VERDANDI VAN
"Dandiepoo, Alam mo bang may narinig akong tsismis ang sabi nila may battle of the bands daw na gaganapin dito sa campus" Biglang sabi ni Anya"I don't care" tipid na sagot ko
Ngayon ang unang araw ng klase at magkasama kami nina Anya at Gino.
"Ayaw mo bang sumali tayo?" tanong ni Gino
"Ayoko" tipid na sagot ko
"Bakit naman? Sayang rin yung limang taong pagsasama natin kung hindi mo na bubouin ang banda dahil sa nangyari"
May bahid ng inis akong naramdaman sa boses ni gino ng sabihin niya ang katagang yon kaya naman hindi ko na din napigilan ang mainis.
"Alin ba sa salitang AYOKO ang hindi mo maintindihan?" Inis na sigaw ko sakaniya
Dahil sa biglang pagsigaw ko pati ang mga kaklase namin ay nagulat din. Napatingin sila sa direksiyon namin kaya ipinikit ko nalang ang mata ko para maibsan ang inis na nararamdaman ko kay Gino, mabuti nalang at konti palang kami dito sa classroom.
Pero di ko din natagalan ang presenya nila kaya umalis nalang ako, balak ko ng umuwi tutal nawala na rin naman ang gana kong pumasok ngayong araw, besides wala rin namang masyadong gagawin ngayon
Pagka-uwi ko sa bahay agad akong sinalubong ni mama
"Verdandi baby ba't naman ang aga mong umuwi?"
"Wala daw pong klase kasi first day of school pa naman daw po" Pagsisinungaling ko
"Okay baby, sige na pahinga ka na"
"Okay po"
******
Naalimpungatan ako nung may marinig akong katok mula sa labas ng kwarto ko, nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan.
"Verdandi?" boses ni papa kaya dali-dali akong bumangon para buksan ang pintuan
"Is something wrong?" Biglang tanong ni papa na ikinakunot ng noo ko
"Ha?" nagtatakang tanong ko
"Gino and Anya came to visit you"
Nagulat ako sa sinabi ni papa pero hindi ko na lang ito ipinahalat.
"Ano daw ang kailangan nila?" walang ganang tanong ko
"I don't know iha"
"Sige po bababa na rin po ako"
Bumaba na si papa at naligo naman ako agad at nagbihis, pagkababa ko nakita ko silang dalawa na kumakain sa sala.
"Good afternoon dandiepoo" masayang bati ni Anya ng makita ako
"What brought the two of you here" walang ganang tanong ko
"I just want to say sorry lideo, sorry kung sobra akong mapilit kanina" Paghingi ni gino ng tawad habang nakayuko
"Yun lang ba?" tanong ko
"Gusto ka sana namin isama mag mall" Masayang sabi ni anya
BINABASA MO ANG
Strumming Hearts (HIATUS)
General FictionWhat makes up a band? A drummer who creates and accompanies the music. A bass guitarist who is responsible in establishing the beat. A pianist who gives melody to the music. A lead guitarist who is the featured guitar and a rhythm guitarist who supp...