CHAPTER 3

22 4 0
                                    

VERDANDI VAN

"Good Morning baby, come here and eat your breakfast" aya sa akin ni mama nung makita nya akong pababa na sa hagdanan.

"Good Morning din po" tipid na sagot ko sabay upo sa upuan ko.

Nagsimula na kaming kumain at habang kumakain kami napansin kong parang balisa si papa. Pasimple ko syang pinagmasdan at kapansin pansin talaga ang pagiging balisa nya.

Mukhang sya lang naman ang problemado dahil normal naman ang kilos ni mama.

Ipinagsawalang bahala ko na lang ito, kahit naman gusto ko syang tulungan wala din naman akong magagawa.

Pagkatapos kumain nagpaalam na ako kina Mama at Papa. Paalis na sana ako nung bigla akong tanungin ni Mama.

"Verdandi, gagamitin mo na ba yung iniregalo naming kotse sayo?" Nakangiting tanong ni mama.

Medyo napaisip ako sa tanong nyang yun. Should I use the car? Siguro nga oras na para gamitin ko ito.

"Yes ma"

"Drive safely Verdandi" seryosong sabi ni papa.

"Opo pa"

Ilang araw rin akong nasa bahay lang salamat naman at monday na ulit.

***

I still cant believe I have my own car. Masarap pala sa feeling ang magdrive lalo na at alam mong sayo ito.

Habang nagmamaneho ako bigla na lang tumunog ang cellphone ko, tinignan ko ang caller I.D at ang pangalan ni Anya ang bumungad sa akin. I rolled my eyes when I saw her name, alam kong mangiinis lang sya kaya ibinato ko na lang ang cellphone ko sa may backseat.

Pinagpatuloy ko ang pagmamaneho pero mukhang ayaw akong tantanan ni Anya dahil sige padin sya sa pagtawag sa akin.

Medyo naririndi na ako kaya mabilis ko itong kinuha mula sa backseat. Segundo lang ata ang lumipas pero nung ibalik ko ang paningin ko sa kalsada may masasagasaan na akong lalaki.

I immediately stepped on the brakes, medyo nauntog pa nga ang ulo ko sa manibela dahil sa ginawa ko. Hinimas himas ko ang ulo ko at nung mahimasmasan ako, agad akong bumaba sa kotse para tignan ang lagay ng nabangga ko.

Nakita ko syang nakaupo sa gitna ng kalsada, mukha namang okay sya. Kung nabangga ko man sya, hindi naman siguro ganun kalala.

Hihingi na sana ako ng despensa sa kanya nung bigla nya na lang akong sigawan ng malakas.

"Are you blind?!"

"Hindi kita nakita because I was busy looking for my phone" paliwanag ko.

"So ganun na lang yun? Dahil 'busy' kang hanapin ang cellphone mo, okay lang na makabangga ka? Hindi ka man lang ba hihingi ng sorry?!"

"I was about to but you interrupted me" inis na sabi ko.

"So ako pa ang may kasalanan?"

"Ikaw ang may sabi nyan hindi ako"

"Ibang klase~" bago pa man nya matapos ang sasabihin nya pumasok na ako sa kotse. Magsasayang lang ako ng laway sa kanya. Mukhang okay naman sya.

"May araw ka din!" Sigaw nito pero nagpatuloy ako sa pagda-drive.

Pagdating ko sa school, agad akong sinalubong ni Anya.

Strumming Hearts (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon