigyan ng sakit sa ulo, okay lang. Anim na lang kaming hindi pa nababanggit. Goodness, sana hindi yung kulugong manyak ang makapares ko! Bakit kasi kailangan na opposite gender ang kapares eh! Kinakabahan tuloy ako.
"Next, Lee and Roqo.."
Todo ngiti yung babaeng katabi ko. Kulang na nga lang ay kaladkarin niya yung partner niya eh. Sino ba yung Lee? Parang sa tatlong lalaking natitira dito sa likuran ay itong kulugong ito ang pinakamaitsura.
"Oh! I'm sorry. It's Lee and Reyes pala." Kaagad akong nagstep forward at laking gulat ko ng akbayan ako ng isang kulugo!
"Hey partner! Can't wait to spend lots of time with you." Kinindatan niya ako bago ibaba ang tingin sa labi ko.
BASTOS! Isa talaga siyang kulugo!
"Hey, you two." Tawag ng guro sa aming dalawa habang gine-gesture na maupo na kaming dalawa.
Bakit ang malas ko lang?
"Okay, since we still have few minutes before the class ends, ibibigay ko sa inyo ang oras na ito para pag-usapan ang gagawin niyo. I'm hoping to see creative presentations since mahaba haba ang oras na ibibigay ko sa inyo. I'll see you by the end of the month."
Nagsimula ng magligpit ng gamit yung professor namin pero wala atang balak na magsalita ang ka-partner ko.
"Oh! Next week pala imi-meet ko kayo to give you your hand-outs para sa susunod nating topic. And by the way, yung grade na makukuha niyo ng partner mo ang magiging grade niyo for prelims, okay? Bye!" Kaagad itong umalis.
"Sungit, may naiisip ka bang topic?"
Tinitigan niya lang ako with boredom plastered in his smug face.
"Sa tagal mong nakatulala diyan, wala ka pading naiisip?"
"Bakit? Meron ka narin ba?"
"Wala, sinabi ko na bang may naisip na ako?"
Inirapan lang ako ng hudyo bago ibalik ang atensyon sa kanyang cellphone. Ugh. Sarap niya talagang sakalin eh no?
Hanggang sa naghiwalay kaming dalawa na wala manlang naisip na ideya. Eto yung pinaka ayaw ko sa lahat eh. Presentation tapos may kapartner ka pang asungot! Nakakapang-gigil lang.Alas kwatro ng hapon natapos ang huli kong klase at paglabas ko ng gate ay tumigil ang isang itim na sasakyan sa tapat ko at lumabas ang isang kulugo kaya naman napairap nalang ako sa kawalan.
"Hop in."
"Bakit ko naman gagawin yun?"
"Kasi sinabi ko."
"Boss ba kita? Ha?"
"Do you want to do the presentation alone?"
Biglang nagchange yung facial expression ko. From monsterous to angelic.
"Alam mo, gusto ko talaga samahan ka kung saan ka man pupunta, pero kasi may trabaho pa akong naghihintay sa akin."
"Mas mahalaga ba yang trabaho mo kesa sa grades mo?"
"Well, duh. Obviously naman na equally important silang dalawa sa akin. Just so you know, kailangan kong magtrabaho for my expenses. Hindi kagaya mo na nakukuha ang anumang luhong gusto mo in just a snap. Sa akin, kailangan kong paghirapan ang lahat for me to live in this cruel world."
"You don't have to blabber that much. Anong klaseng lugar naman ang pinagtatrabahuan mo?"
"Restaurant."
"Okay, since I want to eat something, I'll be nice with you just this once. Saang area yung restaurant na yun? You can hop in my car and guide me there."
At dahil narin sa mabait ako ay sumakay ako sa sasakyan niya at itinuro ang daan papunta sa restaurant na pinagtatrabahuan ko. Malapit lang naman siya sa school eh. Mga 15 minutes away lang.
"Humanap ka na lang ng mauupuan mo. Kailangan ko pang magpalit kaya mauuna na ako sayo." Kaagad akong bumaba sa sasakyan at nagmadaling pumasok sa isang pintuan na tanging mga empleyado lamang ang pwedeng dumaan.
"Kendi, pwede bang ikaw na muna ang kumuha ng mga order? Wala kasing nakapwesto sa receiving area. Walang mag gaguide sa mga customer kaya ako muna ang pupwesto." Ani ng kaibigan at katrabaho kong si Cheche.
"Sure, walang problema."
Kaagad akong lumabas para mapuntahan ang mga bagong dating na customer ng pigilan ako ng isang unwanted creature.
"No one's getting my order. What kind of restaurant is this?"
"I'm really sorry, sir. Ano po bang order ninyo?"
"Uhm.." saka palang siya nagbuklat ng menu.
"Call me na lang sir kapag meron na kayong order. Kukunin ko lang po yung order ng iba."
Nang makita ko ang pagtango niya ay mabilis kong nilapitan ang isang table.
"Miss, I'll take this one and this one too. And by the way, ano ito?"
"Ah, sir yan po ay rice na niluto inside a bamboo. Would you like to add this one too?"
"Sure, sure."
"What about drinks, sir?"
"Anong available drinks niyo?"
Binuklat ko ang menung nasa harapan ng customer at ipinikita ang listahan ng mga inooffer naming inumin.
"All of those are available except these two, sir."
"Oh, okay. Honey, which one do you like?"
"Strawberry milkshake."
"What about wine?"
"Uhm, available lang po ang wine at 6 pm onwards."
"Oh. Okay, then I'll have orange juice na lang."
Muli kong binaggit ang mga order nila at ng makumpirma ay kaagad akong pumunta sa kusina para ibigay ang listahan ng order.
"Took you long enough to take orders."
Nginitian ko ang asungot ng tumapat ako sa table niya.
"Sorry po about that, sir."
Gustong gusto ko sanang idagdag na..'bakit hindi ka na lang tumawag ng ibang waitress o waiter para kumuha ng order mo?' Kaso wag na. Customer siya at empleyado ako ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/1433766-288-k9636.jpg)
BINABASA MO ANG
He's a Bad Boy
Romance(Temporarily on hold) Editing What happens when a snobbish jerk with a very rough attitude grew in love with a simple girl who's living with her younger sister and a mother with a rough attitude towards her?