Prologue

19 0 0
                                    

Palagi akong nagiisip ng bagong konsepto na maaari kong isulat bilang nobela. Minsan love story, yung halos maihi ka na sa kilig. Minsan naman horror, yung tipong maprapraning ka o kaya pati sa panaginp mo, mavivisualize mo yung features nung killer or multo. Minsan naman ay science fiction story, para bang isang malaking experiment para lang makuha ang isang lunas sa malalang sakit o virus. Pero sa totoo, sa dami ng konsepto na naisip ko, sa dami ng nobela ko na nasimulan, lahat sa simula lang exciting, pagdating ng kalagitnaan ng kwento, mawawalan ako ng gana, ang flow of ideas ko ay matutuyot, at ang ending ay hindi ko na lang tatapusin ang kwento. Sabi ng ibang writers, kailangan may inspiration ka lagi sa pagawa ng story. Yun na nga ang problema ko. Ang inspirasyon ko sa bawat istoryo, parang kabute—lulubog, lilitaw. Pero isang araw naisip ko, bakit kaya di ko gawing inspirasyon ang bagay na hindi mawawala, alam ko na laging andyan lang, alam kong di aalis, alam kong di mapapawi at kakainin ng laho. Pero sa pagdating ng panahon, mawawala din pala ito. Dito ko napagtanto na walang bagay na di mawawala, di ka iiwan, walang permanente sa mundo, walang bagay na kakapit sayo hanggang huli.

Not an Ordinary StoryWhere stories live. Discover now