Maaga akong ginising ng mga maid. Napanaginipan ko si Mama at Papa kagabi. Nagaalala ako kay mama dahil wala syang malay noong tinangay ako ni Shitzu at Chubs.
Pumasok na ako ng banyo para makaligo.
"Wow. Buong bahay na naming itong laki ng cr na to ah." Agad bumungad sa akin ang bath tub na inihanda ng maids kanina. May rose petals ang tubig at umaalingasaw ang bango nito.
Bumabad na ako sa bath tub at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
*Boogsh!*
Naalimpungatan ako sa malakas na tunog ng pinto ng banyo.
"Exandria—S**t!"Agad naman syang tumalikod at saka ko lang narealize na wala nga pala akong saplot. Buti na lang nakababad ang buong katawan ko sa tubig at may rose petals kaya di kita ang puri ko.
"Wahhhhh!!! BASTOS KA! Bakit ka basta basta napasok ng banyo? Di mo ba alam na may tao manyakis ka!"binato ko sya ng kung anong madampot ko. Sinalag naman yun ni Shitzu.
"Dalawang oras ka na dito sa banyo! Malay ko ba kung nalunod ka na! Bilisan mo na at late na tayo sa school. Tss. Akala mo naman kamanyak manyak sya."lumabas sya ng banyo at ako naman ay naiwang nakatunganga.
"Loko yun! Sya na nga ang basta namamasok sa banyo sya pa ang may karapatan manglait! Tss! May araw ka rin sakin loko ka."
Gumayak na agad ako. Sinuot ko lang yung uniform na napakasikip ng palda. Pencil skirt at ang pang itaas naman ay light blue na long sleeves, red na necktie at dark blue na blazer na may touch ng gold. Nagsuklay lang ako ng buhok then VOILA!!! Ready na ako. Di naman kasi ako nagmemakeup.
Dumiretso ako sa may dining room at nakita ko si Dad na nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo. Si Shitzu naman ay kumakain ng bacon and egg.
"Good morning Exandria my daughter. Did you get enough sleep?" tumingin sya sa akin habang nakangiti.
"Good morning Dad, yes po dad."nagsimula ko ng lantakan ang pagkain na nakahain.
"Boss, ito na po ang sapatos ni Miss."dumating si Chubs na may dalang box ng sapatos. Mukhang mamahalin.
"Goodmorning Chubs." Ngumiti naman sya sa akin at bumati rin.
"Anak, ito yung required na shoes sa EU. So ipinabili ko na sa mga maids itong shoes for your school." Tumango naman ako.
Mataas pala yung taking nung sapatos. Hindi ako sanay.
"Ano pang hinihintay mo? Masyado kang paspecial." Bitter na sabi ni Shitzu. Inirapan ko naman sya. Sumakay na ako sa loob ng kotse at maya maya naman ay tumabi na sa akin si Shitzu.
Tahimik lang kami buong byahe hanggang marating ang tapat ng gate ng EU.
"Dito na po ako bababa." Sabi ko kay Manong driver.
"Pero ma'am baka po—"umiling naman ako.
"Okay lang Manong dito na ako. Ayoko pong makasabay sa pagpasok ang isa dyan." Inirapan ko naman si Shitzu na parang walang pake sa mga nangyayari.
Bumaba naman ako ng kotse at pinauna ko silang pumasok sa school.
Papasok n asana ako ng harangin ako ng guard.
"Miss, ID mo."Poker face na sabi ni kuyang guard.
"Eh Kuya kakatransfer ko lang po dito eh, wala pa akong ID. Sige po ha pasok na ako." Papasok n asana ako pero hinila ako ni kuya pabalik sa labas.