chapter 1

2.1K 24 11
                                    

"Ate!" A little girl run towards me. At dahil sa pagmamadali nito, bigla itong nadapa.

"Okay ka lang ba?" Tinulungan ko siyang tumayo at pinagpagan ang palda nitong medyo nagabukan.

"Ate, tingnan mo!" Masigla nitong ipinakita ang isang pirasong papel na medyo nalukot na dahil sa pagkakadapa nito.

"Wow! Ang galing mo talaga Angely. Siguradong matutuwa si mama kapag nakita niya yan."

Mas lalong lumawak ang ngiti ng bata at tinitigan ang kanyang papel na mayroong tatak na 'Excellent!'

"Ang galing mo kasing magturo ate eh!"

Muli akong napangiti ng makita ang masayang mukha ni Angely ngunit nawala ito kaagad nang narinig ko ang sigaw ni mama mula sa kusina.

"Hoy Kendi! Bakit ang kalat kalat dito?! Di ba sinabi ko sayong maglinis ka ng bahay?"

Kaagad akong tumayo at nilapitan si mama.

"Sorry po, mama. Narinig ko po kasi ang tawag ni Angely kaya tumigil po ako sa paglilinis."

Sisigawan pa sana ako ni mama pero kaagad siyang nilapitan ni Angely at ipinakita ang marka nito. Kung gaano kabilis mag init ang ulo ni mama sa akin ay ganoon din kabilis mawala ang galit nito kapag nakikita si Angely.

For the last few years, ganito ang eksena sa bahay at hanggang ngayon, wala paring pagbabago sa trato sa akin ng nanay ko. She abhor me so much to the extent na hinayaan niya akong umalis sa bahay. Kung sabagay, isa lang naman akong pabigat para sa kanya.

"Ate?" Rinig kong tawag ni Angely na nakapag balik ng atensyon ko sa kanya.

"Okay ka lang ba ate? Mukhang pagod na pagod ka na eh. Gusto mo bang magpahinga muna?"

"Ha? Hindi, okay lang ako. Ano ka ba? Minsan na nga lang tayo magkasama eh. Syempre susulitin ko na to." I gave her an assuring smile.

"Ate, wag mo na kasing pinapagod ang sarili mo sa pagtatrabaho. Pwede naman kitang tulungan eh. Malaki na ang kinikita ko."

"Ano ka ba! Okay nga lang ako. Isa pa, matanda na ako, kaya ko na to. Malapit na akong magtapos sa pag-aaral kaya mas kailangan kong pag igihan ang pagtatrabaho."

"At mas kailangan mo ang tulong ko."

"Angely naman eh." Napakamot na lang ako sa batok ko.

Simula ng umalis ako sa bahay, natuto akong maging independent. Kailanman, hindi ako umasa sa pera ni mama o ni Angely. Ginusto kong umalis kaya kailangan kong panindigan ang desisyon ko. Masaya ako para kay Angely dahil natupad niya ang pangarap niya. Isa na siya ngayong sikat na model, malaki ang sweldo at kayang bilhin kung ano mang naisin niya.

"Hala! Nakalimutan ko, sorry ate. May contract signing ako ngayon kaya kelangan ko ng umalis. Sorry talaga ate. Promise, babawi ako sa susunod." Nagmamadali siya sa paglalakad palayo kaya naman nginitian ko na lang siya.

Naglalakad ako pabalik sa school nang may dumaang koste at dahil may taglay akong ka swertehan sa buhay, natalsikan ang binti ko. Gusto kong magwala kasi yung palda kong puti kulay brown na! Nakakainis, bigay pa naman to ni Angely!

Grr. Bwiset yung may-ari ng kotseng yun! Bakit pakiramdam ko ay sinadya niyang daanan ang pool of mud na katapat ko? Bwiset siya!

"Okay ka lang ba?" Nabaling ang atensyon ko sa lalaking nasa gilid ko.

"Ah, sorry, of course you're not okay. May extra akong damit sa compartment ko, you wanna borrow one of my shorts?"

"Bangag ka ba?"

"Uh, ha?"

"Ang liit kong tao tapos pahihiramin mo ako ng shorts mo. Hindi ba ako magmumukhang weird doon?"

Bigla siyang nag face palm at medyo sinampal ang noo.

"Anyway, I'm Ron. Ron Montenegro, nice meeting you."

Nginitian niya ako. That very moment made me realize na ang gwapo pala nitong kausap ko. Matangkad, chinky eyes, pointed nose, fair skin at ang ganda pang ngumiti!

"Ano nga palang size ng waistline mo?"

"Ha?"

"Ugh. Bakit mo nga naman sasabihin sakin the fact that we just met?"

"Bakit mo ba tinatanong?"

"Hindi kasi ako komportable sa suot mo eh. Hindi naman siguro nabasa yung under garments mo diba?"

Pinamulahan ako sa tanong niya kaya naman nag sorry siya kaagad. Nag uusap pa kami ng may tumawag sa kanya pagkatapos ay dali daling umalis.

Ron Montenegro. Bakit pamilyar ang pangalan niya?

He's a Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon