Episode 30 - Till death do us part

1.1K 51 3
                                    

[Vaughn]

Inabot ng dalawa pang araw bago namin nakuha ang result sa laboratory. Positibo na nag match ang DNA ni Sean at ng bangkay.

Nasabi na namin kay Kiana na kumpirmadong si Sean nga ang bangkay na nakuha sa ilog nung araw na iyon. Nag suggest ako sa kanya na ipa cremate na agad ang bangkay pero nag matigas si Kiana, kinailangan pa naming isama si Principal Nick para tulungan kaming kausapin ang nanay ni Kiana para pagsabihan siya na ipa-cremate na kaagad ang katawan ni Sean.

Ayoko talagang makita niya ang kalagayan ng bangkay ni Sean, hindi niyo iyon kaya.

"Gusto ko siyang makita" huling pakiusap niya sa amin sa harap ng parents niya. Nakakaawa naman ang batang ito.

Kinausap namin ang pamilya ni Sean sa America pero walang nag claim sa bangkay niya, ang sabi ni Principal si Aston lang talaga ang tanging kamag anak niya dito sa Pilipinas

"Bakit naman kase parang walang may gustong makita siya kahit sa huling pagkakataon man lang! Anong klaseng mga magulang ba ang ayaw na makita ang anak nila" reklamo ko sa harap ni Zed

"We never know what's happening on their side Vaughn. You should avoid judging without an actual basis" sagot lang ni Zed

Nanibago ako sa inasal niya, normally masyado siyang mainit sa tuwing konektado kay Cyanide ang mga nangyayari pero ngayon, kalmado lang siya

"They could be threatened in some way, we know based on the report that Sean is tortured and drowned to death by the organization his cousin is involved in. He, most certainly, must've did something stupid that's somehow detrimental to the organization" dagdag na paliwanag niya

"I feel bad for the kid. He did tried to save us once" Sabi pa ni Nate na busy kaka type ng kung ano-ano sa laptop niya

Tumango lang si Zoki habang kinakain ang mga mansanas na binabalatan ko

"They did torture him pretty bad, with all the bruises he got by the skull, tongue cut out and his fingernails plucked out"

Napahinto ako sa pag babalat ng mansanas dahil sa sinabi ni Zed. Kailangan ba talaga na ikwento nila sa akin lahat ng detalye?

Hindi ko lubos maisip ang sigaw na marahil ginawa ni Sean habang tinutorture siya ng ganoon. Alam kong malakas siyang bata pero kahit na siguro ganoon, marahil ay umiyak siya sa mga oras na iyon.

"With them finishing him off by drowning. Judging by that big ass rock tied on his feet, he might've struggled a lot to try to survive. Those lunatics finally did it this time" pagtatapos ni Nate sa paliwanag ni Zed. Ibinaba niya ang salamin niya at minasahe ang noo niya

"I've seen worse, but that... That really caught me off guard" biglang nadurog ang mansanas na hawak hawak ni Zoki

Tumayo ako para ipagsalin ng tubig si Nate at ikuha ng panyo si Zoki. All of them didn't get enough sleep mula nang makuha namin ang test result. Ayon sa resulta ay tatlong araw lang na nakababad sa tubig ang bangkay ni Sean, pero dahil sa mga carnivorous na isda sa ilog madali itong na attract sa ilalim.

Sa totoo lang hindi naman talaga ito ganoon ka hirap na kaso, kase alam naman namin kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito.

Ang problema lang ay hindi naman namin alam kung sino ba talaga ang mukha sa likod ng pangalang Cyanide. Hindi ko alam kung anong kasalanan ng mundo sa kanya at naatim niyang gumawa ng ganitong mga bagay.

Dahil parin ba ito sa laro nila ni Zed? Bakit kailangan niyang mandamay ng ibang tao

Bumalik na ako sa sala, inabutan ko ng tubig si Nate habang pinunasan ko naman ang kamay ni Zoki

PART TIME DETECTIVES [UNRAVEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon