Episode 28- Guess whose birthday it is

942 52 19
                                    

[Vaughn]



Nabulabog ang tulog ko dahil sa lakas ng putok sa labas ng kwarto namin

May magnanakaw!

Isisigaw ko pa sana nang dumapo ang tingin ko sa kalendaryo

Ngayong araw na ba ang birthday ng batang 'yon?

Itinaas ko ang dalawang kamay ko para makapag inat-inat

Ang bilis naman ng mga araw oo, parang noong nakaraang linggo lang kinukulit niya pa kami na itanong sa kaniya kung kailan birthday niya

Pagkatapos ng tatlong sunod sunod na paputok sa labas ng kwarto napatayo na ako sa higaan nang biglang may baliw na nag sisisigaw sa sala ng "GOOD MORNING MGA PIPOL! KUMAIN NA BA KAYO? NAG TOOTHBRUSH NA BA KAYO? HANDA NA BA KAYO?"

Nag bihis na ako ng T-shirt bago lumabas ng kwarto, baka kung ano pang gawin ng batang iyon kung mas magtatagal siya doon sa sala mag isa.

Nag inat pa ako ng dalawa pang  beses bago binuksan ang pinto sa kwarto

At tignan niyo nga naman

Nadatnan ko sila ni Zoki sa labas na itinatali si Brian gamit ang kumot ni Zed, nakatayo naman si Nate sa harap nila habang nakapamewang na minumura si Brian, nakapajama pa silang tatlo habang pinag tutulungan na itali si Brian na naka uniform na.

"Aaack-- Tulong Nateu~ Tulong" nagpupumiglas na sabi ni Brian habang madramang nakaangat ang kanang kamay niya sa direksyon ni Nate.

"Tumigil kang gago ka! Kinakain mo ba ang relo niyong hinayupak ka, ke aga aga ang lakas mong mangbulabog na unano ka" nakapamewang na sermon ni Nate sa kanya

"Nahiya naman ako sa height mong ga dangkal lang ang layo sa akin. At kailan pa ba naging maaga ang alas otso?"balik na sagot naman ni Brian kay Nate

Umalis si Nate saglit at pag balik niya ay may dala-dala na siyang unan para panghampas sa mukha ni Brian

"Maaga 'yon sa bokabularyo ko!'

Mga batang 'to ang aga-aga nambubulabog na agad sa mga kapitbahay, hindi ko na alam kung paano ko ba ipapaliwanag sa kanila  ang mga kababalaghang nangyayari dito sa loob ng dorm araw-araw. Minsan nakikita ko nalang silang nakasimangot habang nakaturo sa direksyon namin

Noong isang araw tumawag pa nga si Principal Nick dahil sa dami ng reklamong natatanggap niya araw-araw

Wala din naman akong magagawa, alangan namang itali ko silang apat.

Nasubukan ko na 'yon, hindi rin naman umobra, nakawala parin sila

"Nakalock ang pinto paano ka nakapasok sa loob? At ano 'yong ingay na pumutok kanina?!" Saway ko kay Brian. 

Binitawan nila ni Zoki at Zed si Brian, inayos naman niya ang uniform niya at ang malago niyang buhok, ngiting ngiti siyang lumapit kay Nate at mabilis na ninakaw ang unan sa kamay niya at pinaghahampas ito ng mabilis sa mukha niya.

At talagang hindi ako pinansin ng batang ito

"FUC--" sigaw ni Nate habang dahan-dahang umuupo sa sahig para hanapin ang salamin niyang lumipad dahil sa hampas ni Brian

Maliit si Brian kumpara kay Nate pero hindi ko alam kung bakit mas nabubully niya si Nate imbis na baliktad dapat ang mangyayari.
 

Kinuha ko ang salamin ni Nate na hawak hawak lang naman ni Zoki at isinuot ito sa kanya, nag simula na naman silang maghabulan na tatlo. Bakit pakiramdam ko habang tumatagal mas nagiging isip bata silang apat?

PART TIME DETECTIVES [UNRAVEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon