CHAPTER 1

74 7 2
                                    

VERDANDI VAN

    ~🎵 There's always gonna be another mountain
I'm always gonna wanna make it move
Always gonna be an uphill battle
Sometimes I'm gonna have to lose
Ain't about how fast I get there
Ain't about what's waitin' on the other side
It's the cl-- 🎵~

"Hindi ko talaga alam kung bakit hanggang ngayon ayaw mo paring ibalik yung gustong gusto mong ibalik."

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko ang pagpi-piano ko pero itinigil ko na ang pagkanta

"Sayang kasi eh"

"Alam ko" tipid na sabi ko tatayo na sana ako nung muli na naman siyang magsalita bagay na ikinatigil ko

"Pwede naman nating ibalik to diba?" Tanong niya

"Para san pa?" naiinis na tanong ko pero hindi ko na hinintay pa ang sagot niya dahil umalis na ako.

Habang naglalakad ako napansin ko ang mga matang nakatingin sa akin. Hindi naman sila ganito dati, naging ganito lang sila nung mangyari na ang hindi dapat mangyari.

Mga taong mapanghusga nga naman.

"Dandiepoo!!!" sigaw ng isang pamilyar na boses

"Kanina pa kita tinatawag eh" hinihingal na sabi nito. Yumuko pa siya at hinawakan ang kaniyang tuhod na animo ay pagod na pagod

"What do you want?" Walang ganang tanong ko

"A-ah eh nakita ko kasi si Gino sa Club room natin tapos sabi niya kaka-alis mo lang daw kaya sinundan kita"

"Anya hindi mo naman sinagot ang tanong ko"

"Eh? Oo pala hehehe Gomenasai Dandie-chan. Itatanong ko lang sana kung nakapag-enroll kana?"

Hindi ako nagsalita pero itinaas baba ko ang kilay ko na agad niya namang naintindihan

"Oww okay, pareho lang pala tayo" nakangiting sabi niya, inilabas niya pa ang student's schedule niya para ipakita ito sa akin

"I didn't ask" tipid na sabi ko

"Dandiepoo naman eh.." Pagpapacute niya sabay hawak sa akin sa braso na para bang naglalambing na pusa

"Anya tigilan mo nga ako" Reklamo ko pero ang bruha mukhang walang pakialam

"Bibilang ako ng tatlo anya! kapag hindi mo parin ako binitawan, hihilahin kita hanggang sa labas ng campus!" Pagbabanta ko. Seryoso ako sa sinabi ko, bahala siya kung ayaw niyang maniwala

Strumming Hearts (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon