Episode 1- Compensation

5.6K 144 43
                                    

[Vaughn]



nasa dorm kaming lahat, wala pang pasok kaya wala pang tao sa dormitory maliban sa aming apat, wala naman kaming ibang matutuluyan kaya pinatuloy muna kami ni Principal Nick dito. Isa pa, kasama namin ang kapatid nya, wala s'yang ibang choice ayaw din naman kase umuwi ng kapatid n'ya.

humarap ako sa lalaking nakaupo sa couch "Jeovani wala ka pa bang balak umuwi?" alanganing tanong ko sa kanya

Mag a-apat na buwan na s'ya dito nag s-stay sa dorm, naaappreciate naman namin na nandito s'ya, kahit papaano pinipilit n'yang makipag close sa mga kaibigan ng kababata n'ya kaso nga lang sa lakas n'yang kumain kinukulang na ang budget namin dito, hindi na kase masyadong nakakapag sponsor si Principal Nick ng makakakain namin, hindi na naman kami humahawak ng kaso. Ano pang silbi ng paglulutas namin ng mga kaso kung kulang na kami ng isa? Nawala ang detective namin paano pa kami makakapag lutas kung kahit marinig lang namin ang salitang "case" si Zed agad ang pumapasok sa utak namin. Hanggang ngayon masakit parin sa aming apat ang pagkawala ni Zed, pero di gaya noon hindi na ako umaasa na babalik sya. Masakit kase umasa.


Balik tayo kay Jeovani, kung sana lang nag aambag s'ya ng pera pang grocery o pambili lang ng asukal okay na sana pero wala pa daw s'yang sweldo kase hindi pa s'ya bumabalik sa trabaho.


nag angat ng tingin si Jeovani, nagmumukha s'yang tuta dahil pinalaki n'ya ang mga mata n'ya. Kamukha n'ya ang mga asong pinapanuod n'ya sa tv. "Pinapalayas mo na ba ako Vaughn?" malungkot na sabi nya.

'yan talaga ang isinasagot n'ya sa akin tuwing tinatanong ko s'ya. Ang sarap sagutin ng 'Oo' kaso nahihiya naman ako, kaibigan s'ya ni Zed.

"You have an excessive consumption of sugar, you're stealing my strawberries and YOU are stealing my coffee at night!" singit na sabi ni Zoki sa tabi ko.

"you also ate all my cheese cakes hidden in the fridge" dagdag ni Nate

nakaupo kami sa sofa, hindi na masikip ang sofa gaya ng dati, hindi na siksikan kase nawalan na ng isa, nagiging madrama na ba ako masyado?

Napasinghap si Jeovani at napahawak sa dibdib nya "Are you accusing me?"

nagtaas ng kamay si Nate "I have an evidence to present your honor"

hindi ko alam kung matatawa ba ako o tatawag sa mental dahil biglang tumayo sa harap namin si Brian suot-suot sa ulo ang mop, ginawang puting wig, buti nalang at kakalaba ko lang n'yan kun'di ewan ko nalang sa ulo n'ya.

para sa kaalaman n'yo po, lalaki po ako, straight na lalaki, wag po kayong judgemental, bakit pag lalaki bang naglalaba bakla agad? Madaming nag aakala sa akin na babae, porket hindi ako maskulado magsalita judgmental agad sila.


wala talaga akong pinag lalaban. 

"Proceed to the evidence" seryosong utos ni Brian. Narinig kong humagikhik sila Abby at Scythe sa likod namin, mukhang tapos na silang maghugas ng plato. Kakatapos lang kase naming kumain tapos nag kusa silang dalawa na hugasan ang mga plato, ang babait nila. Tularan silang dalawa. 

inilabas ni Nate ang laptop nya at may pinindot na video, lumabas ang video ni Zoki na nakaharap sa tv at parang robot sa tigas ng katawan habang sumasayaw ng boom boom ata ang title nun? Yung korean na sikat sa tv?Boom boom? Tama ba?

Natahimik kaming lahat habang tinitignan ang scandal ni Zoki, jusko po anong nangyayari sa mundo? 

hindi ko alam kung ito na ba ang oras na tatawa ako o iiyak sa napapanuod ko. Biglang nawala sa tabi ko si Zoki at napunta sa harap ni Nate, hawak n'ya ang leeg ni Nate at may kutsilyong nakatutok dito. Napatakbo papuntang kusina sila Abby at Scythe para magtago.

PART TIME DETECTIVES [UNRAVEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon