VERDANDI VAN
“Dandiepoo sorry na”
“Diba sabi ko sayo tigilan mo na ako”
Nandito kami sa school ngayon, pagkarating ko kanina agad kong binatukan si Anya at hanggang ngayon hindi parin nya ako tinitigilan.
“Ano ba ang nangyari lideo?” Nagtatakang tanong ni Gino.
“Nothing” walang ganang sagot ko.
“Hayaan na nga lang natin yun. Tara kain tayo, my treat” pag-iiba ni Anya sa usapan.
Habang nakapila kami sa cafeteria napansin kong may mga mata na namang nakatingin sa akin, mga matang ang sarap dukutin, mga matang mapanghusga.
“Diba sila yun? Bakit kaya ganun ang nangyari sa kanila?”
“Oo nga eh, ang balita ko iniwan sila nung isang miyembro nila at pinili na lang maging varsity”
“Paano ba naman kasi masyadong perfectionist yang leader nila”
“Hindi rin kaya maganda yung masyadong perfectionist”
“Masama pa daw ang ugali kaya iniwan sila”
“Ang sabi pa nga nila may something daw dun sa dalawang yun eh”
“Yung leader tsaka yung umalis”
“Hay nako, ayan kasi akala nila kung sino silang sikat”
Ilan lang yan sa mga naririnig ko mula sa mga taong mapanghusga, sa mga taong hindi naman alam ang boung kwento pero grabe kung humusga sa boung pagkatao ko.
“Verdandi, don't mind them okay?” mahinahong sabi ni Gino.
“What the hell Gino, don't mind them? Hanggang kelan? Ano pababayaan na lang ba natin sila? I can't stand this anymore” galit na sabi ni Anya.
“Don't” mariing sabi ko. Hinawakan ko din ng mahigpit ang kamay nya para hindi sya makagawa ng bagay na pagsisisihan nya lang din sa bandang huli.
“Verdandi naman, hanggang kelan mo ba sila hahayaang sabihan ka ng mga bagay na wala namang katotohanan”
“Katulad nga ng sinabi mo, wala namang katotohanan, bakit ko pa sila papatulan kung hindi naman totoo, magsasayang lang ako ng laway at oras. Besides, kahit naman mag-explain ako sa tingin mo ba maniniwala sila sa akin?”
“And one more thing, I wasn't born to please them and I will not stoop down into their level”
After saying that iniwan ko na sina Anya at Gino, makulit si Anya kaya nasisiguro kong hindi nya pa rin ako titigilan kahit na naipaliwanag ko na ang side ko.
I don't really have a clear destination in my mind, lakad lang ako ng lakad kaya medyo napakunot ang noo ko nung kusang huminto ang mga paa ko sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.
Sa music hall.
Pumasok ako sa loob and before I realized what I am doing I am already singing my heart out.
BINABASA MO ANG
Strumming Hearts (HIATUS)
General FictionWhat makes up a band? A drummer who creates and accompanies the music. A bass guitarist who is responsible in establishing the beat. A pianist who gives melody to the music. A lead guitarist who is the featured guitar and a rhythm guitarist who supp...