Episode 14- Detective suppremacy

1.5K 72 23
                                    

[Vaughn]

Isinugod namin sa hospital si Sandra, pinaalalahan kami ni Zed na hindi na maililigtas si Sandra kahit umabot pa s'ya sa hospital. Pero hindi ako nakinig sa kanya, nag pumilit parin ako na dalhin si Sandra, baka may himalang mangyari pero wala, the fact the wala nang oxygen supply ang utak n'ya nang dumating ang ambulansya. Sa mga oras na ito ko pinagdadasal na mali si Zed, sana mali s'ya, sana may magawa pa kami para mabuhay si Sandra.


"Patay na ang pasyente" huling sinabi ng doctor paglabas n'ya sa operating room.

Bakit? Bakit kailangan pa na patayin nila si Sanda? Bakit kailangan madaming nadadamay sa kalokohan nila? Ilan pa ba ang kailangang mamatay para makuntento si Cyanide? Hindi ko na alam ang mga nangyayari.

Nanginginig ako. Hindi dahil sa lamig ng hospital o dahil sa takot. Hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko, wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak at magdasal na sana maging masaya si Sandra sa kabilang buhay.

"Vaughn let's go home" Sabi ni Zed sa akin.

Tumayo ako at sinamahan silang maglakad papalabas ng hospital. Nagpumilit na sumama si Officer Garcia sa amin para ihatid kami sa dorm pero hindi ako pumayag. Ayaw ko mang aminin pero naiinis ako, naiinis ako kase kung hindi sana kami pumayag na tulungan si Officer Garcia hindi sana mamamatay si Sandra, kasalanan din naman iyon ng tatay n'ya kung bakit galit s'ya sa kanya pero nakialam pa talaga kami.


tinapik ako ni Zed "Are you still listening?" tanong n'ya. Tumango ako at bumalik sa pakikinig sa usapan nila sa likod ng taxi.

biglang nag salita si Nate "Khalil. I think that is the name of the girl on the other line"

Tumingin ako sa kanya. Mukhang s'ya nga iyong tumawag dahil hindi boses ni Cyanide kundi boses babae ang narinig ko kanina.

tumingin sa labas ng bintana si Zed "Cyanide is with her" maikling sagot n'ya kay Nate

Hindi ko na talaga nagugustuhan ang mga nangyayari "Zed. Sa tingin ko oras na para tayo na mismong apat ang maghahanap kay Cyanide. Hindi ko na talaga masikmura ang mga pinag gagagawa n'ya sa mga innosenting tao"

umiling si Zed "Oh Vaughn. Nate and I were already tracking Cyanide but until now we can't find a single thing"

Ang galing lang talaga magtago ng batang iyon, paano ba n'ya nagagawang magtago at pumatay? Alam kong delekado ang pinasok namin nang nagdesesyon kami na sumama kay Zed, pero ngayon ko lang talaga napagtanto kung gaano kadelekado ang taong katulad ni Cyanide.

Hindi s'ya nagdadalawang isip na pumatay. Pero ang mas nakakatakot ay kung paano n'ya nagagawang kumbinsihin ang mga tao na pumatay.

Si Cyanide ang nag iisang tao na equal kay Zed pagdating sa katalinuhan, hindi ko lang maintindihan kung bakit nagagawa ni Cyanide na maunahan kami sa lahat ng mga bagay? Dahil ba madami silang connection?


pag dating namin sa dorm ay nagkanya-kanya kaming pasok sa mga kwarto namin. Alam kong hindi pa sila natutulog. 

Okay

 baka si Zoki at Nate balak nang matulog pero si Zed alam kong nag iisip pa s'ya ngayon.

Sa totoo lang natatakot ako para kay Nate. Hindi namin alam kung anong iniisip ni Cyanide, hindi namin alam kung paano tumakbo o paano magplano ang utak n'ya iyon ang mas nakakatakot. Ang paliwanag ni Zed kaya hindi n'ya malaman kung ano ang mga susunod na mangyayari ay dahil walang ginagawang pattern ng pagpatay si Cyanide, ang alam lang namin ay may balak s'yang paglaruan kami. Hindi ko alam kung kailan matatapos ang laro nila ni Zed pero kung hindi pa s'ya makukulong delekado ang pamilya ni Nate.

PART TIME DETECTIVES [UNRAVEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon