VERDANDI VAN
Kahit na ayaw kong maging leader ako padin ang pinili nila. Siguro isang malaking factor na dito ang pagiging perfectionist ko kaya ako ang napili nila.Iniwan ko na sina Anya at Gino pero hindi ko padin mapigilan ang pagtulo ng luha ko.
Habang naglalakad hindi ko napansin ang lalaking kasalubong ko kaya naman nabangga ko sya ng hindi sinasadya.
"Sorry Miss" paghingi nya ng paumanhin kahit na ako naman ang may kasalanan. Tinulungan nya na din akong pulutin ang mga gamit ko.
"H-hm, o-okay lang" Garalgal ang boses na sabi ko.
"Your voice, Are you crying? Did I hurt you? I'm really sorry, Are you okay?" Natataranta niyang tanong at pilit na tinignan ang mukha ko
"No, I'm fine, really."
Sa pag angat ko ng mukha ko isang pamilyar na mukha ang tumambad sa akin.
"Omo! Pagkakataon nga naman girl, we meet again" Maarteng sabi ng baklang si nikki.
"Hmm" Tipid na sabi ko at pinahid ang luhang natira sa mukha ko.
"I'll introduce myself again, para kasing hindi mo na ako nakikilala. I'm Nikson Robillos but you can call me nikki" Maarte niyang pagpapakilala
"I see, Okay I gotta go"
"Hey wait" Sigaw niya na ikinatigil ko
"Ba't ka ba umiiyak?" Nagtataka niyang tanong
"Nothing. So please leave me alone." seryoso kong sabi at nauna ng maglakad.
Hindi na nya ako kinulit pa kaya dumiretso na agad ako sa kotse at pinaharutrot ito.
"Your home early baby" Masayang salubong sa akin ni mama
"The principal called all the teachers for some important meeting" Paliwanag ko.
"Are you alright? Your eyes, did you cry?" Nag-aalalang tanong sa akin ni mama
"I'm fine, No ma, Napuling lang po ako" pagsisinungaling ko.
"Ahh I see, by the way I baked some cookies, would you like some?"
"Maybe later mom, I'm tired and I want to rest, excuse me po" sabi ko at nauna ng umakyat.
Bawat hakbang ko namumuo nanaman ang mga luha na gustong gusto ng bumuhos. Dumiretso ako sa banyo at nilock ito pagkatapos ay binuksan ko ang shower para walang makarinig sa akin,
"Taksil kang luha ka! Ba't ka ba lumalabas ha!" Galit na sabi ko sa sarili ko.
"Ikaw si Verdandi Van Vendillo, Isang babaeng palaban at walang inuurungang laban. Bakit ngayon para kang batang inagawan ng lollipop sa kakaiyak mo! Napaka iyakin mo!" Singhal ko sa sarili
"Nang dahil sa mga tsismis umiiyak kana?! Verdandi, lumaban ka! Ipakita mo sakanila ang pagbabago ninyo!" Matapang kong sabi at pinunasan ang mga luhang patuloy na umaagos sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Strumming Hearts (HIATUS)
General FictionWhat makes up a band? A drummer who creates and accompanies the music. A bass guitarist who is responsible in establishing the beat. A pianist who gives melody to the music. A lead guitarist who is the featured guitar and a rhythm guitarist who supp...