Episode 7- Zombie Outbreak II

2.1K 93 42
                                    

[Vaughn]



pumipitik-pitik ang kamay ng lalaki, butas-butas ang damit at madaming dugo sa katawan, nakakatakot ang mukha n'ya, pula ang mata at may mga binubulong sa sarili.

nangangamoy ang lalaki kahit malayo-layo ako sa kanya. Nang bumilis ang imbulontaryong paggalaw ng katawan n'ya ay napasigaw na si Zed

"RUN!"

gumalaw kaming lahat kasama si Mang Tenor, nag hagis ng mga kutsilyo si Zoki papunta sa animoy Zombie dahilan para magalit ito, agad kong kinarga papalayo si Nate nang mapalayo ang attensyon sa kanya ng Zombie.

"Hurry!" sigaw ni Zed.

nang makalayo na kami ay inaabot ni Zed ang salamin ni Nate sa kanya "WHAT THE FUCK WAS THAT?!" Agad na sigaw ni Nate nang maisuot na n'ya ang salamin

kita namin sila Zoki at mang Tenor na nakikipag away sa lalaki, malakas parin ang lalaki kahit na mahigit sa limang saksak na ang natamo n'ya galing kay Zoki.

"Kailangan ba nila ng tulong?"

naglabas ng baril si Zed

"WOAH DUDE TIME OUT! ARE YOU GOING TO KILL IT?!" sigaw ni Nate nang kinasa na ni Zed ang baril

"I'm going to immobilize it" kinasa ni Zed ang baril

"It kayo ng it hindi n'yo ba nakikitang tao s'ya?"

narinig naming sumigaw si Mang Tenor, agad kaming napatakbo papunta sa kanila, nagpaputok si Zed ng dalawang beses na ikinatakot ng lalaking sumugod sa amin at napatakbo papalayo

"OH FUCK NAKAGAT S'YA!" Sigaw ni Nate nang makitang basang-basa ang damit ni Zoki sa sarili niyang dugo

Itinaas ni Zed ang kamay niya "SHUT UP NATE!"

"SHUT UP ZED IS HE GOING TO BE INFECTED?!"

"I need my coffee and some bandages please?"

"ZOKI MAY SUGAT KA! TAYO KA NA! MAKAKATAYO KA BA? NABALIAN KA BA? MASAKIT BA?!"

"SHATTAP VAUUUGHN SHATTAP!"

biglang tumayo si Zoki at inalalayan naman ni Zed si Mang Tenor na tumayo at iniwan kami ni Nate. Tignan n'yo 'yong mga taong yon.

biglang may umungol "Dyan ka na Vaughn!" tumayo si Nate at tumakbo kela Zoki

"HOY!"

bumalik kami sa barangay, sinalubong kami ng punong barangay at ilang mga taga barangay.

"Harujusko Mang Tenor anong nangyari sa iyo!"

"Ang aswang na naman! Ang aswang na naman!"

"Naku! Umatake na naman ba ang aswang Tenor?!"

nagkakagulo na ang buong barangay, pinatawag narin ang matandang manggagamot pero tinarayan s'ya ni Nate at sinabing ako na ang maglilinis sa sugat ni Zoki at kay Mang Tenor. Humupa ang kaguluhan nang kausapin silang lahat ng punong barangay at nakumbinsi silang magsibalik sa mga bahay nila.

pumunta na kami sa kwarto na tinutuluyan namin balak pa sana kaming kausapin ng punong barangay pero napakiusapan ko s'yang ipagpabukas nalang muna dahil kailangang magpahinga ni Zoki.

Hinandaan s'ya ng kape at mga kakanin ng asawa ng punong barangay bago n'ya kami iniwan sa kwarto.

"Tingin mo magiging Zombie rin si Mang Tenor?"

"Vaughn this isn't a movie"

"Zed masama na bang magtanong?"

inayos ko na ang hihigaan naming apat, nakatunganga lang silang tatlo sa labas narinig ko pang nagtanong si Zoki na kung nauutot din daw ba ang mga Zombie tas sinagot lang s'ya ng mura ni Nate.

PART TIME DETECTIVES [UNRAVEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon