Chapter 2

6 0 0
                                    


Nagising ako dahil sa sobrang lamig ng pakiramdam. Para akong naka-airconditioner. Hinagilap ko ang kumot ko at nagtalukbong.

"Ayyy... Ang lambot ata ng katre ko ngayon."ansarap sarap talaga matulog.

"Malambot talaga ang hinihigaan mo ngayon, kama pa yan galing sa Russia na binili ni Mr. De Lucio para sayo." Nanaginip pa rin ata ako. Naririnig ko pa rin ang boses ni long-haired man na galing sa panaginip ko.

"Mr. Long –haired man, napakapersistent mo, sobra na ang exposure mo sa panaginip ko."nagulat na lang ako ng may sumalpok sa akin na unan.

"Yah! Ano ba?! Natutulog ang tao—Waaaah!!! Mr. Long-haired man! Bakit tunay na tao ka?! Am I hallucinating or what?!"sumimangot naman sya at balak ata akong batuhin ulit ng unan.

"Waaahhh! Wag ano ba?! Masakit ang pagkakabato mo ha! Akala mo nakakatuwa ka pa! Yah! Hindi na!"sigaw ko sa kanya. So totoo pala na kinidnap ako ng mga Men in Black. Akala ko sa mga novels lang at tv series nangyayari ang ganito. Pati pala sa tunay na buhay?

"Kuyang long-haired, alam mo, palabasin mo na ako, wala akong pera at lalo na si Mama na pangbayad sa ransom para sa akin. Alam mo ba nangutang pa si Mama ng bente sakin para lang may maibili ng toyo at suka na pang adobo! Kaya walang pangransom yun. Tumigil ka na kuya sa kahibangan mo wala kaming yaman na pangsalpak sa bulsa nyo!"tumayo na ako at handa ng lumabas ng kwarto. Nilapitan ako ni Kuyang Long-haired kaya sinipa ko sya sa kanyang precious thing between his legs.

"Aaackkk!!!F**k!" napaluhod sya habang hawak ang precious thing nya.

Tumakbo ako para makalabas ng pinto pero nanlumo ako pagkabukas ko ng pinto. Limang guards ang nakaharang sa paglabas ko ng pinto, napatingin ako sa may hagdan, may tatlong guards din at sa may sala ng mansion na ito ay may tigagalawang guards kada sulok.

"God! What thing did I do wrong?! Why God?! Huwaaaaaaay!!!"kulang na lang ng walling para makumpleto ang drama ko. Sinampal sampal ko ang sarili ko nagbabakasakaling nananaginip lang ako pero hindi talaga. Totoo talaga.

"Ms. De Lucio! You—ugh! Ansakit P**a!" hawak hawak nya pa rin ang precious thing nya.

"Shut up Shitzu! Di porket long-haired ka di kita papatulan!"sigaw ko kay kuya long-haired.

"Pfftt! Ehem!" pigil na tawa ng guards. Sinamaan nya naman ng tingin ang mga kasamahan nya.

"Sorry Sir Radge. Tatawagan ko na ba po si Sir De Lucio?"sabi ni Chubby man in black.

"Oo, bago ko pa isako ang babaeng 'to."napalunok naman ako sa sinabi ni Shitzu, yun na lang ang itawag natin kay long-haired man, masyado kasing mahaba. Ayokong tawagin sya sa pangalan nya kasi hindi bagay sa kanya! Masyadong pang magandang lalaki ang pangalan na 'Radge' kaya hinding hindi ko sya tatawagin sa pangalan nya.

"Miss De Lucio sumama ka sa akin."mabait na approach ni Chubby sakin. Hinawi ko naman ang kamay nya.

"Teka lang ha? Hindi ako si Miss De Lucio nyo! Baka kamukha ko lang or nagkamali kayo ng kidnap, Rebecca Hart Torres ang pangalan ko. Si Victoria Torres at Elmir Torres ang mga magulang ko. May isa akong kapatid na si Charrielle Torres. Imposibleng ako yung Miss De Lucio, hindi ako yun!" napailing naman si Chubby sa akin.

"Sige, Miss Rebecca, sumama ka na lang. Huwag mo ng hintayin na si Radge pa ang magdala sayo kay Boss dahil baka kainin ka ng buhay nun. Tara na."bagsak ang balikat ko syang sinamahan papunta sa paroroonan namin. Malaki pala talaga ang bahay na ito, as in Mansion, yung tirahan ng mga rich kids.

Tumigil kami sa harap ng isang wooden double door na may intricate na design pero mas kapansin pansin ang nakaukit dito na letrang D at L.

"Miss Rebecca, pumasok ka na. Kanina ka pang hinihintay ni Boss." Itinulak tulak nya ako papalapit sa pinto. Binuksan ko ito at nakita ang isang malaking kwarto na parang naging pader na ang mga libro sa sobrang dami.

"My daughter? Is that you? My Exandria!" isang mukhang mayaman na donyo ang lumapit sa akin at walang habas na niyakap ako.

"I've searched you for years. Now you're grown up, I can't help but cry. I am happy to see you anak." Madramang sabi ng Donyo. May pahid luha effects pa.

"Eh? Sir, mukhang nagkamali po kayo, di naman po ako ang anak nyo. Ang pangalan ko po ay Rebecca Hart Torres at ang mga magulang ko po ay sina—"

"Victoria Torres at Elmir Torres. I know them. Isa sila sa mga tauhan ko dati dito sa mansion. At nung manganak ang nagrebelde kong asawa, ayaw nyang ipakita ka sa akin, ibinigay ka nya kay Victoria at Elmir kapalit ang malaking halaga para manahimik at magpakalayo. Nalaman ko lamang na may anak ako noong magkasakit at manghina ang aking asawa. Sinabi nya sa akin na hanapin kita at alagaan, na pinagsisihan nya lahat ng nagawa nya. Gusto ka nyang makita. Gusto kang makita ng Mommy mo." Natulala naman ako sa narinig ko. Joke ba to? Nasa gag show ba ako? Naghahallucinate ba ako?

Sinampal ko ang sarili ko at iniuntog sa pader pero hindi talaga ako nananaginip.

"Oh No! My daughter, anong ginagawa mo?! Huwag mong saktan ang sarili mo!"nagaalalang sabi ng Donyo sa akin.

"Hija, your true name is Maria Exandria De Lucio, from now on, yun na ang gagamitin mong pangalan, sa school, dito sa bahay and everywhere. I am your father. Antonio De Lucio and your mother is Dianne De Lucio. Please my daughter, please accept us as your parents. I will still make you see your other mother and father just please be with us. I will take care of you and give you everything you want." Lutang akong napatango. Niyakap ako ni Don Antonio at ipinahatid kay Chubby.

"Miss De Lucio, ako nga po pala si Charles Flores. Ako pa ang assistant ni Sir Radge." Lutang akong tumango at tumango.

"Since ikaw ang unang mabait na taong nag approach sa akin, magiging mabait din ako. Thank you Chubby sa pagiging mabait sa akin." Kumunot naman ang noo ni Chubby sakin.

"Ch-Chubby?"nauutal nyang sabi sa akin.

"Ah. Gets ko na. Ayaw mo ng Chubby ang tawag ko sayo? Naoffend ka ba? Sige, Chubs na lang ang itatawag ko sayo. Thank you Chubs." Lalo namang kumunot ang noo nya.

"Ayaw mo pa rin nun? Hays, bahala ka, basta yun ang tawag ko sayo. Chubs, Chubs, Chubs." Tumakbo ako palabas ng mansion. Nakarating ako sa isang fountain na may estatwa ng magandang babae na may hawak na rosas. Sa rose lumalabas ang tubig.

Napaupo naman ako sa may fountain. Hindi maabsorb ng utak ko lahat ng nangyayari. Masyadong mabilis. Ang hindi ko maintindihan ay bakit nagawa yun ni Mama at Papa sa akin. Hindi ko matanggap. Lumaki ako na minahal ko sila ng tunay kong magulang samantalang ang tunay ko palang magulang ay naghahanap sa akin. Mahal ko sila Mama at Papa pero di ko maiwasan magtampo. Bakit hindi man lang nila sinabi sa akin? Nanaginip lang kaya ako?

Sasampalin ko sana ang mukha ko ng may humawak sa braso ko.

"Bilin ni Boss, bantayan kita dahil sinasampal mo raw at inuuntog ang sarili mo. Baliw ka talaga." Binawi ko ang braso ko kay Shitzu at tumayo. Pinagpag ko ang pwetan ko at naglakad palayo sa kanya.

"Radge Vaughn Evans."napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya.

"Yun ang pangalan ko, so stop calling me names."tumawa naman ako ng nakakaasar at tinginan sya ng masama na para bang binabato ko sya ng milyon milyong kutsilyo na bagong hasa.

"Whatever Shitzu. Huwag mo na akong sundan, baka akalain kong aso ka talaga, sunod ka ng sunod. Shoo!" ikinumpas ko pa ang kamay ko na parang nagtataboy ng aso.

"Yah!You! You will regret making me pissed off!"

Tumalikod ako at itinaas ang kamay ko na naka whatever sign.

Mababaliw na talaga ako.

Not an Ordinary StoryWhere stories live. Discover now