"Hey, hindi ka ba nahihilo sa pag-aaral mo? You seriously need a break. I know your reasons but still, give yourself a little rest. At isa pa, bakit ang dumi ng uniform mo? Naligo ka ba sa putikan?"
"Ang dami mo kaagad nasabi." Inirapan ko siya bago isara ang binabasang libro.
"You did not answer my question."
"Alam mo Ron, may mga tao kasi talaga na bastos, sila na yung may kasalanan, sila pa yung galit."
"Could you tell me what happened kasi hindi kita maintindihan."
"Naglalakad kasi ako kanina papunta dito sa school nang may dumaang sasakyan, hindi naman kasi ako dapat matatalsikan ng putik pero yung mga babaeng dapat matatalsikan ay ginawa akong panangga. But it didn't end there kasi yung mga babae nilapitan yung sasakyan na tumigil matapos ang insidente, the driver stopped maybe to check if I'm alright. The thing is, nagreklamo yung mga babae but when they saw who the driver is bigla silang nagtransform from monsters to darlings. At sa akin nila ibinunton yung galit nila sa driver matapos itong makaalis."
"Kawawa ka naman pala talaga."
Pero imbes na i-comfort ako ay tinawanan niya pa ako. Bwiset. Normal ba ang isang 'to? Bakit ko nga ba siya kinaibigan?
"Anyway, wala ka bang extra clothes sa locker?"
"Wala."
"Anong silbi ng locker mo kung ganun?"
"Lalagyan ng libro."
Napailing iling na lang siya sa sinabi ko bago basahin ang mensahe na natanggap sa kanyang cellphone.
"I think magkaklase tayo sa susunod mong subject, reserve a seat for me okay? May pupuntahan lang ako." And he dashes out before I could even answer. Hay buhay, ano bang klaseng kaibigan itong kinaibigan ko?
Nang makarating ako sa classroom ay kakaunti pa lang ang tao sa loob kaya naman mabilis akong nakahanap ng mauupuan. Malapit sa bintana para kung sakaling antukin ako ay may iba akong matitingnan. I don't usually sleep in class pero hindi ko kasi talaga gusto ang subject na ito.
Habang nagbabasa ng libro ay may kumalabit sa akin.
"Hey, nag-aaral ka nanaman?" From its voice ay kaagad ko ng nakilala kung sino kaya hindi na ako nag abala pang tingnan ito.
"Yup, naging prof ko na noon si Ms. Villareal and for sure may pop up quiz yan. She likes to give surprise exams kaya kung ako sayo sisimulan ko ng mag advance reading."
"Kakasimula pa lang ng klase natin sa kanya ah? Ni isang chapter pa nga lang natuturo niya."
"That's how she test her students. Inaalam niya kung may pakialam ka ba sa subject niya. Wala man siyang pakialam kung anong ginagawa mo kapag nagkaklase siya pero may pakialam siya sa utak mo."
I heard him sigh. At ng lingunin ko siya ay nagbabasa na din siya ng libro.
Hindi nagbigay ng quiz si Ms. Villareal pero isa isa niya kaming tinanong. Which I really hate kasi humiliating kapag hindi mo nasagot yung tanong niya.
"Thank you for saving my ego. Kung hindi mo ako pinilit mag-aral baka wala na akong mukhang maihaharap." Ron whisphered ng tumalikod si Ms. Villareal para magsulat.
"No problemo."
"Any plans for later?"
"Meron. Bakit?"
"Aw, I'm planning to ask you if you could join me sa family gathering namin mamaya."
"Bangag ka ba? Why would you want me to go with you eh family gathering yung pupuntahan mo?"
"Narealize ko kasi na ang boring pala ng mga pinsan ko. Mas fun ang buhay kapag kasama ka." He smiled and winked at me.
"Landi mo ha?"
We giggled.
"Hindi nga, seryoso ako. At isa pa, my cousins always bring their friends with them so parang di rin naman siya family gathering. So ano? Pwede ka ba? Para naman hindi boring ang buhay mo."
"Sus. Nagdahilan ka pa, alam ko namang boring ang buhay mo kaya gusto mong isama ako. At isa pa, may trabaho pa akong pupuntahan. Maghanap ka na lang ng iba na pwede mong isama tutal sa landi mong yan siguradong may iba ka pang mga kaibigan bukod sakin."
"Grabe ka naman, iba yung malandi sa friendly. Friendly ako, okay? Sayo lang naman ako lumalandi." Tinawanan nanaman niya ako ng nakita niya ang pag irap ko sa kanya.
Feeling ko talaga baliw to eh. Ayaw niya lang aminin pero nararamdaman ko talaga.
"Hindi ko pa pala nahihingi number mo, will you mind if I ask?"
"Nope, tutal wala naman akong cellphone."
"Seryoso ka ba?" He gasped.
"Yup. Wala akong time para bumili eh, marami akong bayarin sa buhay so hindi ako bumibili. Gastos pa kasi ang pagbili at pagpapaload."
"Ibang klase ka talaga. Hindi mo ba alam na for safety and emergency purposes ang cellphone?"
"Eh wala nga kasi akong time and money for that. Paano ako bibili ng cellphone kung pangbayad nga sa renta kailangan ko pa ng dugo't pawis para makabayad?"
"May klase ka pa ba after this?"
"Wala na."
"Good, samahan mo ako mamaya sa parking area."
"Bakit naman?"
Hindi niya ako sinagot kaya naman naghintay na lang ako na matapos ang klase. Luckily, maagang nagdismiss si Ms. Villareal.
"Ano ba kasi yun? Pagbubuhatin mo ba ako ng mabigat? Kasi ngayon pa lang magsosorry na ako sayo, hindi ako malakas."
"Hindi. Ano ka ba? Kita mo 'tong macho kong katawan? Anong silbi ng pag gi-gym ko kung hindi ko kaya buhatin ang cellphone diba?"
"Sus, naiwan mo lang pala yung cellphone mo kailangan pa kitang samahan? Gusto mo lang ata akong painitan eh."
"Bakit? Ikaw lang ba naiinitan?"
Inirapan ko na lang siya pero ilang saglit lang ay tumigil na siya sa paglalakad at binuksan ang magara niyang sasakyan. Oh edi sige na, pinanganak na nga siyang mayaman.
"Oh ayan, gamitin mo hanggang sa makabili ka ng sarili mong cellphone. Wag kang mag-alala, hindi ko nanaman yan nagagamit eh at saka eto yung charger niyan."
Iniabot niya sa akin ang isang touch screen na cellphone.
"Paano kung hindi ako makabili?"
"Edi ikaw magpapatunay na may forever. HAHAHAHA."
"Baliw. Pero salamat." Tinalikuran ko na siya ng magsalita siya ulit.
"Hindi ka ba magpapaturo?"
"Hindi na. May knowledge naman ako sa paggamit ng ganito noh."
"Talaga ba? Paano?"
"Sa katrabaho ko. Sa kanya kasi ako humihiram ng cellphone para macontact ko ang kapatid ko."
"Ah ganoon ba? Sige, ingat ka."
Nginitian ko na lang siya bago muling talikuran at naglakad palayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/1433766-288-k9636.jpg)
BINABASA MO ANG
He's a Bad Boy
Romance(Temporarily on hold) Editing What happens when a snobbish jerk with a very rough attitude grew in love with a simple girl who's living with her younger sister and a mother with a rough attitude towards her?